KINLEY POV
"POLICE STATION??! BAKIT TAYO NANDITO??! "
Sigaw ko kay Shin pagkababa namin sa traysikel.
Bakit dito ako dinala ng lalaking ito?!
"Uy? Pwede ba? Wag ka ngang sumigaw? " saway nito sa paglakas ng boses ko.
"Eh ano ba kasi ang ginagawa natin dito?! "
"May gusto lang akong alamin? "
"Eh di alamin mong mag-isa?! Bakit isinama mo pa ako? "
"Di ba nga, team tayo? "
"Anong team?! Kailan pa?! "
"Eh di ba, sabi mo tutulungan mo ako? Kaya sige na, samahan mo na ako? "
Natampal ko ang noo ko.
"Diyos ko po?! Bakit ba ako pumayag sa kalokohan ng lalaking ito?! Parang gusto ko nang pagsisihan?! Feeling ko talaga eh mapapahamak ako ng wala sa oras?! Hindi dapat kami pumunta dito eh?! Dapat sa mental hospital para maipasok ko na ang tukling na ito doon?! God, please?! Wag niyo pa akong pababayaan?! Ikaw na po ang bahala sa akin?! " mahinang sambit ko sa sarili.
"Oy, ano bang sinasabi mo diyan? " tanong ni Shin.
"Wala ka naro'n. "
"Oh tara na. "
Biglang akong hinawakan nito sa may pulsuhan at hinila na papunta sa loob ng Police Station.
Dug-dug... Dug-dug... Dug-dug...
Shi Tzu?! Ano na naman ba itong nararamdaman ko?! Kalma Kinley, kalma lang.
Dug-dug... Dug-dug... Dug-dug...
Ano ba yan?! Ayaw mawala ng kaba ko?!
Dahil dun ay bigla kong hinila ang braso ko sa pagkakahawak ni Shin.
Ikinagulat iyon ng lalaki.
"S-sandali lang? " nanginginig na sabi ko.
"Huh? Bakit? "
"W-wala-wala. G-gusto ko lang s-sanang lumanghap ng hangin? "
Napahawak ako sa aking pulsuhan na hinawakan ni Shin. Napansin naman iyon ng binata.
"Naku? Sorry? Nasaktan ka ba? Napadiin ba ang pagkakahawak ko? Patingin nga? "
Akmang hahawakan sana ulit ako nito pero iniwas ko na ang braso ko.
Nagtaka naman ang lalaki.
"Okay ka lang ba Kinley? "
Hindi agad ako nakasagot. Tinanong ko rin ang sarili ko. Okay lang ba ako?
Hawak ko pa rin ang wrist ko. Ramdam ko pa rin ang init ng pagkakahawak sa akin ni Shin.
Oh god?! Ano ba talaga ang nangyayari sa akin??
Lagi na lang sa tuwing magdadampi ang mga balat namin ay parang may kung anong kuryente ang gumagapang sa buong katawan ko. Anong ibig sabihin ng pakiramdam na ito?
Wait lang? Wag mong sabihing... ?!
NO?! No way?! Hindi pwedeng mangyari yun?! Hindi sa isang katulad niya?! Ano ba itong naiisip ko?!
Erase! Erase! Erase!
"Uy, okay ka lang ba? "
Napapitlag ako.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-