CHAPTER 24: THE PROMISE

102 3 2
                                    

SHIN POV

Pagkatapos makipag-usap ni Shane sa telepono ay bumaling ito sa akin.

"Wala raw sa presinto si Mar. At buong araw daw itong hindi pumunta doon. "



Lalo na akong kinabahan sa sinabi nito.

Dahil dun ay agad na akong nagpasiyang hanapin sina Kinley.



Palabas na ako ng kwarto ngunit agad humarang sa daraanan ko si Mam Chealsey.

"Oi teka, Shin? Saan ka pupunta? "

"Hahanapin ko sila. Ayokong magsayang ng oras dito. Ako ang naglagay sa kanila sa kapamahakan kaya di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila?! " may halong galit na ang tono ko.

"Naiintindihan ko ang gusto mong sabihin pero isipin mo nga, paano at saan mo sila hahanapin? "

"Bahala na, kung kinakailangang baliktarin ko ang buong bayan eh gagawin ko, mahanap lang sila. "

"Alam kong natatakot ka sa pwedeng mangyari sa mga kaibigan mo pero pwede bang wag kang magpadalos-dalos, kumalma ka muna. Hindi ka makakapag-isip ng maayos niyan eh. "

"Mam, di ko kayang kumalma?! Isipin ko pa lang na kinakatay na ng lalaking iyon si Kinley eh halos madurog na ang puso ko?! "

"Alam ko--- "

"Mam, wala kayong alam?! Di niyo alam itong nararamdaman ko dahil masaya kayo ngayon?! Nahanap niyo na kasi yang nobyo niyo kaya parang wala na kayong pakialam kung may masama mang mangyari kay Kinley o sa aming lahat?! Wala na kayong pake sa amin kasi makasarili kayo?! Kaligayahan niyo lang ang iniisip niy--- "



S L A P !



Napatda ako lalo na ng makita ko na tumulo ang luha ng dalaga. Matapos nun ay bumuntong-hininga ito.

"Alam ko yung pakiramdam na bigla na lang mawawala yung taong mahalaga sa'yo. Yung feeling na hindi mo na siya makikita kahit kailan. Alam ko yun , Shin. Alam ko yun. Nung mga panahon na inuna ko ang galit ng mawala si Shaun. May nangyari ba? Wala di'ba? "



Nagpunas ito ng luha.

"Oo, tama ka. Masaya ako ngayon dahil sa wakas ay nakita ko na si Shaun pero hindi pa ganun kasaya. Nasa kritikal pa rin siyang kalagayan na kahit anong oras ay pwede pa rin siyang mawala sa akin. "




Di ko alam pero parang nanghina ako bigla. Napaupo na lang ako sa sahig at napasandal sa pader.

" Wala akong sinabing wala na akong pakealam sa inyong lahat. Malaki pa rin ang pakealam ko dahil buhay ng mga estudyante ko ang nalalagay ngayon sa peligro. Ang gusto ko lang naman ay huminahon ka muna. Mag-isip ka sa dapat gawin at wag pairalin ang galit. "



Napatingin ako sa kanya.

"Alam ko at ramdam ko. Maililigtas mo sila. "



Sa sinabi niyang iyon ay gumaan ang pakiramdam ko. Kinalma ko na ang sarili at nag-isip ng mabuti.



L I G H T B U L B !



"Oo, tama yun nga?! "



Agad akong tumayo at nagpasalamat kay Mam.

"Mam, pasensya na at maraming salamat. "

Ngumiti lang ito sa akin.

"Pero pwede po ba sa susunod eh wag niyo na akong sasampalin o sasaktan? Ang sakit na kasi ng mukha at katawan ko eh di pa tapos itong istorya? "

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon