KINLEY POV
Nagising ako ng biglang may nagbuhos ng tubig sa akin.
Halo-halong emosyon agad ang naramdaman ko ng magising ako.
Teka, bakit di ako makakita? Nakapiring ba ang mga mata ko?
Naramdaman ko rin na nakatali ako dito sa bangkong kinauupuan ko.
Ano bang nangyari? At bakit ganito ang kalagayan ko ngayon? Nasaan na ba ako?
Unti-unti kong inalala ang mga huling nangyari bago ako mapunta sa sitwasyon na ito.
Agad akong kinabahan ng maalala ko na ang lahat.
Dahil sa takot ay pinilit kung makawala sa pagkakatali dun sa bangko.
"Wag mo nang piliting makawala, masasaktan ka lang. Mahigpit ang ginawa kong pagkakatali sa'yo. "
Napatigil ako sa ginagawa at nakiramdam sa paligid lalo na dun sa taong iyon.
Maya-maya ay tinanggal nito ang piring sa mata ko.
Kahit wala ang salamin ko sa mata ay alam ko kung sino ang demonyong nakatayo sa harap ko.
"I-ikaw ang killer?! " may halong galit at takot ang tono ko.
Umismid lang ito sa sinabi ko. Tapos ay kumuha siya ng bangko at inilagay iyon sa tapat ko, saka ito naupo.
"Oo, ako nga. Ang tanga niyo lang ni Shin at pinagkatiwalaan niyo agad ang isang kagaya ko. Tsk. "
"Ang sama mo?! Napakasama mo?! Mamamatay tao ka?! Hindi ka ba nakokonsensya sa mga pinaggagagawa mo?! Pati bata, nakuha mong patayin?! Di ka na naawa?! Demonyo ka?! "
Tanging tawa lang ang tugon na natanggap ko sa kanya.
"Maawa ka sa akin. Please?! Pakawalan mo na ako?! Hindi ko ito sasabihin sa iba?! Hindi kita isusumbong sa mga pulis, pakiusap?! Palayain mo na ako?! Nagmamakaawa ako?! " naiyak na ako sa takot.
Tumawa na naman ito ng nakakaloko.
"Ano ako? Tanga?! At sa tingin mo pakakawalan pa kita?! Gayong alam mo na, na ako ang killer?! Ha... Ha... Ha...?! Nagpapatawa ka yata?! "
Marahan muna nitong hinaplos ang pisngi ko bago hinawakan ang chin ko.
"Pinag-iisipan ko na nga kung paano kita didispatsahin eh? Sayang, bata ka pa. Marami ka pa sanang magagawa. Kaso, wala eh? Hanggang dito na lang ang buhay mo? "
Tapos ay hinaplos naman ng hinlalaki niya ang mga labi ko.
"Alam mo, maganda ka. Ano kaya kung gahasain muna kita bago kit--- "
Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil agad kong kinagat ang kanyang hinlalaki.
"A-ARAY?! " daing ng lalaki.
Nang binatawan ko ang daliri niya ay pinagmumura ako nito.
"Akala mo magagawa mo ang gusto mo?! Mamamatay akong lumalaban?! "
"Bwisit ka?! Matapang ka ha?! "
Akmang sasampalin sana ako nito ngunit...
"Mar, tama na yan. "
Napalingon kaming dalawa dun sa taong nakatayo sa pinto.
Kahit di ko iyon maaninag ay nakilala ko naman ito sa kanyang boses.
Kahit na naiinis pa ay lumayo na sa akin si Kuya Mar.
Lumapit naman yung taong bagong dating sa akin.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-