CHAPTER 51

3.3K 130 0
                                        

CHAPTER 51

AIRE POV

Nagising ako mula sa pagkatulog ko. Sumakit ang ulo, ano ba ang nangyari? Lumabas ako sa kwarto ko ng naabutan kong walang tao sa sala. Nasaan sila? May nakita akong isang gown na nakasabit sa lalagyan.

Anong meron? Tanong ko sa sarili ko. Nang naalala ko, may ball pala kaming gaganapin sa school. Bakit hindi man lang nila ako ginising? Kinuha ko ang damit, maganda siya. Pang prinsesa ang dating.

Hahabol na lang ako sa ball, hindi ko alam sa sarili ko pero tila may sariling isip ang katawan ko kusa silang kumilos at sinuot ang damit na ito, inayusan ko ang sarili ko at natapos din. Iba, ibang ang nararamdaman ko ngayon. Tila parang may nakalimutan ako. Bakit nga ba ako natutulog? Anong meron?

Mission? Oo mission, pero ano? Tinignan ko ang kwintas ko at hinawakan. Alam kong hindi pa tapos ang mission ko. Ang naalala ko lang, may babae sa panaginip ko. Hindi ko din maalala kung ano ang pinag-usapan namin.

Paano ako makakapunta sa ball? Sino ang tatawagan ko?

"Aire nasaan ka?" Tanong ni Lyndon. Hangin kami, makakapagcommunicate kami sa pamamagitan nito.

"Nasa bahay. Sunduin mo nga ako, wala akong masasakyan." Sabi ko sa kanya. Ilang minuto lang ang lumipas na may kotseng huminto sa tapat ng bahay, nang tignan ko kung sino si Lyndon na nakaformal attire. Napangiti naman ako ng nakita ko siya. Lumabas na akong bahay, walang oras para aksayahin ang oras.

"Bakit nahuli ka? Nauna na sila." Sabi ni Lyndon at pinagbuksan ako ng pintuan. Pumasok naman ako sa loob ng sasakyan niya.

"Hindi ko alam, basta ang importante nakahabol ako. Tiyak magtatampo sa akin Aqua at Fuego." Sabi ko at tinignan ang mga daanan na dinaanan namin.

"Okay, ang ganda mo ngayon Ai." Sabi ni Lyndon, tinignan ko naman siya at ngumit sabay sabing

"Naman, hindi ka pa ba nasanay?" Sabi ko ng pabiro sa kanya. Matagal ko ng kababata si Lyndon, at oo aaminin kong komportable ako sa kanya.

"Oo na ikaw na." Sabi niya habang pailing iling. Natawa na lang ako.

Habang nasa byahe kami, tahimik lang kami pareho. Ramdam siguro ni Lyndon na may iniisip ako kaya hindi na siya nagtanong pa.

Pilit kong inaalala, may mission ako. May dapat akong gagawin. Si Raven? Sabi niya siya ang partner ko. Nakaktampo ang presidenteng iyon ha. Walang isang salita.

Ano na kaya ang kaganapan doon sa ball? Sinubukan kong kausapin si Aqua.

"Aqua hahabol ako." Saad ko. Malapit na kami sa paaralan ng

"Yes! Akala ko hindi ka na makakahabol. Sleeping beauty ang peg mo Aire. Bilisan mo may kaagaw ka na sa Raven mo." Sabi ni Aqua. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Aqua. Raven ko? Kaagaw? Ano daw?

Nang makarating kami. Madaming mga magagarang estudyants na nakasuot ng magagandang damit. Pinagbuksan naman ako ni Lyndon, nang pagapak ko pa lang sa lupa ay biglang

"Whoah...ang ganda."

"Si Aire ba yan? Ai Aire?"

"Akala ko hindi na siya makaladalo...kyaahh ang ganda."

"Prinsesang prinsesa ang dating nila."

Mga iba't ibang komento ang naririnig ko. I hate attentions.

"Grabe Ai, pati babae nababaliw sa kagandahan mo." Sabi ni Lyndon at tumabi na sa akin at inalalay ako.

"Loko, tumahimik ka Lyndon." Sabi ko na lang. Tumawa naman siya ng mahina.

"Bagay sila ni Aire."

"Mas bagay sila ni Raven."

Rinig ko. Napailing na lang ako sa narinig. Si Raven? Bakit feeling ko kailangan ko siyang kausapin?

Malapit na kami sa grand entrance ni Lyndon ng nag excuse si Lyndon at iniwan ako. Kaya mag isa kong tinahak ang daan papunta doon, mag mga flash ng camera ang bumungad sa akin. Pagpasok ko mas dumami ang tao.

Nakita ko sina Eunice at Euria na nakangiti sa akin, habang si Eunice naman ay may itinurong table. Nang tignan ko sina Fuego palaang nandoon.

Ang bongga ng ball namin, hindi ko lubos akalain na may ganito din pala sila. Akala ko sa amin lang ang merong ganito.

Nang papalapit ako sa table nila, may nakita akong babae na kung makahawa sa braso ni Raven ay wagas kung makakapit. Hindi ko alam pero nainis ako.

"Sabi ko na ba na makakahabol ka." Sabi ni Fuego. Napangiti ako sa itsura ni Fuego bagay na bagay sa kanya ang damit niya.

"Dito ka umupo Aire. Sa kabila ako ni Reed uupo." Saad ni Aqua at tumayo siya sa kinauupuan niya at pinaupo ako sa tabi ni Raven.

Nakita ko si Kuya na nakangiti sa akin kaya ngumiti na lang din ako sa kanya. Nahuli ko naman ang babaeng bago ang mukha sa akin na nakatingin sa akin ng makahulugan.

"Hi." Bati niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at no response hindi ko alam sa sarili ko kung bakit.

Nahuli kong nakatingin silang lahat sa akin tila may ibig sabihin. Kaya napakunot ang noo ko.

"What?" Nasabi ko na lang. Umiwas naman sila ng tingin at nag-usap usap.

Parang may mali. Inilibot ko ang paningin ko dito sa loob. May mga ilaw, maganda ang ayos. Maganda.

"Aire kumusta?" Saad ni Tierra. Napatingin naman ako sa kanya sabay sabing

"Okay lang naman." Saad ko. Pero parang may mali pa din.

Naramdaman ko ding kanina pang tahimik si Raven. Kaya napatingin ako sa katabi niya na masayang kausap si Raven, nakangiti kasi ang babae kay Raven tiyak enjoy na enjoy.

"Aire. Siya na ang tinutukoy ko." Sabi sa akin ni Aqua sa isip. Napatingin naman ako sa kanya ng nakakunot ang noo.

"Sino ba siya?" Tanong ko din sa kanya.

"Basta, makikilala mo din." Sabi niya. Hindi ko alam pero parang may mali. Parang may nagtutulak sa akin na kausapin ko si Raven at ilayo sa babaeng kasama niya.

Nagsimula ng tumugtog ang kanta, kahit hindi man ako taga mundo pero matutukoy ko pa ding love song ang kanta o hindi. Inaya ni Babae si Raven at pumayag naman si Raven, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa reaction ni Raven na parang naiilang o mapipikon dahil pumayag ang lalaking yun.

Niyaya naman nila Kuya, Zephyr at Reed ang kanilang mga kapares at naiwan akong mag-isa. Tinignan lamang ako ni Fuego na tila nagtatanong no response lang ako dahil alam nilang hindi ako mahilig sa ganito.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon