CHAPTER 66
CHASER POV
Buong araw kami nagklase at buong araw din akong hindi pinansin ni Tierra. Hindi ko alam kung bakit, kung kinakausap ko siya dinededma ako. May nagawa ba akong kasalanan?
Simula nung tinawag siya ni Sir hindi niya na ako pinansin. May pa "ay mahal ko siya" pa siyang nalalalaman ayan tuloy. Hahaha.
Papunta ako ngayon sa garden upang kausapin siya, alam ko naman na doon sila laging tumatambay. Kanina kasi nang lumabas ang guro namin ay dali dali din siyang lumabas. Baka galit iyon sa akin kaya susuyuin ko muna. Pagdating ko sa hardin naabutan ko siyang kinakausap ang ibon habang nakapatong ito sa kanyang binti.
"Nakakahiya yun kanina kung alam mo lang." Saad niya.
"Kainis sana hindi ko na lang iyon ginawa, pinagtawanan ba naman ako." Sabi niya sa ibon. Para siyang baliw, pero since earth princess siya kaya niyang makipag-usap sa mga hayop.
"At kanino ka naman nainis aber?" Bungad ko sa kanya, dali-dali naman siyang tumayo at tinignan ako. Lumipad naman ang ibon dahil sa kanyang biglaang pagtayo.
"Wala. Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin at dali daling nilagay ang mga gamit niya sa loob ng bag. Tinulungan ko naman siya at kinuha ang notebook niya. Akmang ibibigay ko sa kanya ng may nahulog na envelope. Sakto ding napatingin sa Tierra sa notebook na hinawakan ko at sa envelope na nahulog.
Dali dali niyang kinuha ang notebook at pinulot ang envelope at itinago sa likod niya. Ano ba kasi iyon? Bakit niya tinatago sa akin.
"Tierra patingin nga." Saad ko. Umiling-iling naman siya at mas tinago ang notebook sa likod.
"Hindi. Huwag ka nga makulit." Saad niya.
"Talaga ayaw mong ipakita sa akin?" Tanong ko sa kanya. Tumango tango naman siya. Kaya napatigil ako at may naisip akong idea...
"Boyfriend mo ako tapos may tinatago ka sa akin?" Simula ko, nakita ko naman ang paglunok niya.
"Hindi mo ba alam na dapat maging open tayo sa isa't isa? Kung ayaw mo edi huwag." Saad ko at nakita ko namanang pagkataranta sa itsura niya. Tinignan ko lang siya at hinintay kung ipapakita niya ba sa akin o hindi. Since mukhang ayaw niya
"Okay fine. Mauuna na ako. Hindi ko alam na may mga bagay ka palang tinatago sa akin." Saad ko at tumalikod na sa kanya. Akmang aalis na ako ng hinawakan niya ang braso ko.
"Teka lang..." Sabi niya. Tumingin ako sa kanya at nakayuko lang siya. Napangiti na lang ako. Ano ba kasi ang dahilan ng pagkabusy niya...
"Ipapakita mo na ba?" Sabi ko. Tumango naman siya.
"Oo. Hindi ko lang ipapakita kundi ibibigay ko. Huwag mo munang basahin. Sa bahay niyo na." Sabi niya at tumingala sa akin. Natatawa ako sa itsura niya dahil mapulang mapula ang mukha niya.
"Okay?" Saad ko. Ibinigay niya ang envelop na kulay mint green na maymga heart designs. Natawa ako, eto ba ang dahilan kung bakit siya busy at may patago tago pa siyang nalalaman sa akin?
Kinuha ko ang envelope at akmang bubuksan ko ng hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ang pagbukas ko.
"Ano ba, sabi mo sa bahay niyo na." Sabi niya sa akin. Tinignan ko ang envelope at nandoon ang pangalan ko.
"May sinabi ba ako?" Sabi ko at tinignan siya ng innocente habang. Umiling iling naman siya at mas lalong pumula ang mukha
"Ay ewan ko sa'yo bahala ka na diyan." Saad niya at tumakbo ng mabilis upang makalayo sa akin. Natawa na lang ako reaction niya. Eto pala ang pinagkaabalahan niya.
Tinignan ko ang envelope at isang letter ang laman ng tignan ko ang laman, parang nahilo ako sa taas. Natawa na lang ako, pero aaminin kong kinilig ako dahil kahit papano nag effort siya sa akin.
RAVEN POV
Pauwi na ako galing school. Magkokomute na lang ako. Nauna na kasi sila sa akin, may gagawin pa daw sila Chaser. Well, busy ako masyado may dapat pa akong tapusin, anong month na ba ngayon? October na... matagal tagal na din.
Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada mula sa nilalakaran ko nakita ko na naman ang babaeng nakatalo sa akin. Kaya tinignan ko lang siya, may hawak siyang phone at mukhang may kausap dahil seryoso ang kanyang reaction, hindi niya man lang na nasa likod niya lang ako.
Tumawid naman siya sa may pedestrial cross lane ng may isang kotse na mabilis nagpapaharurot at dadaan sa dinadaanan niya.
Ano? Hindi ba siya titingin sa dinadaanan niya na may kotse papunta sa gawi niya, nakakainis ang babaeng ito. Tanga masyado.
Bigla ako tumawid at saktong dadaan ang kotse sa gawi niya ng hinila ko siya kaya naman nabitawan niya ang kanyang cellphone kasabay ng pagdaan ng kotse, habang ako naman ay na out of balance kaya parehas kaming natumba sa gitna ng pedestrial lane.
May mga tao napasigaw ng narinig nila ang pagbeep ng malakas ng kotse at ang pagtunog ng preno ng kotse.
Kita ko ang gulat sa kanyang mata, doon niya lang na realize ng nakaibabaw siya sa akin ng tinawag ko ang pangalan niya.
"Alis Chandria ang bigat mo." Sabi ko sa kanya. Dali dali naman siyang tumayo at tinignan ang kotse na papalayo.
"Pasensya na. Maraming salamat sa pagtulong sa akin." Sabi niya sa akin habang yumuko. Tumayo ako at pinagpag ang dumi sa damit ko.
"Tatanga tanga ka kasi." Sabi ko at bumalik sa kabilang daan.
"Teka cellphone ko?" Tanong niya sa akin.
"Malay ko sa'yo." Saad ko habang tinignan ang wasak niya cellphone kadahilanan ng kotse.
Hindi ko na siya hinintay pa magsalita dahil nagkukumpulan na ang mga tao. Muntikan na ang babaeng iyon. Pasalamat siya at may awa pa akong natitira sa katawan ko para sa kanya, malaki pa ang kasalanan niya sa akin. Umupo ba naman sa tabi ko at walang ibang ginawa kanina sa klase kundi dumada ng dumada sa akin. Sadyang mandhid lang ata siya dahil hindi niya nararamdaman na ayaw ko siyang makausap, hindi niya ba kita na busy ako kanina sa pag-encode or sadyang sinasadya niyang idisturbo ako.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...
![Elemental Princess [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/146221153-64-k191764.jpg)