CHAPTER 14
EURIA POV
Nagsimula na pala ang mission ni Fuego. Kaya pala parang lutang ang mga Princessa nang nakita ko sila. Alam ko makakayanan ni Princessa Fuego ang kanyang mission.
*tok*tok*tok
"Pinawatawa niyo daw po kamo head?" Sabi ni Tierra. Ngumiti lang ako sa kanila at tumayo mula sa pagkakaupo. Makikita mo sa mata ni Tierra ang lungkot, at si Aqua din. Si Aire, hindi ko alam o matukoy man lang kung ano ang nararamdaman niya ngayon dahil mahirap basahin ang kung ano ang tinutukoy ng mata niya.
"Ah, oo pinatawag ko kayo. Pwede kayong lumiban sa inyong mga klase ngayon araw, o kahit sa mga sunod na araw. Nabalitaan ko ang nangyari kay Fuego. Kumusta na siya?" Saad ko. Hindi pa rin nila na kambal kami ni Eunice. Lumiwanag naman ang mata ni Aqua, tiyak nasiyahan siya sa balitang narinig niya.
"Ok naman siya. Alam namin na magiging okay lang si Fuego. Kailangan niya lang ng pahinga sa ngayon." Saad ni Aire. Tumango lamang ako sa sinabi niya. Hindi tumagal ay umalis na sila.
Eto lang ang maitutulong ko sa kanila, mga Princessa. Paano ko nalaman? Dahil sinabihan ako ni Eunice, alam ko na nag-aalala din ang kambal ko kay Fuego.
RAVEN POV
Mula dito sa itaas na bahagi ng school, kitang kita ko kung ano ang mga pinanggagawa ng mga estudyante sa baba. Nahuli ng mata ko ang kotse ng tatlong nerds na lumabas sa campus, hindi man lang sila pinagalitan ng guards. Ano ba ang problema nila?
"Bro, Sundan natin ang mga nerd." Saad ni Chaser na biglang sumulpot. Sundan? Hmmm, pwede din.
"Sige." Sabi ko. Bumaba kami galing sa rooftop. May gusto ba si Chaser kay Aire? Dahil nitong nakaraang araw panay ang pagkwekwento niya tungkol kay Aire, parang interesaso siya. Hindi ko alam kung bakit, ngunit sa tuwing iniisip ko na may nararamdaman si Chaser para kay Fuego parang may iba akong nararamdaman.
Hindi namin alam kung nasaan ang dalawa, dahil may sariling mundo din ang mga iyon. Since ako ay SSG ng paaralang ito, pwede akong lumabas anytime.
AIRE POV
Habang nagmamaneho ako ramdam kong may sumusunod sa amin. Kaya binilisan ko ang pagmamaneho, hindi nila kami maaaring masundan.
"Aqua, gawin mong invisible ang kotse. May sumusunod sa atin." Saad ko. Napatingin naman sa akin sina Tierra at Aqua. Kahit naguguluhan man ay sinunos niya pa din ako. Oo, may kapangyarihang ganyan si Aqua. Kaya nga unique kaming mga princessa.
Nang makabalik na kami sa bahay, una naming binisita ang kwarto ni Fuego. Mahimbing siyang natutulog. Hindi na siya sumisigaw, ano kaya ang nangyari?
FUEGO POV
Naiinis ako sa sarili ko, dahil hindi ko kayang labanan ang sarili ko na nasa harapan ko lang. Masakit na ang katawan ko, dahil sa mga natamo ko mula sa kanya. Wala na akong lakas, hindi pa ako nakakapagatake sa kanya, talo na agad ako.
Umupo na lamang ako, at hinahabol ang hininga ko. Tinignan ko ang mga sugat na natamo ko. Ang hapdi ng hinawakan ko ito.
"Magtiwala ka lang, at makakayanan mo ang pagsubok na ito." Narinig ko nanaman muli ang boses na iyon. Dito sa loob ng gubat, nakakakilabot, nasusunog na ang gubat dahil sa apoy, tiyak na kapag nandito si Tierra ay hindi yun papayag na sirain ang kalikasan.
Tinignan ko ang babae. Gayang gaya niya ang suot kong damit, kakambal kakambal ko talaga ang nasa harapan ko ngayon ngunit ang pinagkaibahan lang ang kulay ng mata, itim. Mukhang wala ito sa sarili.
Naramdaman kong gumawaan ang nararamdaman ko. Tinignan ko ang sugat ko nawala ito. Nawala? Paano? Ginamot ba ako? Kaya ang sakit na naramdaman ko kanina ay nawala na.
Magtiwala? Magtiwala sa sarili ko. Tama, dahil nakakulong ako ngayon sa panaginip ko. Kinakailangan ko paniwalaan ang sarili ko. Ang pinagkaibia nga lang sa panaginip na ito, nakakaramdam ako ng sakit. Kung itong pagsubok na ito ang magiging isa sa maging daan ko upang maging malakas sige gagawin ko. Para sa mga kaibigan ko, kay Eunice at sa mga magulang ko na nag-aantay sa pagbabalik ko.
Nagkonsentrate ako, ipinikit ko ang mata ko. Lahat ng mga itinuro sa amin ni Eunice inaalala ko. Lahat ng mga masasayang alaala na meron ako kasama ang mga tao na naging bahagi ko sa buhay. Magtiwala sa sarili upang makalabas na delubyong panaginip na ito, dahil sa panaginip kong ito kaya ko maging sino. Kaya ko gumawa ng mga bagay na hindi ko magawa sa totoong ako.
Iminulat ko ang mata ko at, biglang nawala ang apoy na nakapalibot sa amin. Ang babae na nakatayo sa harapan ko ay biglang naglaho. Isang babae ang nakatayo sa harapan ko na nakaputing bestida, lumapit siya sa akin. Hindi ko kilala kung sino siya. Ngunit ngumiti siyang lumapit sa akin, tinignan ko lamang siya.
"Magtiwala, upang malagpasan ang pagsubok." saad niya. Siya, siya ang babaeng naririnig ko sa loob ng aking isip kanina. "Masaya ako't nakayanan mo, nagtiwala ka. Ang premyo nang iyong kawagian ay eto." Saad ng babae iwinasiwas niya lamang ang kanyang kamay at naging kulay puti ang aking kwintas.
"Matutukoy mo na kung sino ang armor mo. Sa oras na ipagtagpo kayo ng tadhana, wag mo na siyang pakawalan. Kung ayaw mong may makauna sa iyo na iba." Sabi niya. Huh? hanggang dito na lang ba ang pagsubok na iyon?
"Maaari ka ng magpahinga princessa. Sa oras na magising ka sa panaginip na ito, magiging malakas ka, ngunit huwag magpalinlang sa mga tuso. Magpahinga ka na." Saad ng babae hindi ko alam ang kaninang walang buhay na gubat at napalitan ng kulay, masisiglang mga puno at may umaagos na tubig. Mga paro parong lumilipad. Naramdaman kong umangat ang katawan ko at sa hindi ko malamang dahilan ay dinalaw ako ng antok.
Nalagpasan ko ang pagsubok, tiwala, tiwala ang daan upang malagpasan ang pagsubok na meron ako. Lumabas ang babae mukha ng babae sa aking isipan sa panghuling pagkakataon, nakangiti ito sa akin, at unti unting lumaho.
Makakabalik na ako, tiyak na magiging masaya sina Aire kapag nalaman nilang nalagpasan ko ang aking pagsubok. Hindi na ako makakapag antay pa.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasía----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...
![Elemental Princess [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/146221153-64-k191764.jpg)