CHAPTER 81

3K 110 17
                                        

CHAPTER 81

FUEGO POV

Ramdam ko na ang paghina ng aking katawan. Wala na ba talaga kaming pag-asa na manalo laban sa kalaban? Nandito kami ngayon sa labas, habang tinignan ang pagbabagong anyo ni Velgamor.

Nakakakilanot. Naging malaki ang kanyang katawan at naging kulay pula ang kanyang mata. Sakim siya, sakim siya sa kapangyarihan.

"Hahaha. Kawawa naman kayo mga prinsesa. Wala kayonh binatbat sa akin. Nasaan na yung mga pag-eensayo ninyo sa mundo ng mga tao? Nasaan na yung pagpapalakas ninyo? Hahaha." Sarkastikong sabi niya sa amin. Siguro kung may kapangyarihan ako sinunog ko na ito.

"Ano ng gagawin natin? Paano na?" Sabi ng katabi ko na si Aqua.

"Tama siya, wala tayong laban sa kanya. Napakawala nating silbi. Kinalala pa naman tayong mga tagapagligtas laban kay Velgamor tapos eto na, eto na dahil wala tayong magagawa." Saad ni Tierra. Eto ang unang beses na nakita ko siyang mahina.

Sana nandito si Aire, sana nandito siya. Nang dahil kay Velgamor nawala si Aire ng dahil sa kanya nagkaroon ng prophesiya ng dahil sa kanya naging ganito ang kaharian namin at nadamay pa ang ibang mga elementalist.

"Nasaan ang libro ng prophesiya? Ang krystal? Ibigay niyo sa akin ipapangako ko kapalit ng inyong kalayaan." Saad sa amin ni Velgamor at lumapit papunta sa gawi namin.

"Sakim ka Velgamor! Hinding hindi mo makukuha ang hinihingi mo!" Sigaw ng nasa likod namin. Napatingin naman ako sa likod tila naging malambot ang naramdaman ko ng nakita ko ang aking ina at ama.

"Paano kayo nakalabas?" Saad ni Velgamor. Na nagtataka.

"Wala la bang tiwala sa lakas namin Velgamor?" Sagot ko sa tanong niya at ngumisi.

Nasa labas na pala ang lahat at hawak hawak ng mga kasamahan ni Velgamor ang mga white wizard, ang mga hari at reyna at ang mga armor namin. Mukhang pati sila ay nawalan ng laban at kapangyarihan dahil sa pulang buwan.

"Aba't sumasabat ka pa!" Sigaw ni Velgamor sa akin at gumawa siya ng kuryente at tinapon sa gawi ko. Hindi ko nagawa pang umilag dahil hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Aaahhhhh!!!" Sigaw ko dahil sa kuryenteng dumaloy sa katawan ko at dahil na din sa sakit at hapdi.

"Fuego!" Rinig kong sigaw ni Zephyr kaya napatingin ako sa gawi niya at nginitian siya. Maski sila ina at ama ay wala magawa dahil hindi nila magawang gumalaw.

"Fuego? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Aqua at umiiyak na. Iyakin talaga to. Kaya naiinis ako dahil sa ang dali niyang manlambot ayaw ko siyang makitang umiiyak nasasaktan ako.

"A-ayos l-lang a-ko. H-huwag kang u-umiyak. Ang p-pangit mo." Sabi ko at ngumisi.

"Fuego naman eh! Nagawa mo pang mambiro!" Sabi niya sa akin.

"Ang sweet niyo namang tignan." Saad ni Velgamor at tumawa ng malakas na tila mabingi na ako sa lakas ng boses niya.

"At least sweet kami eh ikaw? Habang buhay ka na lang nag-iisa dahil sa kasakiman mo. Kaya hindi ka minahal ni Reynang Ariana sa halip mas pinili niya si Haring Aero!" Sabat ni Tierra na ikinisinghap ng mga hari at reyna sa sinabi niya. Nakita ko naman ang maging reaction ni Velgamor at galit na nilapitan si Tierra.

"Wala kang karapatan na ipamukha sa akin yan!" Giit na sabi nk Velgamor at

*pak*

Isang malakas na sampal ang nakuha ni Tierra kay Velgamor na ikinadugo ng kanyang bunganga. Sa halip na masaktan si Tierra ay tumawa lang siya, tumawa lang siya na tila wala lang sa kanya ang sampal na kanyang natamo.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon