CHAPTER 59

3.4K 123 4
                                    

CHAPTER 59

VELGAMOR POV

"Napakalaki ninyong hangal!" Galit kong asik sa aking mga tauhan.

"Pauman--" Di ko na pinatapos si Lyndon sa pagsalita pa wala silang isang salita. Simple lang naman ang pinapagawa ko sa kanila ang patayin ang mga prinsesa nguniy binigo nila ako.

"Tumigil ka!" Sigaw ko at tinamaan siya ng kapangyarihan ko sa tiyan niya at sumuka naman siya ng dugo. Napangisi naman ako sa nakita ko. Tinulungan siya ng mga kasamahan niyang itayo siya.

"Kung hindi ninyo magawa ang iniutos ko sa inyo, ako ang tatapos sa kanila. Magsilayas kayo. Hindi ko kayo kailangan. Mga walang silbi." Saad ko at tumayo sa kinauupuan ko. Sagabal sila sa plano ko buong akala ko magagamit ko sila laban sa mga prinsesa nagkamali pala ako

Kunting panahon na lang at bilang na lang ang araw na dadating at magsisismula na ang labanan natin mga prinsesa. Hahahaha.

LYNDON POV

"Bro dahan dahan lang." Saad ko habang ginagamot ni Jemz ang sugat ko. Ako oa ang napuruhan ng Velgamor na iyon.

"Mukhang nahahalata niya na wala tayong ginagawa sa mga prinsesa." Sabi naman ni Reward at humiga sa couch.

"May iba pa ba tayong plano?" Tanong ni Spencer habang nakaupo sa upuan.

Naguguluhan ba kayo? Ganito kasi iyan. Aaminin ko na ako ang dahilan kung bakit nasugatan si Aire nung may palaro sila sa paaralan. Dapat ko iyon gawin upang hindi kami paghinalaan ni Velgamor na niloloko namin siya. Napagdesisyunan naming apat na makipagsundo kay Velgamor dahil isa din ito sa mga dahilan upang matulungan namin ang prinsesa. Wala kaming intention na saktan ang prinsesa dahil mga kababata namin sila. Kahit paano minahal namin sila.

"Salamat." Sabi ko na ng tumayo na si Jemz.

"What if kung sasabihin natin sa mga prinsesa ang plano ni Velgamor?" Tanong ni Jemz at nakatingin sa amin.

"Maaari din. Ngunit dapat tanggapin natin kung ano ang sasabihin nila sa atin. Maaaring magbago ang tingin nila sa atin dahil dito at hindi na nila tayo muli pagkatiwalaan pa." Saad ko naman at pigil hininga akong gumalaw dahil masakit ang sugat sa may bandang tiyan ko.

"Mabuti na din iyon. At least sa huling pagkakataon na sabi natinsa kanila. Eto lang din ang mababawi natin kay Aire sa kanyang pagkawala." Sabi ni Spencer at muli kaming natahimik ng pumasok si Aire sa usapan.

Mahal ko si Aire ngunit alam kong mas mahal niya ang Raven na iyon kaya nagparaya ako para sa kanilang dalawa. Oo, alam namin ang pagkawala ni Aire dahil kinwento sa amin ng mga prinsesa.  Masakit isipin at tanggapin na isa sa mga prinsesa ay wala na.

Pangako Aire babawi ako, babawi ako sa lahat ng ginawa namin lalo na sa pagpatay saiyo ni Velgamor.

REED POV

Isang normal na araw ang bumungad sa amin dito sa paaralan. Sabay pa din kaming pumapasok sa paaralang ito. Ngunit nag-aalala ako kay Raven dahil madali na lamang uminit ang ulo nito. Minsan pinapagalitan ang mga estudyanteng wala namang kasalanan.

Pumupunta si Raven sa paaralan ngunit hindi siya pumapasok sa klase namin. Lagi siyang tahimik. Nag-iba nga ang itsura ni Raven dahil naging cool siya tignan. Bilang presidente sa paaralang ito lahat ng estudyante ay takot sa kanya, naging ganito siya simula ng nawala na si Aire.

Papunta na kami sa classroom ng hindi na sumunod sa amin si Raven. Alam niyo kung saan siya laging tumatambay? Sa rooftop, doon namin siya laging naaabutan na mag-isang tumitingin sa kawalan at magulo ang buhok.

"Sige ako na bahala ang kumausap sa kanya." Saad sa amin ni Chaser kaya tumango na lamang kami ni Zephyr. Kahit kami dalawa ni Zephyr ay nahihirapan kaming kausapin si Raven. Si Chaser lang ang matino niyang nakakausap.

"Halina bro. Magrereview pa ako." Saad naman ni Zephyr sa akin. Umiling na lang ako sa sinabi niya. Review daw?

"Ikaw? Magrereview? Himala?" Sabi ko at tumawa. Hindu kasi yan nagrereview nakakapagtaka naman at nagrereview ito. Ay oo nga pala may exam kami ngayon kaya busy ang mga estudyante sa pag-aaral. Ako? Wala lang may mga matatalino akong katabi eh, hahaha. Si Raven matalino naman iyon kahit hindi na siya mag-review matataas pa din ang mga kuha niyang score sa exam. Kaya hindi nagtatanong ang mga prof namin kung bakit hindi pumapasok si Raven. Ngunit dapat pumasok siya ngayon dahil requirements iyon.

"Atleast nagrereview ako. Eh ikaw? Kokopya ka lang? Hoy mamatay ka din kaya sulitin mo na ang araw na ito." Saad niya at nauna ng lumakad. Gago talaga ang isang ito, sumasabay sa uso.

CHASER POV

Sinundan ko lang si Raven kung saan siya dadalhin ng paa niya and again nasa rooftop na naman siya. Nilapitan ko siya at tinabihan habang nakatingin sa baba sa mga estudyanteng papasok pa lang ng paaralang ito.

"Bro may exam tayo. Pumasok ka na muna." Saad ko. Hindi man lang siya umimik at tahimik na pinagmasdan ang langit. Alam kong nasasaktan pa din siya. Nasasaktan din ako dahil kapatidko ang namatay ngunit alam ko kapag mananatili akong malungkot ay ayaw iyon makita ni Aire.

"Bro alam kong nasasaktan ka pa din. Ngunit isipin mo din muna ang pag-aaral natin. Malapit na magsimula ang exam." Sabi ko sa kanya.

"Ang tanga ko bro eh. Sana noon nakinig na ako sayo hindi sana ito aabot ng ganito." Sabi niya at narinig ko ang pagkapiyok ng boses niya.

"Huli na ng narealize ko na mahal ko ang kapatid mo." Sabi niya at ngumiti ng mapait.

"Bro sa tingin mo ba papayag si Aire na maging ganyan ka dahil sa kanya? Hindi iyon papayag bro tiyak papagalitan ka nun." Sabi ko na lang at ngumiti. Nagsimula na akong lumakad patungong pinyuan since malapit na mag time.

"Sumunod ka na lang bro. Pangako kilala ko kapatid ko, lagi ka niyanf babantayan." Sabi ko at nagpatuloy na sa  paglakad at iniwan siyang mag-isa. Hahabol din iyon si Raven, matalino naman yun kaya sisiw lang sa kanya ang exam.

May kutob ako na hindi lang hanggang dito, ramdam kong di niya kami pababayaan. Alam kong alam niya ang nangyayari ngayon. Kamusta ka na Aire? Sana masaya ka kung nasaan ka. Miss na miss ka na namin.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon