FRIEND AND FOE PART 2

120 3 0
                                    

CHARLIE MENDOZA POV

Habang nagpapahinga ako sa office ko ay nakatanggap ako ng tawag sa isang hindi inaasahang tao.

"Hello, ako 'to. Ano ang kailangan mo? "

"Sir, may problema tayo. "

"Anong problema? "

"May mga taong naghahanap dun sa janitor na ipinaligpit niyo sa akin. "

"What?! "

"Opo Sir, at mukhang alam nila na may kinalaman kayo sa pagkawala niya. "

Naalarma ako.

"Sino sila? "

"Isang janitor na nagtatrabaho jan sa school na pagmamay-ari niyo at isang estudyanteng babae. "

Janitor? Mukhang kilala ko na kung sino ang tinutukoy nito.

Bumuntong-hininga ako.

"Alam mo na ang gagawin. Ikaw na ang bahala. "

"Paano po yung estudyante? "

"Lahat ng humahadlang sa akin ay itinuturing kong kaaway. Maging bata, matanda, lalaki o babae man. Wala akong pakealam. "

"Areglado boss, ako nang bahala. "

"Siguraduhin mong malinis ang gagawin mong trabaho. "

"Makakaasa po kayo. "

"Tandaan mo, ayokong sumabit. At ayokong malalaman ito ng anak ko. "

"Wag kayong mag-alala, may plano na ako sa dalawang iyon. "





SAMANTALA.....

KINLEY POV

"Aray ko naman?! Tama na nga yang kakasuntok mo sa balikat ko?! Masakit kaya?! Namamaga na ang mga muscle's ko oh?! " reklamo sa akin ni Shin.


Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming nagpaalam kay Kuya Mar.

Ihahatid niya pa sana kami ngunit tumanggi na kami dahil masyado nang nakakahiya sa kanya. Atsaka, naaabala na namin ang trabaho niya.


Kasalukuyan kami ngayong naglalakad sa isang kalye patungo sa bahay ko.

"Wala akong pakealam kahit mabaldado pa 'yang braso mo. Imagine, kung hindi dumating si Kuya Mar eh baka kinakain na ng mga isda sa ilog ang walang buhay kong katawan. Kasalanan mo ito eh! Inilapit mo na nga ako sa disgrasya, nilagay mo pa sa peligro ang buhay ko. Kaya itong bagay sa'yo?! " pinagsusuntok ko ulit ang braso nito.

"Aray?! Okay... Sorry?! Sorry?! Pero alam mo naman na ikaw lang ang mahihingian ko ng tulong. Di ba? "

"Sorry? Maililigtas ba ako ng sorry mo?! "

"Ssshhhh... "

"Anong 'ssshhhh'?! Ang sinasab--- "

"Wait lang, wag ka munang maingay. " inilapat nito ang kanyang hintuturo sa labi ko dahilan para matahimik ako.

Napatingin ako sa mukha niya. Seryoso ito at mukhang may tinatanaw sa malayo.

"Ano ba yun? " tanong ko habang nakikitanaw sa kanya, wala naman akong makita.

"Matanda. "


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mukhang alam ko na ang tinutukoy ng kumag na ito.

Nagsumiksik ako sa likod niya at kumapit ng mahigpit sa kanyang bag pack.

"Bwisit ka talaga Shin?! Ang ganda ng timing mo para makakita ng multo. Yung mag-gagabi na, hindi mo muna ako pinauwi. "

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon