CHAPTER 7: ' P '

181 7 0
                                    

SHIN POV

"Oy. Oy! "

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon yung tumatawag sa akin.

Si Mang Berto. Yung guard dito sa school.

Sumenyas pa ito na parang nagtatawag ng babatukang bata.

Luminga-linga muna ako sa aking paligid. Baka kasi hindi ako ang pinapalapit niya.

"Ako po ba? " turo ko sa sarili ko.

"Oo, ikaw. " sabi nito.

Nagtataka man ay agad akong lumapit sa kinaroroonan niya. Ano naman kaya ang kailangan nito?

"Bakit po? " tanong ko agad rito.

"Wala naman. May gusto lang sana akong itanong sa'yo. Okay lang ba? " sabi ni Berto.

"Ha? Ah... Eh... Sige po? Ano po ba iyon? "

"Napapansin ko kasi na sa tuwing dadaan ka sa gate at titingin ka diyan sa may guard house eh parang may binabati ka o hindi naman kaya ay may kinakawayan ka na kung sino. "

"Po? "

"Sino ba ang binabati mo doon ha? " tanong nito.

Napatingin ako sa may guard house. Nandoon yung isang guard na laging nakatayo sa pinto nito.

Tapos ay nginitian ko si Manong Berto.

"Yung kasamahan niyo pong guard ang kinakawayan at binabati ko. " sabi ko sa kanya.

Tinaasan ako ng kilay at tinarayan ni Mang Berto.

"Ano bang pinagsasasabi mong bata ka? At sinong guard? Kasamahan ko? Eh ako lang ang nag-iisang guard sa school na'to. Atsaka wala namang tao dun sa guard house ah. Walang pwedeng pumasok doon kundi ako lang?! " mahabang litanya niya sa akin.

"Huh? Si kuya naman eh. Binibiro ako. Kakikita ko nga lang dun sa kasama niyo. "

Nagtaka na naman si Berto.

"Ayun nga po siya oh. " sabay turo ko sa guard house.

WHAT THE PAK!

Nasaan na yun? Nandyan lang siya kanina ah?! Ang bilis namang mawala nun?

Teka, baka nagtago? Imposible. Sana nakita kong yumuko o nagbago siya ng pwesto. Saglit ko lang namang inalis ang tingin ko doon ah.

Lumingon ulit sa akin si Mang Berto na nakakakunot ulit ang noo.

"Nandyan lang siya kanina eh? " sabi ko sa kanya.

Nakatingin lang sa akin si Manong.

Paglingon ko ulit sa guard house ay nandoon na naman yung guard na tinutukoy ko. Nakatayo sa may pintuan at hindi nagalaw.

"Ayun siya! " sigaw ko.

Lumingon ulit si Mang Berto.

"Huh? Nawala na naman siya? " sabi ko.

Dahan-dahang lumingon ulit si Manong sa akin.

"Nandyan lang yun ah... Ayun! Ayun siya! " sigaw ko ulit.

Lingon ulit si Mang Berto at kapag walang nakita ay titingin ulit ito sa akin.

"Ayun! "

Lingon, tingin ulit sa akin.

"Ayun siya! "

Lingon, tingin ulit sa akin.

"Nandyan siya! "

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon