CHAPTER 20
RAVEN POV
"Mr.Gray? Sang ayon ka na ba sa schedules natin para sa Warden Festival? sabihin mo lang at papalitan ko ang mga activties next week." Tanong sa aking ng secretary ko, na ngayon ay nandito kami sa office ng head. Pasimple siyang nagsusulat at paminsan minsan ay napapatingin sa gawi namin.
Urgghh...Ayaw ko madaming gawin, napapagod din ako.
"Okay na iyan, akin na at isisign ko na."Sabi ko. Habang nakaupo akl dito at since nag-uusap ang secretary ko na si Jamaica at si Madam ay hindi ko pa din maiwasan mag-isip.
Mr.Vel? Sino ba siya? Pati kami dinadamay sa trabaho niya, hindi ko pa siya nakikilala. Pero mukhang malaki talaga ang atraso sa kanya ni Eunice, pero paano?
Nakita kong tumayo na si Madam, at tumayo na din kami. Pupunta pa kami sa Gym Hall para iannounce. Madami na naman akong aasikasuhin nito, napatampal na lang ako sa noo ko habang iniisip ang mga bagay na gawin ko.
AIRE POV
Nandito kami ngayon lahat sa Gym kung saan nandito ang mga iba't ibang level ng mga estudyante. Habang naglalakad ako, may umapak ng palda ko. Mahaba kasi ang palda ko.
"Pfft~ tatangatanga kasi eh. Don't tell magagalit ka sa akin?" Sabi niya. Tinignan ko lang siya ng masama. Bakit ba nila kami pinag-iinitan? Hindi naman namin sila inaano. Hinawakan naman ni Tierra ang balikat ko kaya hinayaan ko na lang.
Nandito kaming apat sa isang dulo, upang makita ang mga tao sa itaas. Para iwas gulo na din. Pinagtritripan kasi kami ng mga ibang estdyante, since mababait naman kami hindi namin sila pinapatulan. Umakyat na sina Raven sa stage at kasama ang head ng school. Napaisip ako, bakit hindi sinabi sa amin ni Eunice na magkakambal sila. Ang daya ni Eunice, pero amazing dahil hindi mo talaga sila mahalataan na magkakambal dahil hindi sila magkamukha.
Paano ko nalaman? Wala lang, nagimbestiga ako. Air ako, kaya alam ko, pero hindi ibig sabihin nun ay alam ko na lahat, may limitation din. Nalaman ko din na may wizards na nag-aaral sa paaralan na ito, yung babaeng lumapit kay Fuego kanina sa canteen aty isang wizard. Nakakapagtaka, paanong may wizards dito?
"Good Morning Wardenians." Sabi ng Head. Sina Raven nasa likod lang at nakaupo, kasama ang babae na kanina pang salita ng salita ngunit hindi man lang tinignan o nagsalita si Raven. Diretcho lang siya nakatingin, nakatingin sa akin.
*Lubdub*Lubdub*
Tssk...never. Hindi ko siya magugustuhan, pero dapat ko siyang kausapin. Pero sa tuwing magkasama kami, tumitiklop ang dila ko. Ewan ko nga ba kung ano ang nangyayari sa akin. Nalaman ko din na may nangblablackmail sa kanila, hindi ko pa sinabi kina Tierra. Naging close na sila, hindi ko na alam kung paano ko ito sasabihin. Hindi ko din alam kung sino ang nagblackmail sa kanila.
"So students, since magsisimula na ang Warden Festivals, be ready and join our activities, malay niyo isa kayo sa magiging Royalties sa Warden." Sabi ng head. Naghiyawan naman ang mga edtudyante. Ano kaya ang magaganap sa mga activities nila? Excited rin ako kahit wala akong planong sumali.
"Fuego? Sasali ka ba?" Tanong ni Aqua kay Fuego. Tumango tango naman si Fuego. Si Fuego pa ba? Mahilig siya sa mga ganyan.
"Sasali tayong apat." Sabi ni Tierra kaya napatingin ako sa kanya at umiling. Ayaw ko, mauubos lang ang oras ko sa mga ganyan. Mas mabuti pang magbasa ng libro at least may bago akong matutunan.
"Sasali tayo, susubukan natin makapasok sa royals. Para hindi na tayo guluhin pa ng ibang estudyante." sabi ni Tierra. Tama naman siya pero ayaw ko pa din sumali. Napapaisip ba kayo kung naguuniform ba kami? Hindi pa kami naguuniform eversince, para hindi masira ang outfit namin pagkanerd. Maganda naman ang uniform nila. White skirt na hanggang tuhod, long sleeve na kulay itim, ribbon na black at blazer na hanggang sa kamay abot, aircon kasi ang paaralan para hindi malamigan ang mga estudyante.
"Ah aalis na muna ako." Sabi ko. Ayaw kong sumali. Pampanira lang ng plano ko. Isang linggo ako magbabasa sa bahay dahil walang disturbo.
TIERRA POV
Umalis si Aire dito sa hall, ayaw niya talagang sumali, ayaw niya talaga maging sentro ng attention kung kaya't mas pipiliin niyang nasa bahay na lang kasama ang mga libro niya.
"Ang daya naman ni Aire." Saad ni Aqua na nakanguso pa.
"So students, pumunta lang kayo sa mga room and mag fill up ng mga dapat na salihan ninyo okay?" Sabi ng head.
Excited lahat ng mga estudyante sa event na ito, ang galing naman. Ano kaya ang Festival nila? Doon kasi sa amin may handaan na nagaganap at mga fireworks na may iba't ibang klaseng kulay.
"Ako bahala kay Aire." Sabi ni Fuego at ngumiti ng makahulugan. Lagot, kapag ganyang mga ngiti ni Fuego mukhang may pinaplano ito. Ano na naman kayang plano ang meron siya?
"Anong plano mo kay Aire? Hindi kaya baka magagalit yun sayo at lalagutan ka ng hininga." Sabi ni Aqua. Natawa na lang ako sa dalawa, kahit kailan si Aire never niyang ginawa ang mga bagay na iyon. Si Aire malakas siya, malakas siya sa aming apat, yun nga lang hindi nagseseryoso paminsa sa pagprapractice.
"Nga pala Tierra. Nitong nakaraang araw sa naobserbahan ko, lahi kitang nahuhuling nakangiti habang hawak ang cellphone mo. Sino ba ang katext mo?" tanong ni Aqua.
*gulp*
"H-huh? W-wala. May nabasa lang akong nakakatawa." Sabi ko sa kanya. Akala ko ba hindi na nila ako tatanungin sa mga bagay na iyan. Naningkit naman pareho ang mata nila dalawa ni Fuego at til hindi naniniwala sa akin. Gusto niyo rin ba makilala? Secret.
"S-sige aalis na din ako." Sabi ko sa dalawa at diretcho akong naglakad palabas ng gym na walang lingon lingon. Grabe ang dalwang iyon, dahil sa ang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan nabangga na pala ako. Ang tangga mo Tierra tumingin ka naman sa dinadaanan mo. Ang tigas naman,
*snif*snif*
Ang bango naman ng pader na ito. Nang tignan ko
0.0
"Chaser?!" sabi ko. Anong ginagawa nito dito.
"Tapos mo na ba akong amuyin?" tanong niya. Loko to, hindi ko kaya siya inamoy.
"Ano ka diyan?Amoy? Lols. Sige mauuna na ako." Sabi ko sa kanya. Nakakailang siya, iba siya sa text iba din siya sa personal. Grabe parang kambal ko ang katext niya.
"T-teka. Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
"Sa garden, magpapahangin." Sabi ko at lumakad na. Ang bilis ng heartbeat ko. Grabe, feeling ko magkakasakit ako sa sobrang bilis. Oo si Chaser ang nakakatext ko nitong nakaraang araw, basta ang alam ko lang may nagtext ssa akin ng anonymous number at sinabi niyang siya yun. Hindi naman siguro masama kung maging kaibigan ko ang siang iyon di ba?
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...
![Elemental Princess [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/146221153-64-k191764.jpg)