CHAPTER 3

5.9K 271 18
                                    

This chapter is dedicated to Ikook_06. Thanks reading.

CHAPTER 3

AQUA POV

Nandito na kami sa kwarto kung saan kami piapunta ni Eunice. Ang gwapo ng nasa harapan ko, pero ang pangit kung mag isip like duh? Teka babasahin ko ang nasa isip niya

"Ano ba namang klaseng itsurang meron sila?"

"Ang papangit nila? Mamaya baka matapunan pa ang kagwapuhan ko."

yan lang naman ang nasa isip niya ngayon habang tumitingin sa isip namin.

Alam kong pikon na pikon na si Fuego nito. Mabuti na lang at katabi niya si Tierra. Hay naku...

"So boys isama ninyo sila sa room ninyo dahil magklaklase kayong pito. Raven ikaw bahala sa kanila ayaw kong gagawa na naman kayo ng kalokohan okay?" Sabi ng babae sa kanila.

Tahimik lang kaming apat dito. Habang mapanghusgang tingin ang ipinukol ng apat sa amin, grabe hindi ko inaasahan na ganito kababaw ang mga tao. Pag ako hindi naka nerd look talbug ang beauty nila.

"Anyways girl nasa locker ninyo ang mga dapat kailangan ninyo, p.e or school uniform ninyo. Sabihin niyo lang kung may hindi magandang nangyari okay?" Sabi ng babae

"Salamat po." Sabi ni Tierra at yumuko pa.

Ngumiti naman ang babae, mabuti pa siya at maganda ang pakikitungo sa amin.

"Zephyr Lance Blood, Raven Sky Gray, Chaser Leif Summer, and Reed Ace Blue kayo ang bahala sa kanila. Fuego Red Sapphire, Aire White Diamond, Tierra Brown Amethyst and Aqua Blue Crystal sila ang magguguide sa inyosa paaralang ito."

Ang gaganda ng mga pangalan nila ang pangit lang nga ng ugali. Ng tignan ko si Fuego ang sama kung makatingin sa lalaking nakangisi sa kanya... ano nga ba yung pangalan? Zepir? Zepar? huh? bahala na nga.

RAVEN SKY GRAY POV

Weird. Ang weird ng mga name nila, pangalan ng mga bato at ano yun lupa, hangin, apoy, tubig? Bakit ganun mga pangalan nila.

Kung tignan ko sila lalo na ang mga babaeng nasa harapan ko mapagkamalan mo talaga silang nerd. Pero ako, they are not a nerd. Kanina ko pang tinitignan ang babaeng nasa harapan ko, ang seryoso niya minsan pinipikit ang mata nakikinig ba ito?  Yung isa naman mukhang mabait naman pero I think pagtripan ito ni Reed alam ko kung ano ang tumatakbo sa isipan ng lokong ito. Si Chaser naman mukhang walang problema sa kanya pero tiyak mamaya pag uusapan namin ito at si Zephyr mukhang kanina pa itong nakangisi sa babaeng naka kunot ang ulo.

Ang weird nila. Bakit ba sila nandito na dagdagan tuloy ang trabaho ko bilang isang supreme student sa paaralang ito. Tssk... Madami akong gagawin kaya sila na lang ang muna ang bahala mamaya.

CHASER LEIF SUMMER POV

Okay naman sila. Weird nga lang looks nila baka mapagtripan ng mga grupo nila Vanessa.

Si Zephyr mukhang ginalit ang isa mabuti na lang may isang nerd ang nagpakalma sa babaeng yun. Bakit pati kami nadamay? Madami pa akong gagawin.

Mauuna na lang ako mamaya sa kanila.

REED ACE BLUE POV

bakit may mga pangit na nakapasok dito? Hindi ba nila alam na toxic ang kagwapuhan ko dito? Nakakadiri sila.

Hindi naman namin gawain ito bakit kami ang pinatawag dapat si Raven lang trabaho niya ito. Pero alam ko kung ano ang nasa isip niya at yun din ang gagawin ko. Madaming iiyak na babae kung baka sakaling makita nilang may kasama akong nerd baka maturn off sila no way hindi ako papayag.

ZEPHYR LANCE BLOOD POV

Napangisi ako dahil mukhang pikonin ang isa. Ano ba problema niya? Ayaw niya pala mapag sabihan eh sumusuot pa ng ganyang outfit ayan tuloy.

hindi bale bahala na ang mga nerd na ito hindi ko sila pag aaksayahan ng panahon ko kaya nilang mag libot dito sa campus ng walang kasama. Yun nga lang baka mapagtripan ng estudyante. Bahala na sila pumasok sila kaya alam nila ang gagawin nila sa paaralang ito.

AIRE POV

"Maari na kayong pumunta sa room ninyo." Sa wakas natapos din siya. Grabe almost one hour kami naka upo. Naunang lumabas ang apat at sumunod kaming apat.

Alam ko naman na wala silang planong samahan kami, mga tao nga naman.

"Bakit nagmamadali yung apat na yun?" Bulong sa akin ni Tierra. Nagkibit balikat na lamang ako. Bahala sila sa buhay nila.

Ng nakalabas na kami at sinirado na ang pinto

"HOY KAYONG APAT ANO IIWAN NIYO KAMI?!" sigaw ni Fuego.

pfft~ kanina pa ito. Pikon na pikon na ito.

Napatigil naman ang apat at tumingin sa amin.

"Kaya ninyong maglibot na hindi kami kasama" Sabi ni Zephyr

"May mga gagawin pa ako, at saka may sarili kayong mga isip." Sabi ni Raven.

"Hindi namin pinag aaksayagmhan ng oras ang mga tulad ninyo." Sabi ni Reed.

"Mauuna na ako may gagawin pa ako." Sabi ni Chaser at nauna ng umalis.

Tss...

"You don't need to be rude sa amin." I said at naglakad papunta sa kanila dinaanan ko lang si Raven at ramdam kong sumsunod na ang tatlo.

Napatigil ako at

"Hindi niyo kami kilala." At naglakad muli. Naiinis na din ako sa kanila.

FUEGO POV

Sa wakas at nagsalita si Aire mukhang napatiklop ang apat. Ang galing niya. Mabuti na lang at hindi niya ginamit ang powers niya sa apat na yun.

"Saan na ba tayo pupunta Aire?" Tanonv ni Aqua at palibot libot ang tingin sa silid na ito

maganda ang kanilang paaralan infairness pero mas maganda sa amin.

"Sa room." Saad niya.

"Girls. Always remember control powers and temper lalo ka na Fuego ok?" Sabi sa akin ni Tierra.

"Kabanas ang lalaking yun kasi eh." depensa ko sa sarili ko

"Tao pa din sila. Wala tayong choice." Sabi niya.

hay naku. Ano na naman kaya ang mangyayari sa susunod. Malaki at malawak ang paaralan nila maganda ang mga desenyo. Lumiko kami at may nakita kaming mga silid mukhang doon ang mga estudyante. Room ba tawag doon?

Pagpasok pa lang namin sa room ay...

"Mukhang may nawawala dito?" Sabi ng guro at ngumisi sa amin.

Ghad pati ba naman guro?

AQUA POV

Pinagtawanan kami ng mga estudyante pagpasok pa lang namin.

"I mean dito ba kayo papasok?" Sabi ng babae.

"May mga manang na nawawala." Sabi ng isang estudyante. Naiiyak na ako. Nabigla ako ng biglang

"Aaahhh!!" Napasigaw ang mga estudyante ng pumutok ang ilaw at sumilab ang apoy.

"Fuego tigilan mo yan kung ayaw mong mapagalitan tayo ni Eunice." Sabi ni Tierra mukhang natauhan si Fuego at dahan dahan nawala ang apoy.

"Umupo na kayo sa bakanteng upuan sa likod." Sabi ng babae.

Naglakad na kami at umupo sa upuan namin.

Nakita kong may kausap ang babae sa cellphone niya. Grabe hindi ko na keri eto.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon