BAD FEELING PART 2

114 1 0
                                    

CHEALSEY POV

5 minutes ago.....

"Paano yan? Ayaw nila tayong paniwalaan? Kailangan kong pumunta sa school?! Baka kung anong gawin sa kanila ni Dad? "

"Hindi po ata talaga sila maniniwala. Dapat sa Hepe ng Pulisya tayo magsabi. " si Louie.

"Paano? "

"May naisip na po akong plano. Ganito po Mam. Kami na pong bahala diyan sa dalawang pulis, papatakasin po namin kayo. " si Lona.

"Huh? Eh, baka mapahamak kayo? "

"Wag po kayong mag-alala sa amin, kaya po namin ang aming mga sarili. "

"O-okay? "

"Ah, Mam? " kalbit sa akin ni Princess.

"Totoo po bang muntikan niyo nang masagasaan si Jollibee? "

"Ha? Ahm, di ko alam eh? "

"Cess, wag ka nga munang magulo? "

"Nagtatanong lang naman? " sabi ni Princess sabay kain nito sa ice cream na hawak.

"Ah, Cess? Pwedeng akin na lang yang ice cream mo? Bibilhan na lang kita ng bago mamaya. "

"Mmm? Okay. " binigay nito yung ice cream kay Lona.

"Eh teka, kailangan kong makasakay para mabilis akong makakarating dun sa school? "

"Hindi na po ba pwedeng gamitin yung motor niyo? " si Lona.

"Huh? Eh? Sira na ata yun eh? Atsaka, ayoko na pating gamitin iyon? Baka madisgrasya pa ako? "

"Eh di yun na lang po. " turo ni Louie dun sa ginamit nilang pedikab.

"Huh? "

"Opo, Mam. Yan na lang po. Baka matagalan pa kayo kapag nag-antay pa kayo ng masasakyan? "

"S-sige na nga, bahala na. "

"Okay, gawin na natin ito. "

"Wait lang mga bata?! "

Nilingon nila akong tatlo.

"Mag-iingat kayo ha? "

Nginitian nila ako at nagthumbs up pa sila sa akin.







Now.....

Habang tinutungo ko ang daan patungong school ay hindi ko pa ring maiwasan ang mag-alala dun sa tatlo.

"Lord, sana po okay lang ang mga batang iyon. " bulong ko.




Alam kong masakit na ang binti ko sa kakapedal pero hindi ko na iyon ininda. Hangga't maaari ay gusto ko agad makarating sa school.




Pasalamat naman ako dahil sa mahigit 15 minutong pagpepedal ko ay alam kong malapit na ako sa aking patutunguhan.

"Konti na lang? Parating na ako diyan? Shin? Kuya Shane? Kinley? "




Hanggang sa lumiko na ako sa main road papuntang STPS.




Habang nagpepedal ay medyo nagtaka ako dahil sa di kalayuan ay nakatanaw na agad ako ng mga tao na tila nagkukumpulan sa gitna nung daan.

Anong meron?




Lalo naman akong nagtaka ng mapatingin silang lahat sa direksyon ko. As in, lahat talaga sila nakatingin sa akin.

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon