CHAPTER 30: REST AND PEACE

149 2 0
                                    

SHIN POV

At tulad ng mga napapanuod natin sa mga pelikula at sa totoong buhay eh saka dumating ang mga pulis kung kailan tapos na ang problema o wala ng gulo. Kagaleng talaga.






Masayang nagyakapan naman sina Kinley, Louie, Lona at Princess ng magkita-kita ang magkakaibigan. Ang pinagtataka ko lang eh bakit may tatlong ice cream na hawak itong si Princess? Ah, ewan ko sa kanya.






Dinampot na ng mga pulis si Mr. Mendoza. Sa tingin ko naman ay mananagot siya sa batas sa lahat ng mga masasamang ginawa niya.

Dinala na rin ng mga pulis ang bangkay ni Kuya Mar.






Maliban sa mga pasa at galos ni Kuya Shane ay wala namang ibang lubhang nasaktan sa amin.






Ay mali, meron pala. Ako.

Aguy?? Antsaket?! Parang namaga yung pisngi ko sa pagkakasampal ni Kinley.






Grabe talaga ang babaeng iyon. Siya na nga ang ililigtas, ako pa ang pinaghinalaan ng masama.

Porke't di ko lang natanggal agad yung kamay ko sa ano niya? Tsk.

Langyang buhay 'to aba.






Oh well, okay na nga yun. Atleast buhat at safe siya.






Binigay na rin namin yung mga ebidensiya ( yung disc at bracelet ) sa mga pulis na nagpapatunay na sangkot si Mr. Mendoza sa pagkidnap kay Shaun at sa mga naganap na patayan dito sa school dahil siya ang nag-utos kay Kuya Mar na gawin iyon.






"Hindi ito yung bracelet?? " narinig kong sabi ni Mam Chealsey.






Teka? Ano naman kaya ang problema ng babaeng ito? Sabi ko pa man din na ayos na ang lahat? Tsk.






Dahil dun ay napalapit ako kay Mam Chealsey na kasalukuyang may kausap na mga pulis.

"Mam? Bakit po? Anong problema? " tanong ko kay Mam.

"Shin?? Hindi ito yung bracelet?? " histerikal na sabi nito.

"Huh? Patingin nga? "






Sinuri kong mabuti yung bracelet.

"Oh, malalaking beads tapos may cross na nakasabit? Ito yung bracelet na sinasabi ko sa'yo, Mam? "

"Huh? Pero hindi iyan yun? "

"Ha? Pa'no niyo naman nasabi? "

"Magkamukha lang sila pero magkaiba ng kulay. At may palatandaan ako dun sa totoong bracelet na hinahanap ko? Kaya sigurado ako na hindi talaga ito yun? "

"Kung hindi ito? Eh, nasaan na kaya yung totoong bracelet? "






"Ito ba ang hinahanap niyo? "






Sabay kaming napalingon ni Mam Chealsey dun sa taong sumingit sa usapan namin.






Si Mang Berto.

May nakaalalay sa kanyang pulis dahil na rin sa tama nito sa balikat.






Napansin ko naman na nanlaki ang mga mata ni Mam ng makita niya yung bracelet na hawak nung matanda.






Agad siyang lumapit kay Mang Berto para suriin yung bracelet. Napalapit na rin ako sa kanila.

"Ito nga?! Oh, thank god?! " sambit ng guro.

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon