CHAPTER 67
ZEPHYR POV
Nandito kaming apat sa leisure room at syempre may kanya kanya kaming ginagawa. Si Raven ay nasa upuan niya at busy masyado sa laptop niya. Well ganyan naman siya lagi, kung hindi hawak ang laptop nagmumusic kung hindi nagmumusic nagbabasa. Mabuti na lang at bumalik na siya sa dating siya. Mas okay na kung makita namin sigang ganyan.
Si Chaser naman ay may ginagawang box. Ewan ko ba ang saya ng gago. Ngayon daw kasi ang monthsarry nila ni Tierra ang bading nga eh, mukhang kinikilig pa siya. Monthsarry ibig sabihin isang buwan na din ang lumipas sa kaganapan at masaya ako na kahit papano ay nasanay na sila.
Si Reed naman as usual pangiti ngiti tinitignan ang video nila ni Aqua. Inlababo talaga ang isang ito, akalalin ninyo lahat ng mga ka fling niya noon ay nawalan na ng contact sa kanya kasi binlock niya. Seryoso na daw kasi siya kay Aqua.
Ako? Eto kami ni Fuego laging nagbabangayan pero alam kong mahal namin ang isa't isa.
Habang may kanya kanya kaming ginagawa may biglang kumatok sa pinto at pumasok si Chandria na may dalang Mcdo.
"Good morning Chand." Bati sa kanya ni Reed. Ah oo nga pala, mabait naman pala si Chandria minsan may pagkabaliw din ang babaeng ito.
"Kuya Raven oh, para sa iyo." Saad niya at binigay kay Raven ang dala niya. Tinignan lamang siya ni Raven at ang dala niyang pagkain at bumalik na muli sa kanyang ginagawa.
Kinwento ni Raven sa amin ang nangyaring katangahan daw ni Chandria last month ago, nakakatawa nga eh ang lakas magsabi na tanga daw. Simula sa araw na iyon lagi na siyang kinukulit ni Chandria through chat, text. Minsan tumatawag pa. Natatawa na lang kami sa itsura ni Raven dahil naiirita siya.
Tinanong naman namin si Chandria kung ano ang trip niya, sabi niya pa wala lang daw nagpapasalamat lang siya dahil niligtas siya ni Raven. Kaya ayun hindi na kami nangulit, mahirap humusga lalo na't wala kang sapat na ebidensya.
"Bakit si Raven lang. Kami pala?" Saad ko. Tumawa naman siya at umupo sa couch.
"Wala eh, hindi kayo kasali sa budge ko." Saad niya at hawak ang cellphone niya.
Bumukas naman ang pinto kasabay noon ay ang pagpasok ng tatlong prinsesa na tila namomomoblema. Si Chaser naman ay dali daling tinago ang ginagawa niya.
"Girlfriend, dito ka." Tawag sa kanya ni Reed. Tinignan ko si Fuego at halatang may problema nga.
"Good morning mga ate." Bati sa kanila ni Chandria.
"Good morning Chand." Bati naman ni Tierra sa kanya. Ah oo nga pala, si Chandria ay bata pa sa amin ng Tatlong taon, na accelerate siya dahil sa kanyang katalinuhan kaya naabutan niya kami.
"Bunso may pag-uusapan lang kami okay? Maaari ka ba munang lumabas?" Tanong sa kanya ni Aqua.
Ang kaninang nakangiti na Chand ay napalitan ng pagkaseryoso.
"Bakit ba kasi hindi niyo ako sinasali?" Tanong niya.
"Kasi nga bawal ang bata dito." Bara sa kanya ni Fuego at ngumisi lang. Sumenyas ako kay Fuego na tumabi sa akin at mukhang naintindihan niya naman.
"Tsss... oo na eto na lalabas na po." Sabi niya at padabog tumayo.
"Bye Kuya Raven." Saad niya kay Raven. No comment lang si Raven sa kanya kaya mukhang bastos ang kinalabasan ni Raven lagi sa kanilang dalawa.
Paglabas ni Chand ay naging seryoso ang princessa kasabay noon ay ang pagserado ni Tierra ng pintuan.
"Ano bang meron?" Tanong ni Raven at isinarado ang kanyang laptop at itinuon ang pansin sa mga prinsesa.
"Nangyari na." Simula ni Tierra at tilang pinipigilan na huwag maiyak.
AQUA POV
*Flashback*
Kaninang umaga naabutan namin si Eunice na hawak hawak ang libro ng prophesiya at ang crystal na inaalagan ng aming kaharian.
"Eunice anong nangyari?" Tarantang tanong ni Tierra at tinulungan si Eunice.
"Nangyari na. Nilusob ng kampon ni Velgamor ang inyong kaharian. Pinadala ito sa akin ng mga Reyna at Hari upang hindi makuha ni Velgamor. Hinahanap nila ito." Saad niya. Nang narinig ko iyon bigla akong kinabahan.
"Sina Ama at Ina?" Tanong ni Fuego.
"Nahuli sila. Nahuli sila ng alagad ni Velgamor. Saktong pagdating ko doon ay ganoon na ang kaganapan, pinadala nila ito sa akin." Tarantang sagot ni Eunice at dali daling isinirado ang mga pintuan at bintana ng bahay.
"Paanong nahuli?" Tanong ko.
"Nawala ang kanilang kapangyarihan. Kinuha iyon, tila hinigop ang kanilang kapangyarihan sa hawak na baston ng isa sa mga alagad ni Velgamor. Malalaki at malalakas ang kanyang mga alagad." Saad ni Eunice.
"Ano na ang plano? Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa aming Ina at Ama." Saad naman ni Tierra.
"Alagaan at bantayan ninyo ang inyong armor. Dahil alam ko, ang moment ay sasabak na kayo sa gyera." Saad naman ni Eunice.
Kaba at takot ang naramdaman ko. Sa mga narinig ko palang hindi ko na alam kung makakayanan namin ito, paano? Paano namin makakayanan?
"Sige Eunice. Aalis na kami." Saad ni Fuego. Tumango naman si Eunice at nilabas niya ang kanyang magic wand at biglang nawala ang cyrstal. Umiilaw pa ito, ibig sabihin hindi pa nasakop ni Velgamor ang kaharian.
"Sige. Hahabol ako dahil may nararamdaman akong hindi maganda." Saad naman ni Eunice.
"Teka? Kumusta ang mga elemental people na nandoon?" Tanong ko.
"Hindi ako magsisinungaling. May nakita akong wala ng malay. Ang iba ay lumalaban." Saad ni Eunice.
*End of Flashback*
"Paano? Saan tayo magsisimula?" Tanong ni Reed.
"Hindi namin alam. Ang importante walang maghihiwalay hiwalay sa ating pito." Saad naman ni Fuego.
"Makakaya natin ito. Hintayin na lang muna natin ang senyales." Saad ni Tierra.
"Mahirap lumaban kapag wala tayong plano." Saad ni Raven.
"Ang importante ay may sapat na tayong lakas upang makipaglaban. Laging tandaan, walang mang-iiwan at walang mamamatay. Lalaban tayo." Saad ni Chaser at inakbayan si Tierra na kanina pang walang imik.
"Tama. Walang iwanan. Uuwi tayo ng buhay at sisiguraduhin natin na lagi magwawagi ang liwanag sa kadiliman." Saad naman ni Zephyr.
Tama, tama nga sila. Dapat makakayanan namin dahil buhay ang mawawala kapag hindi kami lumaban. Lalaban kami para sa kapayapaan, lalaban kami para wala ng gulong mangyayari. Sana naman Bathala hindi niyo kami papabayaan sa darating na labanan.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasi----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...