CHAPTER 16

4.5K 222 0
                                        

CHAPTER 16

TIERRA POV

Nahimatay si Aqua, napatampal na lang ako sa ulo. Paano ba naman kasi sa sobra niyang pagaalala kay Fuego pati sarili niya hindi niya na inaalagaan. Paggaling kami sa paaralan sa Aqua doon agad dumederetso sa kwarto ni Fuego, minsan kahit gabi doon siya sa tabi ni Fuego natutulog kesyo daw baka magising at least daw siya daw ang unang makita. Aqua is sweet and caring. Sa aming apat na magkakaibigan siya ang pinakasweet dahil makikita mo sa action niya.

"Aire, sa tingin mo ba na ayos lang si Aqua na si Reed ang pinabantay mo doon?" Tanong ko. Si Aire kahit tahimik at minsan walang ekspresyon sa mukha alam kong nagaalala din siya.

"Ayos lang si Aqua. Napagod lang iyon, magiging maayos lang din siya, kailangan niya lang ng tubig para ma energized siya muli." saad ni Aire habang nakayuko.

Apat na araw na ang nakalipas ng nagsimula ang pagsubok ni Fuego, apat na araw na din siyang tulog. Sino kaya ang masusunod sa amin. Nakakahinayang naman, ang tagal magising ni Fuego. Tinignan ko ang kwintas ko, earth symbol. Kahit anong pagsubok pa ang mararanasan ko kakayanin ko, para ito sa aming kapayapaan at para matalo namin si Velgamor.

Nandito lang kami sa loob ng classroom, kahit ako aaminin kong pagod din ako. Pagod ako physical, gabi gabi kaming nagpapalakas at sinasanay ang mga kapangyarihan namin. Kailangan kong manatiling matatag dahil tinitignan ako ng mga kaibigan ko, ako bilang nakakatanda sa kanila dapat makikita nila na kahit gaano kahirap at kapagod ay kakayanin.

Ang kaninang maingay na clasaroom ay naging tahimik ng biglang may pumasok na apat na babae. Nakakainis sila akala mo kung sinong mataas kasama ng apat sina Chaser at Raven, ewan ko ba ng tignan ko ang babaeng nakahawak sa braso ni Chasee umiinit ang ulo ko. Napatingin naman sila sa gawi namin at ngumiti ng makahulugan ang apat na babae. Si Aire alam kong nakakaramdam ito, kaya hinahangaan ko si Aire kasi palagi siyang chill at kalma at ang astig niya kung ganun.

Napatingin naman sa gawi namin sina Chaser at Raven pagkatapos ay pumunta na sa kanilang mga saeriling upuan.

"Where's my Reed? Hindi ba siya pumasok?" Tanong ng malanding babae. I think it's Natasha. Nangigil ako, ang arte niyang magsalita. Alam kong bawal mag mura dahil masama iyon pero, peste siya alam ko kung anong lihim ng babaeng ito, hindi man lang marunong mahiyasa sarili.

"Hey Zeph, nasaan si Reed?" Tanong niya kay Zephyr ngunit hindi siya pinansin kundi tinignan lang ng masama. Okay, mukhang naintindihan niya na hindi siya papansinin si Zephyr kaya lumingon siya sa mga kaklase namin. Nagtataka ba kayo paano ko nalalaman? Alam ko ang nangyayari kahit hindi ko sila tinitignan, baka mapagkamalan pa nila ankong chismosa sadyang malakas lang ang pandinig namin.

"Guys! Sinong nakakita kay Reed?!" Sigaw niya dito sa loob. Napaangat naman ang ulo ni Aire dahil sa pagsigaw ni Natasha at binagsak muli ang ulo sa table para matulog. Wala talaga tong pakialam sa mundo si Aire. Yung mga kasama niya naman ay may sariling mundo, panay kulit nila sa tatlong lalaki ngunit hindi man lang sila nagawang pansinin. Natatawa ako sa mga babaeng ito.

"A-ah n-nasa, k-kasama n-niya s-si A-aqua." Sabi ng isang estudyante mukhanv nabubulol pa. Psshh... Bakit ba sila takot sa mga babaeng iyan. Mayaman lang naman sila at wala na akong nakukuhang iba pang information tungkol sa kanila.

Pagkatapos umamin ng kaklase ko, mukhang magkakagulo na naman. Kaya kumuha ako ng libro sa ilalim ng mesa ko at pasimpleng nagbabasa. Ramdam kong napatingin ang babaeng Natasha sa gawi namin ni Aire, naramdaman ko ang kanyang mga hakbang patungo sa amin sina Zephyr, Raven at Chasee naman ay napatingin sa gawi namin at lalo na ang tatlo pa niyang kaibigan na babae na mukhang alam na nila ang mangyayari kaya sinabayan nila si Natasha.

Hay naku, nandito lang kami at nanahimik bakit hinahabol kami ng gulo?

"Hoy kayong mga nerds mahiya nga kayo sa sarili ninyo! Pati si Reed inagaw ni Aqua!" Sigaw sa amin ni Natasha na nasa harapan na namin ngayon. Inayos ko lang ang salamin ko at tinignan siya, Si Aire naman ay nanatiling nakayuko.

"Aba't bastos tong babae na ito ha? Ganyan ba ang tinuro ng magulang ninyo sa in---" hindi natapos ng babae ang sasabihin niya ng may nagsalita sa likod nila.

"Huwag mong isasali ang mga magulang namin dahil hindi mo sila kilala at lalong hindi mo kami kilala." cold na sabi ni Aqua na nasa liko nila. Kasama si Reed tila naguguluhan.

"Aba't nandito ka na pala, bravo." Sabi ni Claire at pumalakpak pa. Mukhang naagaw namin ang attensyon ng mga estudyante dahil ang iba pumasok na dito sa room namin sila Chaser naman ay nakatingin lang sa amin tila hinhintay nila ang sunod na mangyayari. Dahil sa ginawa ni Claire mukhang napikon si Aqua sa ginawa niya.

"Hindi nandoon ako." pilosopang sagot ni Aqua. Pfft~ ayan parehas silang dalawa ni Fuego. Sayang nga lang at wala si Feugo ngayon, tiyak kapag nandito iyon magjojoin force sila para inisin ang apat.

Nanatiling nakayuko si Aire ng akmang hihilahin ni Vanessa ang kanyang buhok bago pa niya magawa iyon ay nahawakan na ni Aire ang kamay niya.

"Ganyan din ba ang tinuro ng mga magulang ninyo na manglait ng ibang tao? Kung oo, ang baba ng standards ninyo para pumatol sa aming mga nerds. Bakit? dahil ba mukha kaming ka api-api sa itsura namin? Huwag niyo kaming subukan." Saad ni Aire. Ang haba ng paliwanag niya ah. Binitawan niya ang braso ni Vanessa at napahawak naman siya sa braso niya na mukha siyang nasasaktan.

"Ayos lang apihin niyo kami. Hindi namin kayo paptulan dahil ayaw namin masira records namin sa paaralan na ito." Saad ni Aqua at ngumisi. Si Reed nandoon na kasama ang mga grupo niya at nakatingin lang sa amin dito.

"Abat ang kapal ng mukha!" Saad ni Ayesha at sinampal si Aqua. Kaya ang mga kaklase namin ay kanya kanyang hiyawan at sigawan kung sino ang manalo. Tinignan ko lang si Aire, blank ekspresyon lang. Kaya pinatigil ko na sila sa pag hihilahan ng buhok. Kawawa naman si Aqua pinagtulungan ng dalawa. Mukhang nasisiyahan sila sa ginagawa nila. Tinignan ko sina Rave wala silang ginawa kundi tumingin lang. Seriously? President siya ng paaralang ito, ngunit okay lang sa kanya na may nagaaway?

Paghihiwalayan ko na sana silang tatlo ng biglang

"Aba't selosa tong isang to ah. Halika pagbibigyan kita." Saad ni Vanessa at hinila ang buhok ko. Ouch, sakit ang haba ng mga kuko niya. Kung maaari ko lang gamitin ang kapangyarihan ko ay gagawin ko na.

Hindi ako lumaban sa halip ay nagpatalo ako. Si Aire mukhang,

biglang nabasag ang bintana dahil sa lakas ng hangin na ngayon, lagot. Napatigil naman ang lahat, si Aire ay nanatiling nakatayo at nasugatan ang piangi niya dahil sa bubog. Napataitigil naman apat at mukhang natakot dahil sa lakas ng hangin.

Nilapitan ako ni Aire at tinulungan akong tumayo. Kumindat siya sa akin at nilapitan si Aqua upang tulungan. Habang naagaw ng malakas na hangin ang attention ng mga estudyante, dahan dahan din kaming lumabas.

"Aire, akala ko ba hindi maaaring gumamit ng kapangyarihan?" tanong ni Aqua. May mga kamot din si Aqua sa mga braso niya. Mga pusa talaga ang mga babaeng iyon.

"Ginamit mo kapangyarihan mo?" Tanong ko, umiling lamang si Aire. Uuwi na lang muna kami, ako na naman ang mageexplain kay Eunice tugkol dito.

"Hindi ko ginamit kapangyarihan ko. Rules natin iyon." Saad niya. Kahit kailang hindi lumalabag si Aire sa rules. Kung hindi siya sino?

Bakit ang lakas naman masyado ng hangin? Mukhang alam niya na napagulo kami.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon