CHAPTER 18: ALONE

123 2 0
                                    

SHIN POV

"Okay mga bata, Ready?..... Sing! "


"Di mo alam dahil sayo, ako'y di makakain. Di rin makatulog buhat ng iyong lokohin. Kung ako'y muling iibig, sana'y di maging katulad mo. Tulad mo nama'y PUSONG BATO?! "


Nagpalakpakan kaming lahat.

"Very good, very good. " sabi ko.


"HOY!?! "

"Ay, p*ta?! " gulat ko.


Napalingon kaming lahat dun sa galit na galit na tanod na papalapit sa amin. May hawak itong batuta at tila may susuguring rambol.

Napalunok naman ako.


"Gabi na ah?! Bakit nag-iingay pa kayo dito sa parke?! Gusto niyo bang isaludsod ko itong batuta ko diyan sa mga bunganga niyo?! " sabi agad nito ng makalapit siya sa amin.


Pagkasabi nun ay bigla niya akong kinuwelyuhan.

"Sa hilatsa ng mukha mo eh ikaw siguro ang may pasimuno nito?! "

"Ah, ano kasi... "

"Wag na wag kang magsisinungaling sa akin, kundi... " piningot ako nito sa tenga.

"Aray, aray?! Opo, opo. "

"Sabihin mo! Bakit kayo nag-iingay dito?! "

"Ah, ano kasi... "


"Nanghihingi lang kami ng barya kay Kuya. Tapos sabi niya kapag kinanta daw namin yung pusong bato. Bibigyan niya daw kami ng bente. " sabat nung batang namamalimos.

"Sinasabi ko na nga ba?! Isa kang malaking dagok sa kapayapaan nitong parkeng binabantayan ko?! Wala akong pakealam kung nasampal ka ng dalawang babae o natanggal ka man sa trabaho?! Ayokong may nanggugulo dito!! " pinisil naman nito ang pisngi ko.

"A-aray?! S-sorry na po?! "


"Eh kuya yung bente pes----- "

"Shut up?! " sigaw nung tanod dun sa bata.

"Umuwi na kayo kung gusto niyo pang abutan ng sikat ng araw?! Aliiissss! "

Dahil sa takot ay nagsitakbuhan yung mga bata.


"At ikaw naman, wag na wag mo nang uulitin ang kalokohang ito kung ayaw mong tirisin ko ang lahat ng kuto mo sa ulo at pamagain ko sa sampal ang buong katawan mo. Naintindihan mo?! " baling nito sa akin.

"O-opo, opo?! Hindi na mauulit?! "

"Okay. " biglang sumaya ito.

Nakangiting umalis ito at mahinang kumanta pa ng 'pusong bato' habang papalayo.


( ' . ' ) ?


Langya, sira-ulo ba yun? Napagtripan pa yata ako ah? At bakit alam niya yung pagsampal sa akin at pagkakatanggal ko sa trabaho? Ang weird ha?


Teka? Parang may kamukha yung tanod na 'yon? Parang kamukha ng Author nitong kwento.

Ay hindi, malabong mangyari yun. Hay ewan.....


Nanlulumong naupo ulit ako sa bench at bumuntong-hininga.

Opo. Nandito nga ako sa may park at nag-eemote. Medyo nalulungkot pa rin kasi ako sa nangyari eh.


Heto at mag-isa na naman ako.

Sayang yung trabaho ko. Okay na sana eh, pinahamak lang ako nitong third eye ko. Bakit ba kasi nangaelam pa ako sa mga bagay na wala naman akong kinalaman? Tsk.

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon