CHAPTER 45

3.4K 138 1
                                        

CHAPTER 45

EUNICE POV

Seryoso akong nagbabasa ng libro dito sa bahay ng biglang nagsidatingan sina Tierra na karga karga ni Acer ang kanyang kapatid na si Aire na walang malay. Napatayo ako ng wala sa oras sa kina uupuan ko at nagsimulang kabahan. Anong nangyari kay Aire?

"Tierra anong nangyari?" Tanong ko na kahit siya ay hindi alamkung ano ang sasabihin. Nandito din sina Zephyr at Reed, nasaan si Raven? himala at wala siya ngayon.

"Hindi namin alam. Kanina okay pa naman siya. Nang sinabi ni Aire na iba ang kanyang pakiramdam. May sakit ba si Aire? Paki check nga." Sabi ni Fuego na seryoso, lumapit naman si Aqua kay Aire. Pinahiga na muna ni Acer si Aire sa couch. Ano ba ang nangyayari? Bakit hindi ako aware na ganito ang mangyayari? Chineck naman ni Aqua si Aire at umiling lang siya. Ano na?

"Anong sakit ang meron siya Aqua?" Tanong ko sa kanya. Nakaupo naman ang iba sa upuan tila hinihintay ang sasabihin ni Aqua. Bakit ba ako kinakabahan? Parang iba talaga...

"Wala naman siyang sakit. Baka naman---" Pinutol ko ang sasabihin ni Aqua, mukhang may kailangan ko nang bumalik muli sa mundo nila. Ang bilis naman ng araw...

"Aalis na muna ako. Babalik ako, dito lanmg kayo at bantayan si Aire." Sabi ko at niligpit ang mga librong ginamit ko kanina.

"Nga pala..." Sabi ko at napatingin sa gawi nila Reed at Zephyr. Napatingin naman sila sa akin

"Nasaan si Raven? Bakit di niyo siya kasama?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang si Zephyr habang si Reed naman ay umiling iling sabay sabing

"Baka may pinuntahan siyang importante. Nainform ko na siya kanina tungkol sa nangyari kay Aire, sabi niya may hihintay daw siya sa airport." Airport? Tumango na lang ako sa sinabi niya habang ang mga kasamahan niya naman ay napatingin sa kanya tila nagtatanong. Nagpaalam na ako sa kanila dahil baka mahuli pa ako.

ELEMENTAL WORLD

"Mabuti naman at nandito ka na. Sakto ang dating mo." Saad ni Reyna Ariana at umupo sa kanyang trono. Yumukk naman ako sa kanila upang magbigay pugay.

"May palaisipan na lumabas sa libro, di ko matukot kung ano. Ngunit ramdam ko na ito'y mapanganib." Saad ni Reyna Ariana.

"Anong ibig mong sabihin Arianna?" Tanong ni Reynang Jade ang ina ni Tierra. Napatingin naman sa kanya si Reyna Ariana.

"Alam natin na dalawang Prinsesa na lang ang di pa nagawa ang mission. Ang anak mo at ang anak ko. Ayaw ko man isipin na ang missiong ito ay mahirap ngunit sana makayanan nila." Saad ni Reyna Ariana at bakas ang lungkot sa kanyang mata.

"Ipagpawalang umanhin niyo po mahal na Reyna ngunit sino po ba ang susunod sa mission?" Tanong ko. Napatingin naman sila sa libro ng bigla itong umilaw. Nakita kong napatakip ng bibig si Renan Jade at ang iba naman ay napatingin kay Reyna Ariana tila nag-aalala.

"Makakayanan ni Aire ang mission niya." Saad ni Reyna Ariana na walang buhay ang mata at kitang nasasaktan. Kinuha naman ni Haring Garnette ang libro at nilapag sa gitna nila at tumingin sa akin tila sinasabi na tumingin din ako upang makita ang laman ng sulat.

"Leave and survive. Fight to die. Die to survive."

Sabi ng libro. Di ko maintindihan. Die? Mamatay? Impossible. Hindi maaaring may mamatay sa isa sa mga prinsesa.

"Kamusta anak ko Eunice?" Tanong sa akin ni Reyna Ariana nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Bahala na...

"Kanina lang, Umuwi sila kasama si Aire ng walang malay. Hindi namin alam na mission niya na pala. Kaya pala sabi ni Aqua na walang sakit si Aire." Sabi ko. Inalo naman ni Reyna Freya si Reyna Ariana. Alam kong nag-aalala siya sa kanyang anak, ngunit ito ang itinakda para sa kanyang anak kaya wala kaming magagawa.

"Sige Eunice. Bumalik ka dito muli at ipaalam kung ano ang nangyari." Saad ni Haring Tridon. Tumango naman ako at nagbigay muli ng pugay at umalis na. Hanggang ngayon palaisipan pa din sa akin kung ano ang tinutukpy ng prophesiya. Sana naman ay makayanan ni Aire ang mission, at sana walang mamamatay. Sana nagkakamali lang ang libro dahil di ko makayanan na isa sa kanila ang mawawala lalo na si Aire eto lang ang kabayaran ko kay Haring Aero kapalit sa kanyang pagbuwis ng buhay sa angkan namin laban kay Velgamor.

RAVEN POV

Papunta ako ng Airport ng may nag message ssa akin and it's Reed informing na si Aire ay hindi sa magandang kalagayan. Anong nangyari doon? Okay pa naman yun kanina. Nakatanggap ako ng mensahe and it's her. I don't know basta ng nabasa ko ang message niya gusto ko na siya agad makita. I missed her so much matagal na taon na din ang lumipas nung huli naming pagkikita.

Ngunit bakit ganito? Nag-aalala ako para kay Aire. Gsto ko siyang punatahan. Kamusta na kaya siya?

Nandito ako sa labas at hinihintay siyang lumabas sa Airport. Sinuot ko ang earphone ko dahil ang tagal niya. Sabi niya nandito na siya, nakakapagod mag-antay. Habang nagmumusic ako may humila ng earphone ko. Ang bastos naman ng tignan ko kung sino...

Napatigil ako it's her. Nakangiti siya sa akin, totoo ba to? Totoo bang nandito na siya? NIyakap niya ako kaya niyakap ko na din siya. I missed her so much, mas lalo siyang gumanda ngayon.

"I miss you babe." Sabi niya. 

"I miss you to Aarizelle" Sabi ko.

Bumitaw siya sa pagyakap sa akin at hinwakan ang mukha ko tila chineck ang itsura ko. Tumawa naman siya ng mahina. Bakit parang hindi ako komportable.

"Ang gwapo mo pa din. Siguro marami nang nagkagusto sayo." Sabi niya, ngumiti lang siya sa akin kaya ngumiti na din ako sa kanya. Pinagbuksan ko siya ng pinto at nilagay ang gamit niya sa likod.

Habang nagdridrive ako panay kwento siya sa akin kung ano ang nangyari sa kanya sa States. Tumatango tango naman ako sa kanya, bakit ganito? Parang hindi na ako sanay sa presensya niya. Parang may ibang presensya akong hinahanap. Pero mahal ko si Ae impossible.

"Nga pala, saan ka magstastay?" Tanong ko sa kanya. Wala lang baka isispin niya na di ako nakikinig sa kanya. Tinignan ko naman siya at ngumiti naman siya

"Di pa ako nakabooked in ng hotel. Pwede bang sa inyo na muna ako mag stay?" Tanong niya sa akin. No comment na lang ako at tumango pero mayn parte sa akin na nagsasabi ng huwag. Ano ba to? naguguluhan ako. Bukas pala ang Masquerade ball namin, excited na akong makita si Aire.

"Ang saya mo naman? Ano iniisip mo babe?" Babe? Tinignan ko naman siya at umiling.

"Wala namiss lang kita Ae." Sabi ko na lang.

"Ako din." Sabi niya at ni rest ang ulo niya sa balikat ko.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon