IN DANGER! PART 2

104 2 0
                                    

SA TAGPUAN.....

SHIN POV

Kinabahan na ako ng makarating kami sa tagpuan at di namin nadatnan yung apat doon.




"Sh*t?! Bakit wala pa sila dito?! "

"Alam ba nila na dito tayo magkikita-kita? " sabi ni Mam na nakatakip pa ang kamay sa ilong.

"Oo, itinuro ko sa kanila ang lugar na ito. Kaya nga pinauna ko na sila eh? "

"Eh bakit ba kasi dito mo naisipang gawing tagpuan ang lugar na'to? "

Medyo napaisip din ako, bakit nga ba?




Kasalukuyan kasi kaming nasa isang bakanteng lote na malayo dun sa school. Medyo tago yung lugar kaso napakadaming basura naman ang nakatambak. May amoy patay na daga pa nga.

Halos masuka naman si Mam Chealsey dahil sa alingasaw nung lugar.

"Kaya siguro wala sila dito kasi di rin nila matiis yung amoy. " patuloy na reklamo ng guro.

"Pa-pasensya na Mam? Ito lang kasi yung lugar dito na hindi tayo matutunton ng ama niyo? "

"Sana naman naghanap ka pa ng liblib pero wala namang mga basura. "

"S-sorry po? " nahihiyang sabi ko.

"Ewan ko sa'yo. Hmp?! "

"Ang mabuti pa, pumunta tayo sa Police Station. "




Nauna na akong naglakad palabas ng bakanteng lote.

"Bakit naman dun tayo pupunta? " sumunod naman sa akin si Mam Chealsey.

"Kasi sabi ko kay Kinley, tawagan niya yung kaibigan naming pulis para ibigay yung ebidensyang hawak natin. Kung tinawagan niya na nga iyon eh malamang nasa presinto na sila kung sakali. "




Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Bilisan niyo, Mam at baka mahimatay na kayo sa baho ng lugar na ito. "

Hindi ito sumagot.




"Mam? "




Nagtaka ako sa hindi nito pagtugon sa akin kaya nilingon ko na siya.




( ' . ' ) ??




"Teka, nasaan na yun? "




Bigla na lang kasi itong nawala.

"Mam? "

Dali-dali akong napabalik dun sa bakanteng lote. Kaya lang habang naglalakad ako ay.....




B L A G !




.....bigla na lang may pumalo sa likod ng ulo ko.

Dahilan iyon para ako'y matumba at manghina.

Napadapa ako.




Habang nakadapa ay dun ko nakita si Mam Chealsey na nakahandusay sa tabi at walang malay.




Bago pa man ako mawalan ng ulirat ay nakita ko pa ang mukha nung taong gumawa nito sa amin.

"I-ikaw. "




Dun na ako tuluyang nawalan ng malay.








KINLEY POV

"Maraming salamat ulit sa inyo ni Shin ha. Kung di dahil sa inyo eh malamang hanggang ngayon di ko pa rin matatapos ang kasong ito. Utang na loob ko ito sa inyong dalawa. "

GHOST KO PO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon