SHIN POV
B A N G ! B A N G !
Habang patungo naman kami sa gym ay nakarinig na naman kami ng putok ng baril.
Dahil dun ay kinabahan na talaga ako.
"Nanay ko po?! Ayoko na talaga?! Uuwi na ako?! " takot na sabi ni Noel.
Gustong-gusto na talaga niyang umalis kaso hawak ko siya sa leeg eh.
"Ano ka ba naman Noel? Hindi natin pwedeng pabayaan sina Kinley at Kuya Shane dito? Tayo na lang ang maasahan nila? Kaya magpakatatag ka?! "
"Pwede bang humingi muna tayo ng tulong sa mga pulis?! Di ba dapat sila ang sumusugod dito at hindi tayo?! "
"Hindi tayo pwedeng umalis dito hangga't hindi natin naililigtas yung dalawa? Paano kung umalis tayo tapos patayin na nila sina Kinley at Kuya Shane? Eh di wala rin, di ba? Atsaka, papunta na sina Lona, Louie at Princess sa presinto para humingi ng tulong sa mga pulis. Malamang papunta na rin ang mga iyon dito. "
SA KINAROROONAN NILA LONA, LOUIE AT PRINCESS.....
LOUIE POV
"W A A A A A H H H H H ! "
"W A A A A A H H H H H ! "
Opo patuloy pa rin ang pag-iyak nung dalawa.
Ako na nga ang nagpedal eh dahil nagagalit na yung mga driver ng traysikel at motor dun sa kalsadang pinaghintuan namin, masyado na kasing nagtatrapik.
Langya, hiyang-hiya ako dahil talagang pinagtitinginan, pinagkukwentuhan at pinagtatawanan na kami ng mga taong nakakasalubong namin.
"Pwede ba tumigil na kayo?! " dahil sa inis ay nasigawan ko na sila.
Natahimik naman yung dalawa habang nakatingin sa akin. Mukhang epektib yata yung ginawa ko, buti naman.
Nang inaakala kong titigil na sila ay nagkamali ako.
Bigla ba namang umatungal na naman yung dalawa.
"W A A A H H H H ?! Pinapagalitan tayo ni kambal?! "
"Oo nga?! Galit siya sa atin?! W A A A A H H H H H ?! "
Dahil dun ay wala na akong nagawa. Natampal ko na lang ang noo ko habang nagpe-pedal ng nakayuko.
SHIN POV
"Ganun ba? Sigurado ka ha? Papunta na rito ang mga pulis? " paninigurado pa ni Noel.
"Oo nga, sigurado ako kaya ang dapat na lang nating gawin ay siguraduhing ligtas yung dalawa lalo na si Kinley. "
Sa totoo lang eh kanina pa rin naman talaga ako natatakot. Tulad ni Noel ay ayoko pa rin namang mamatay. Ang kaso eh mas inaalala ko ang kapakanan ni Kinley.
"Sige na nga, bahala na. " sabi ni Noel.
"Yan?! Yan si Noel atapang atao hindi atakbo?! " sabi ko sa kanya habang tinatapik ko siya sa balikat.
"Inuuto mo lang ata ako eh para may kasama ka? "
"Uto-uto ka naman eh. "
"Anong sabi mo? "
W U U U S S S H H H !
Sasagutin ko sana si Noel pero bigla na lang may malamig na hangin na dumampi sa buong katawan ko. Dahilan yun para ako'y matigilan.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-