CHAPTER 10: REALITY

142 4 0
                                    

KINLEY POV

"Hanggang dito ba naman ay sinusundan mo ang kagwapuhan ko? Ano ka ba? Ghost stalker? " yan agad ang bungad niya sa'kin.

Aba't antipatiko ang unggoy na ito ah. Ang kapal ng mukha?!

Itong weird na lalaking ito, nagtagpo na naman ang aming landas. Tsk.

Eto yung lalaking nakilala ko kagabi. Yung nagsisisigaw ng dumating tapos ay bigla na lang nanakbo palayo at iniwanan ako sa kalsada ng mag-isa.

Eh bakit naman kaya nandito ang kumag na'to?

"Hoy manong?! Ang kapal din ng apog mo'no? Eh kung bigyan kaya kita ng sampal ng manahimik ka. " mataray kong sabi.

Tumawa lang ito sa sinabi ko.

"Ha... Ha... Ha... Ikaw naman, hindi ka mabiro. Joke lang. Sa lahat ng multo eh ikaw ang high blood, Wala ka namang dugo. And for your information, tatlong taon lang yata ang tanda ko sa'yo, maka-MANONG ka naman diyan. At isa pa, hindi mo ako masasampal kasi multo k lang. Tatagos lang yang kamay mo sa pisngi ko kaya wag mo nang subukan. Mapapahiya ka lang. " mahabang sabi nito.

"Multo pala ha?! Humanda ka sa akin kapag nakabalik ako sa katawan ko. "

Ngumiti ito ng nakakaloko.

"Ang mga patay eh hindi na nakakabalik sa mga katawan nila. Kaya tanggapin mo na lang na isa ka nang multo. "

Hay naku, pa'no ko ba ipapaliwanag sa mokong na'to?

"Ang kulit mo, sabi nang hindi pa nga ako patay. Humiwalay lang ako sa katawan ko. I mean, yung spirit ko eh humiwalay sa katawang lupa ko kaya ako nandito. Gets? "

"Huh? Hindi eh. Ang labo pa rin. "

Awts. Ang hina namang umintinde ng isang ito.

"Ah basta! Hindi pa ako deads, okay?! " mariin kong sabi.

"Okay, okay? Wag ka nang magalit. Teka nga pala? Bakit nandito ka? Atsaka, bakit ganyan ang suot mo ngayon? Alam ko kasi nung nagkita tayo kagabi eh nakapambahay ka lang na damit. Bakit ngayon eh naka-uniporme ka naman na katulad ng isinusuot ng mga estudyante dito. Pati ba multo may change outfit na rin? " sunod-sunod na tanong nito.

"Dito kasi nga po ako nag-aaral. Eh ikaw? Bakit nandito ka? At bakit ganyan ang suot mo? Mukha ka tuloy janitor dito sa school namin. " sabay tawa ko pagkasabi nun.

Nakatingin lang ito sa akin. Napatigil tuloy ako sa pagtawa.

"Seryoso? Janitor ka talaga dito sa school? " paninigurado ko pa sa kanya.

"Ganun na nga. " sabi nito.

O M G ! Kung dito siya nagwo-work? Eh di, araw-araw kong makikita at makakasalamuha ang taong ito??

What the heck?! Baka mahawa pa ako sa kabaliwan nito?! Parang gusto ko na tuloy magpa-transfer.

Napangiwi ako.

"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo? Parang ayaw mo na magtrabaho ako dito ah? " sabi niya.

Aba ayos ah, di lang nakakakita ng multo. Nakakabasa din ng isip.

"Bakit may sinabi ba ako? "

Bigla itong ngumiti.

"Sabi na nga ba eh, gusto mo akong makasama dito sa school. Siguro, crush mo ko 'no? "

"Ang kapal ha?! "

"Joke lang, masyado ka namang highblood. "

"Tse! " irap ko.

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon