CHAPTER 13: LUNCH BREAK

153 1 0
                                    

KINLEY POV

"Kailangan mo ang tulong ko? Bakit? Para saan? " tanong ko kay Shin.

Kasalukuyan kaming nasa canteen at kumakain.

Bigla na lang kasing sumulpot ang lalaking ito ng matapos ang last subject namin before lunch.

Gusto niya raw akong makausap.

Di naman ako nag-atubili dahil palagay naman ang loob ko rito at may utang na loob ako sa kanya.

Heto nga at nilibre ko pa siya ng lugaw. Di ba yun ang promise ko sa magliligtas sa akin dun sa tatlong unggoy na babastusin sana ako nung isang araw.



"Oo, kailangan ko ang tulong mo. Alam ko kasi na ikaw lang ang makakatulong sa akin. " sabay subo nito ng lugaw. "Hmmm... Ang sarap pala ng lugaw dito. " komento pa nito sa kinakain. "

"Eh, anong tulong ba ang hinihingi mo? Pera? Magkano ba? "

Napatingin sa akin si Shin.

"Joke lang, wala akong pera. "

"Hindi pera, gusto kong tulungan mo akong mag-imbestiga dito sa school. "

"Imbestiga? You mean, parang detective? "

"Parang ganun na nga, if willing ka? "

"Ano na naman bang kabaliwan ito? Nauntog ka ba kanina kaya kung anu-ano na naman ang naiisip mo? "

"Seryoso ako, Kinley. "

"Naku po, iyan nga ang ikinatatakot eh. Seryoso ka. Baka mamaya niyan eh mapahamak pa ako sa kabaliwan mo. "

"Sige na, please? Gusto ko lang makatulong sa isang kaibigan. Atsaka, magagamit natin yang astral pow----- "



Di ko na pinatapos ang sasabihin ng kumag na ito dahil agad kong tinakpan ang bibig niya.

Saka ko ininguso yung mga taong kasama namin.

Nanlaki ang mga mata ni Shin ng maalalang kasama namin sina Princess, Lona, Louie at yung kasama niyang nagngangalang Noel.

Mga nakatanga lang ito sa amin at tila nakikinig lang sa usapan naming dalawa.

Bumaling ulit ako kay Shin at binulungan ito.

"Pwede ba? Wag kang maingay diyan? Tayo lang dapat ang nakakaalam na may astral power ako at may third eye kang hinayupak ka?! Ang daldal mo talaga?! " saka ko sinalampak ang bibig niya.

"Aray ko naman? Sorry, nakalimutan kong nandito pala sila. " bulong din nito sa akin.

"Ewan ko sa'yo?! " itinaas ko ng bahagya ang eyeglasses ko.

"Sige na kasi, pumayag ka na. Ikaw lang talaga ang makakatulong sa akin. "

"Hay naku... Okay sige, no choice naman ako eh. Oo na, tutulong ako pero siguraduhin mo lang na hindi ako mapapahamak? Kundi lagot ka sakin?! "

"Yes, oo naman. Ako ang bahala sa'yo. Promise, di ka mapapahamak. "

"Tsk. Ikaw ang bahala, ako ang kawawa. "

"Thank you ha. " hinawakan ni Shin ang kamay ko.



Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Heto na naman ang pakiramdam na iyon.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa tuwing magkakadikit kami ng lalaking ito? Ang weird.



Binitawan niya na ang kamay ko at nagpatuloy na sa pagkain ng lugaw.

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon