SHIN POV
Pagkapasok ko sa office ng School Director ay agad kong nasambit ang salitang ' wow ' .
Ang ganda kasi ng loob. Simple pero makikita mo ang pagiging class ng lugar. Magara lahat.
Nasa bandang sulok ang office table na sa tingin mo pa lang ay mukha talagang mamahalin.
Sa harap nun ay may mini sala set na furniture na yari sa matitibay na materyales na pininturahan ng barnis.
Sa itaas nito ay may mamahaling ceiling fan.
Kapag gumawi ka naman sa kanan ay may malaking bookshelf na may complete set ng encyclopedia at iba't-ibang klase ng libro.
Sa pinakang-dulo ng silid ay may dalawang pinto.
Dahil isa akong dakilang usisero ay pinuntahan ko iyon. Tutal, wala namang tao kundi ako lang. Lubos-lubusin ko na ang pagiging pakialamero. He... He... He...
Una kong binuksan yung pinto sa kaliwa na katabi ng office table. Bumungad sa akin ang isang napakalinis na comfort room.
Napansin ko na pati ang toilet bowl ay mukhang mamahalin. Tsotsalen! Ang ganda!
Mayroong ding salamin na hindi gaanong kalakihan at sink na may kulay gold na faucet.
Ang ding-ding nito ay pininturahan ng light blue color na masarap sa paningin.
Talagang kinarir ang salitang ' COMFORT ' sa banyong ito.
Naisip ko na malinis naman ang c.r. kaya hindi ko na iyon lilinisin. Mapapagaan ang trabaho ko.
Sinarado ko na ang pintuan ng banyo at nagtungo naman sa kabilang pinto.
Pagkabukas ko nito ay isang 24 inches na flat screen tv ang unang nahagip ng mga mata ko. Sa ibaba noon ay isang DVD player na branded ang tatak.
Nakatapat iyon sa isang maliit na kama na may makapal at malambot na kutson na uratex.
Dahil nga sa makapal ang mukha ko ay pumasok ako sa kwarto at naupo sa malambot na kutson ng kama.
Nilundag-lundag ko pa ang pwet ko sa kama. Hindi pa ako nasiyahan at inihiga ko pa ang sarili ko roon.
Hayahay! What ta life!
Niyapos-yapos ko ang unan na nandun na halos mayupi na sa sobrang gigil ko sa lambot.
Nilibot ko pa ang paningin ko sa silid na iyon.
Langya! Office ba ito? Eh parang bahay na ito. Kulang na lang ay kusina.
Dumako ulit ang paningin ko sa may t.v. May cable kaya ito?
Makapanood nga muna ng Disney Channel at Cartoon Network. Joke.
Habang nakatingin ako sa flat screen t.v. ay may umagaw ng atensyon ko.
Isang itim na cabinet na katabi nung appliances na iyon.
Dahil sa ako nga ay isang dakilang pakialamero ay bumangon ako sa kama at tumungo doon.
Binuksan ko iyon. Hindi naman ito nakakandado.
Pagbukas ko ay nagulat ako sa aking nakita. Ang daming BALA?!
..................................................................ng DVD.
He... He... He... Kala niyo kung ano 'no?!
Movie lover pala itong si Boss. May romance, horror, thriller, comedy, action at kung anu-ano pa. Pati yata Spongebob the Movie, mayroon din siya.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-