KINLEY POV
"Ow, sh*t?! "
Sabi 'yon ni Shin habang naglalakad kami.
"Oh, bakit? " tanong ko sa kanya.
Takot na takot ang mukha nito at tila nag-aalala. Natampal pa niya ang kanyang noo.
"Bakit nga oy? "
"Na-naiwan ko? "
"Huh? Ang alin? "
Napabuntong-hininga ito.
"Na-naiwan ko yung phone ko dun sa o-office?! "
"ANO?! " sigaw namin nila Lona at Louie.
"Kailangan talaga, sabay-sabay kayong tatlo? " sabi naman ng lalaki.
"Bakit mo naman naiwan? Nakakainis ka talaga? Napaka mo? "
"Nung bubuksan ko kasi kanina yung office eh nilapag ko yung phone ko dun sa may lamesa. Nawala na sa isip ko ng ang bumungad sa akin ay si Louie. "
Nilingon naming dalawa ni Lona ang kambal niya.
"Oh teka? Bakit kayo nakatingin sa akin? "
"Pang-asar ka kasi?! Pwede mo namang sabihin na ikaw yung kumakatok? " si Kinley.
"Ah, ganun ba? So-sorry naman. "
"Sige na, wag na tayong magtalo. Kayo na muna rito ( tukoy ko kay Princess na nakapasan sa likod ko ) at bibilisan ko ang pagbalik ko sa Office. Baka di pa nakakabalik si Mr. Mendoza. Di ba sa hallway mo iniwan yung susi? " baling nito kay Louie.
"Ah, oo. "
Ipinasa ko kina Louie at Lona ang natutulog na si Princess.
"Mauna na kayo dun sa tagpuan natin. " sabi ni Shin.
"Okay, sige. "
"Ah, Kinley?! "
Paalis na sana kami ng tawagin ako ng lalaki.
"Bakit? "
Agad itong lumapit sa akin.
"Di ba na sa'yo yung calling card ni Kuya Mar? "
"Oo? "
"Tawagan mo siya at ibigay mo ito sa kanya. " inabot niya sa'kin yung ebidensyang nakuha namin.
"Teka? Paano kung mahuli ka niya? "
"Bahala na. Basta ingatan mo lang yang hawak nating ebidensya. "
"O-okay. "
"Mag-ingat kayo ha? "
"O-oo. "
Saka nanakbo ang lalaki pabalik nung School.
Medyo nakaramdam ako ng sobrang kaba ng mga sandaling iyon kaya naman...
"Oy?! Shin?! " ako naman ang tumawag sa lalaki.
Napahinto ito sa pagtakbo at lumingon sa akin.
"Mag-ingat kang unggoy ka?! " sigaw ko.
Ngumiti ito at nagthumbs up pa sa akin bago ito tumakbo ulit palayo.
"Tara na, Kin. " tawag sa akin nila Lona kaya napasunod na ako sa kanila.
SHIN POV
Grabe ang bigat pala talaga ng Princess na 'yon? Halos mangalay ang balikat at likod ko. Ang payat tingnan pero puro taba yata ang laman ng babaeng iyon. Ibang klase.
BINABASA MO ANG
GHOST KO PO!
Mystery / ThrillerMHON'S HEROES SERIES #1 Third eye guy meets astral girl, at ang school na puno ng misteryo at kababalaghan. Mapapasigaw ba sila at mapapasabing "GHOST KO PO! " -mhonvondeasce09-