SHIN POV
Pagkapasok ko ay mausok na ang buong kwarto.
Kaya naman agad kong hinanap yung kama kung saan nandun daw yung anak nung lalaki.
Nang matanaw ko iyon ay dali-dali akong lumapit upang iligtas at maialis siya agad doon.
Wala na akong pakealam kahit lalong sumasakit na ang mga mata ko, dagdagan mo pa ang usok na masakit makapuwing.
Nang makalapit ay sandali akong natulala.
Babae.
Babae pala ang anak nung matanda.
E X P L O T I O N !
Bigla akong nakarinig ng pagsabog sa malayo.
Dahilan iyon para ako'y mataranta kaya naman ay agad ko itong pinangko at inilabas ng kwartong iyon.
E X P L O T I O N !
Napadilat ako.
Sinubukan kong bumangon kaso biglang sumakit yung likod ng ulo ko.
Nang hihipuin ko sana iyon ay may napansin ako.
( ~ o ~ ) ??
Teka, bakit nakatali ang mga kamay at paa ko.
Dahan-dahan akong naupo sa sahig na pinaghigaan ko.
Tapos ay inalala ko ang mga pangyayari.
"Sh*t?! "
Nang maalala ko na ang lahat ay bigla akong kinabahan. Agad ko ring hinipo yung ulo ko kung saan ako napuruhan nung palo.
Napa-aray ako dahil nagtamo ako ng bukol na may sugat. May dumikit kasing dugo na patuyo na sa kamay ko.
"Shin? "
Napalingon ako sa tabi ko.
Nandun si Mam Chealsey, nakaupo rin ito sa sahig habang nakatali din ang kamay at paa nito.
"Mam?! "
"Okay ka lang ba? "
"O-oo? Medyo masakit lang ang ulo ko? "
"Huh? Bakit? "
"May pumalo kasi sa ulo ko? Eh kayo Mam? Okay lang ba kayo? "
"Huh? Ah... Oo. Teka, ano ba talaga ang nangyari? Ano bang lugar ito? Bakit tayo nandito? "
"Di niyo ba naaalala ang lahat? "
Napaisip ito.
"Ang natatandaan ko lang eh sumusunod ako sa'yo palabas nung bakanteng loteng mabantot. Tapos eh bigla na lang may nagtakip ng panyo sa bibig at ilong ko. Galing siya sa likod kaya di ko siya agad napansin. Tapos yun? Wala na akong maalala, paggising ko eh nandito na ako, nandito na tayo?! "
"Ganun ba? "
"Eh ikaw? "
"Ah, yun nga. Napansin ko na hindi na kayo nakasunod sa akin kaya binalikan ko kayo ang kaso eh bigla na lang may pumalo sa ulo ko. Unti-unti akong nawalan ng malay. Pero kilala ko kung sino ang may gawa nito sa atin. "
"Huh? Sino?
"Yung pulis na hired killer na tauhan ng ama niyo, si Sir Bolante?! "
Napanganga si Mam sa sinabi ko.
"A-ano? Bo-bolante?! "
"Opo, siya yung taong huli kong nakita bago ako nawalan ng malay. "
"A-anong gagawin niya sa atin? "
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystère / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-