' P ' PART 2

179 4 0
                                    

A PRIVATE ROOM....

'SCHOOL DIRECTOR'S OFFICE'

Yun ang nakasulat sa karatula na nakasabit sa may pinto na nasa harapan ko ngayon.

Inutusan kasi ako ni Mam Aerah na pumunta dito at linisin ang lugar na ito dahil darating daw ang punong tagapamahala at may-ari ng paaralan na ito na kagagaling lang sa isang one week vacation.

"Ganun po ba. Eh Mam, akala ko po kayo ang namamahala dito sa school. May mas mataas pa po pala sa inyo. "

"Ha... Ha... Ha... Ikaw naman Shin. Wag kang engot. Principal lang naman ako dito. Syempre may mas mataas pa sa posisyon ko. Ha... Ha... Ha... "

"Ah, eh Mam. Mabait po ba ang School Director natin? "

"Oo naman. Gwapong-gwapo nga eh. Hi... Hi... Hi... "

Hala. May kalandian din palang taglay itong si Mam Aerah. Tsk.

"Ah Mam, tinatanong ko po kung mabait. Hindi ko po tinatanong ang itsura. "

"Ha... Ha... Ha... Sorry. Oo naman, mabait si Sir. Pero ito tatandaan mo Shin. Karaniwan sa isang mabait na tao ay may itinatagong sikreto. " sabay kindat nito.

"Huh? "

"O siya, tama na ang tanong. Pumunta ka na doon at magsimula ka nang magtrabaho. Ako naman ay may aasikasuhin pa. "

"Ah opo. "

Yun ang usapan namin kanina ni Mam Aerah.

Ang hindi ko lang makalimutan sa mga sinabi niya ay.....

Yung sinabihan niya ako ng ENGOT.

Atribidang principal. Tsk. Damn.

"Ay kalabaw! "

Nagulat ako dahil bigla na lang nagbukas ang pinto nung office.

Medyo napansin ko sa aking sarili na magmula ng makakita na ako ng mga multo ay nagiging magugulatin o nerbiyoso na ako. Whew!

"Sinong kalabaw? "

Napalingon ako dun sa taong nagbukas nung pinto. Natigilan kami parehas.

Kita ko sa reaksyon ng mukha niya na nagulat din ito.

Ilang segundo pa kaming nagtitigan ng biglang bumukas ang bibig ko.

"Ms. Panty. " wala sa sariling sabi ko.

"Ano kamo? "

"Ah, wala-wala po. "

Naku po! Sana hindi niya narinig yung nasabi ko. Baka mamaya niyan eh sapakin na naman ako nito.

Ewan ko ba, sa tuwing makikita ko ang babaeng ito eh yung pink na panty niya ang biglang pumapasok sa isip ko.

Opo. Si Chealsey este si Mam Chealsey yung taong nagbukas nung pinto.

"Parang may sinabi ka eh? " kulit nito sa akin.

"W-wala, wala nga po iyon. Teka, ano nga po pala ang ginagawa niyo dito? "

"Ha? Ah, Eh Ano? Kasi? M-may appointment ako sa Director. Oo! Tama. Yun nga. "

"Ah. "

"Eh, ikaw? Anong ginagawa mo dito? "

"Ha? Ah. Ako po kasi ang inutusan ni Mam Aerah na maglinis nitong office. Kaya po ako nandito. "

"Ganun ba. Wala pa ang Director, pero pwede ka nang magsimulang maglinis sa loob. " malumanay na sabi nito.

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon