CHAPTER 60
FUEGO POV
Eto ang unang araw ng pagsusuli namin sa mundong ito. Ibang-iba sa mundo naming mga taga elemental world. Dito kasi bibigyan ka lang ng isang puting papel at ang mga nilalaman doon ay mga sari-saring tanong patungkol sa mga tinalakay namin sa loob ng ilang araw. Sa mundo kasi namin tanging mga kapangyarihan namin ang mga ginagamit namin sa pagsususlit. May mga iba't ibat ibang klase din kami ng pagsusulit.
Nagtatakang tinignan ko ang papel ko. Hindi ko kasi maintindihan ang tanong calculus kasi. Naalala ko tuloy nung una, napahiya ang unang guro namin sa calculus kadahilanan sa ginawa ni Aire. Tuwing naaalala ko si Aire hindi ko pa din maiwasan na hindi maging malungkot. Oo linggo na nag lumipas ngunit sariwa pa din sa amin. Nasanay kami na may Aire na laging may hawak na libro, Aire na laging seryoso at Aire na matalino.
Napatingin ako sa katabi kong upuan sa kaliwa at napabuntong hininga, sayang wala na akong makokopyahan ng sagot, si Aire lang naman kasi ang may maraming kaalaman tungkol dito. Hindi sa bobo at wala akong laman kundi, ba't ko pa ito mararanasan? Eh hindi naman ako taga dito di ba?
Habang tahimik ang klase namin nabigla kami sa pagbukas ng pinto kaya lahat kami ay napa-angat ng tingin at tumingin kung sino ang dumating. Ang ibang estudyante ay kinikilig pa, may mga iba din na pinapalo ang kanilang tabi dahil hindi na nila mapigilan ang sarili nila na tignan ang bagong dating na Raven.
"Mr.Gray take your test paper. You only have 30 minutes since pumasok ka ng huli sa klase. Kanina pa nagsimula ang exam." Saad ng guro namin. Bored siyang tinignan ni Raven at kinuha ang test paper ng walang pasabi.
Si Raven. Ibang-iba siya sa totoong siya. Hindi lang sa physical pati na din sa kanyang ugali. Mas naging attractive si Raven sa mata ng mga tao dahil sa kanyang bagong itsura. Ibang-iba siya at di ako magsisinungaling na gwapo at mas bumagay sa kanya ang itsura niya ngayon ngunit sobrang cold niya naman. May sariling mundo si Raven kapag dito sa paaralan. Minsan ko na lang siya nakikita na magkakasama sila ni Zephyr. Nagbago siya simulang nawala si Aire, hindu ko lubos isipin na magmamahalan ang dalawa. Nagulat nga ako ng umamin siya na mahal niya si Aire sa harapan namin ngunit huli na dahil wala ng buhay ang prinsesa ng hangin.
Minsan na lang siya pumasok sa klase, ngunit hindi naman siya hinahanap ng mga guro. Sabi pa ni Zephyr sa akin matalino si Raven kaya okay lang sa mga guro na hindi siya pumasok.
Sinundan ko ng tingin si Raven at tumabi siya sa akin, sa upuan ni Aire. Maski si Zephyr ay napatingin kay Raven tila nagtatanong, nasa gitna kasi ako. Since exam ngayon lahat ay tahimik na, at nagfocus muli sa kanilang ginawa.
"Hoy, Apoy sagutin mo nga yan." Sabi sa akin ni Zephyr ng pabulong. Umiling lang ako sa kanya. Ano pang silbi? Hindi ko naman ito dadalhin sa elemental world.
"Tsskk... tamad kang babae ka. Akin na." Sabi niya at kinuha ang paper ko at pinalitan niya ng kanya ang akin. Ngumiti na lang ako sa kanya. Oo, mahal ko ang isang ito kahit minsan lagi kaming aso't pusa hindi ko nga alam kung paano ako nito napaibig eh. Sa mga araw na pagsasama namin ay mas nahuhulog ako sa isang ito.
"10 minutes left class. After 10 minutes finish or not finish you will gonna pass your paper." Saad ng guro namin. Tinignan ko ang paper ni Zephyr at hindi ko alam na may alam pala ang isang ito dito sa subject na ito. Tinignan ko din si Raven nanlaki ang mata ko sa nakita ko, patapos na siya sa pagsolve. Napangiti na lang ako at napailing. Matalino nga siya, matalino tulad ni Aire.
Nasa likod sina Tierra, Acer/Chaser, Aqua at Reed. Magkatabi ang apat, sila kasi mga lalaki may mga plano plano pa silang nalalaman.
"Okay pass your paper class." Lahat ng mga estudyante ay pinasa na ang mga paper nila sakto din natapos isolve ni Zephyr ang test paper ko.
"Tomorrow ipopost ko ang result ng mga scores ninyo. Good day you are now dismiss." Saad ng guro namin at lumabas na.
Kanya kanyang labas na din ang mga ibang estudyante. Tumayo ako at uminat inat. Grabe, kapagod pa lang umupo na walang ginagawa.
Tumayo naman si Zephyr at tumayo sa harapan ko at seryoso akong tinignan kaya tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko naiwasan ang pagtampal niya sa noo ko sabay sabing
"Apoy, wala akong girlfriend na tamad. Umayos ka." Sabi niya sa akin. Kaya tinignan ko siya ng masama at hinimas ang noo ko. Sakit kaya, ang sama nito.
"Sorry naman." Sabi ko na lang.
"Halika. Labas muna tayo." Sabi niya sa akin hindi pa ako naka ayaw ng
"Guys, lalabas muna kami ni Apoy." Saad niya kina Tierra at Aqua at nag wink pa kaya naman siniko ko siya.
"Pfft~ Sige lang Zephyr kahit hanggang mamaya pa kayo umuwi." Pigil tawa ni Tierra.
Naagaw ng pansin nami ang Raven na sinipa ang upuan na nakagawa ng ingay sa loob ng silid kaya lahat ng mga estudyante na nandito pa ay napatahimik at napatingin kay Raven. Tumayo naman si Raven na may messy hair na bumagay sa kanya at nakapamulsang lumabas ng silid. Nagsitinginan naman kaming anim ngunit parehas kaming walang idea.
"Hayaan na muna natin si Raven. Dadating din ang panahon na matanggap niya ang nangyari." Saad ni Chaser at hawak ang kamay ni Tierra.
Sila na talaga, sila na ang sweet. Akmang lakakad na ako ng hinila ako ni Zephyr sabay sabing
"Huwag kang tumakas apoy akin ka muna ngayon. Para naman kumalma ka din paminsan minsan." Saad sa akin ni Zephyr at hinawakan ang kamay ko.
"Kalma naman ako ah?" Sabi ko sa kanya. Habang hila hila niya ako palabas ng classroom may mga estudyanteng nagbubulung bulungan tulad ng
"Gosh sila na ni Fuego, ansakett."
"Bagay silang dalawa ang astig."
"Sana stay strong sila"
"Ang swerte nila sa isa't isa."
Ganyan ang mga naririnig namin. Buti naman at walang negative feedback kundi susunugin ko sila pero syempre joke lang. Okay ang corny ko.
Tumawa naman si Zephyr sa tanong ko. Kaya tinignan ko na lang siya ng nagkasalubong ang kilay.
"Oo kaya. Dapat lagi kang nakangiti kapag ako ang kasama mo. Sige ka baka madaling malaglag ang baby natin kapag lagi kang galit." Sabi niya.
Dahil sa sinabi niya napatigil ako at doob ko lang narealize ang sinabi niya. Gago siya, feeling ko uminit mukha ko. Akmang babatukan ko siya ng tumakbo siya palayo sa akin.
Walang hiyang Zephyr talaga. Tssskk...
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...
![Elemental Princess [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/146221153-64-k191764.jpg)