LUNCH BREAK PART 2

140 2 0
                                    

KINLEY POV

Akala ko si Maleficent na ang dumating, ito lang palang babaeng ito.

Kasama pa yung mga alipores niyang buntot ng buntot sa kanya.

Meet Nica Savien.

Ang PINAKAmabait sa section namin ..............................



joke!



Ang kaklase kong #maarte #pilingera #laitera #salbahe #kakompitensya ko lagi sa school.

Kung hindi nga lang ito mayaman eh baka binugbog na ito ng mga tomboy sa kanto.

Kasama niya pa sina Crizzy at Jenevy na kaparehas lang ng ugali niya.

Ang tawag nga ni Lona sa kanila ay Lucifer's Angel.

Ano naman kaya ang problema ng mga ito at napalapit sa amin?

"Hi, Nica. " bati ko sa kanya sabay ngiti.

Umirap ito at nagcross-arm.

"Pwede ba, wag na tayong magplastikan dito. Alam ko namang peke yang mga ngiti mo. " mataray na sabi nito.

"Buti alam mo. " mataray na bulong naman ni Lona.

"Lona. " saway ko rito.

"Are you saying something Lona? Oh wait, I mean... LO... NA... " sabi ni Crizzy.

Ginawa nitong katatawa-tawa ang pagbigkas ng name ni Lona kaya nagtawanan ang mga bruha.

Tatayo na sana si Lona para awayin ang mga ito ngunit pinigilan ko siya at sinenyasan na wag nang patulan.

"May kailangan ka ba Nica? " baling ko naman sa babae.

"Wala naman, naaalibadbaran lang ako dahil nakita ko na naman kayo. Para kasi kayong mga kalat sa paningin. Ang sarap niyong itapon. "

"Ganyan talaga, mukha ka kasing dustpan. " bara ni Lona sa kanya.

"Lona? " mahinang saway ko ulit sa kaibigan ko.

Napangisi si Nica.

"Nakakatawa talaga ang mga kaibigan mo Kinley. Actually, nakakatawa kayong lahat. Isang Nerd, ( tumingin kay Lona ) Isang tomboy, ( tumingin kay Louie ) Isang bakla, ( tumingin kay Princess ) at isang bobita. " sabay tawa nung tatlo.



Kinalbit ako ni Princess.

"Kin-Kin, sino si bobita? Bago mo ding friend? Bakit di mo pinapakilala sa amin? " sabi nito.

Dahil sa inastang iyon ni Princess ay lalong nagtawanan yung tatlo.

"Ang bobita talaga. " si Jenevy.

"Sinabi mo pa. " si Crizzy.

Napadako naman ang tingin ni Nica kina Shin at Noel.

"Ow, nagrecruit pa pala kayo ng mga janitors? Yung isa mukha pang mongoloid. "

"Oo nga, yuck?! Kadiri ang mukha?! " si Crizzy.

"Saan niyo ba napulot ang panget na yan?! " si Jenevy.



Napansin ko na kinalbit ni Noel si Shin.

"Tol, papayag ka ba nun? Tinawag kang mongoloid, kadiri ang mukha at panget ng mga estudyanteng iyan? "

"Ang tanga mo naman kuya? Ikaw yung tinutukoy namin. " sabi ni Jenevy kay Noel.

"Ah, akala ko itong kasama ko. Ako pala... Teka? Ako?! Mongoloid?! Kadiri ang mukha?! At panget?! "

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon