CHAPTER 80

2.8K 90 6
                                        

CHAPTER 80

REWARD POV

Kabanas naman ang tanga ko. Eto tuloy mapapahamak kami dahil sa katangahan ko.

Biglang tumakbo ang halimaw papunta sa gawi naman kaya kanya kanya kaming apat na direksyon papunta. May anim pa natitira. Mahirap silang kalabanin, ang mga Aragon.

Sinubukan kong makiramdam sa paligid ko kung may malapit ba na ilog dito ngunit bigo ako dahil wala akong maramdaman. Hindi ko magawang gamitin man lang ang kapangyarihan ko. Water elementalist ako, may mga bagay pa din akong hindi natutunan kung paano gagamitin ang kapangyarihan ko.

"Reward! Lumaban ka, gamitin mo kapangyarihan mo." Sabi sa akin ni Jemz ng pasigaw habang nakikipaglaban sa Aragon.

"Wala akong tubig o kahit na ano na maaari kong magamit." Saad ko. Habang iniiwasan ang pag atake sa akin ng Aragon.

Tumakbo naman papunta sa gawi ko si Lyndom at pinatamaan ang halimaw na akmang aatake sa akin, kaya nagawa niya akong itulak palayo at tinamaan niya ang Aragon sa braso na tagumpay naman dahil naputol ang isa nitong braso.

"Reward ayos ka lang?" Ala alang tanong sa akin ni Lyndon habang papalapit sa akin.

"Ako pa tinatanong mo, ikaw nga diyan may sugat sa braso. Ayos lang ako. Salamat." Sabi ko sa kanya at inalalayan siya.

Lumapit naman sina Spencer at Jemz saa amin na alam ko na pagod na din sila makipagtakbuhan at laban sa Aragon.

"Kailangan na natin makaalis dito. Baka maabutan pa tayo ng mga ibang masasamang elemento." Saad ni Jemz.

"Salamat talaga Bro. Grabe ka Reward pinahamak mo pa sarili natin." Tawang sabi ni Spencer. Lahag sa kanya ginagawang biro ang lahat kaya hinahayaan ko na lang.

"Gago, hindi ko naman sinasadya." Sabi ko at hinawakan ng maigi si Lyndon tila matutumba na ito dahil halos na gamit niya ang lakas niya.

"Magtago na muna tayo doon sa puno habang hindi pa nila tayo nakikita." Saad ni Lyndon.

Napatingin naman kami sa puno na tinuro niya. Mabuti na lang mukhang malaki ito at mukhang may matataguan kami. Dahan dahan naman kami lumapit sa puno upang hindi kami makagawa ng ingay.

"Aray." Saad ni Lyndon ng nakaupo siya.

"Hanggang kailan tayo dito? Kung hindi tayo lalaban tiyak hindi tayo makakaalis nito. Kailangan pa natin tumulong sa kaharian." Paliwanag ni Spencer.

"Magpahinga na muna tayo." Sabi ko naman.

"Wow naman. Hindi mo nga nagamit kapangyarihan mo napagod ka na?" Sabi ni Spencer. Natawa naman si Lyndon at Jemz sa sinabi ni Spencer.

"Nakipagtakbuhan kaya ako sa Aragon." Sabi ko naman.

"Tumahimik na kayo. Baka magsapakan pa kayo diyan ng wala sa oras." Sabi ni Jemz.

Hindi pa kami tumagal ng 5 minuto ng biglang sugurin ng Aragon ang puno kung saan kami nakatago.

"Ano na?" Tarantang sabi ko.

"Ang bading mo." Sabi ni Spencer.

Palakas ng palakas ang pagtama ng Aragon sa puno kaya naman

"Ihanda natin ang sarili natin. Sa oras na masira ang puno lalaban tayo hanggang sa maubos sila." Sabi ni Spencer.

"Sige." Sabi ko naman.

"Narinig niyo ba? Mukhang nawala ang Aragon. Pakisilip nga sa labas." Sabi ni Lnydon. Nawala kasi ang ingay sa labas.

"Ako na." Matapang na sabi ni Spencer.

Nang sumilip siya sa labas sa kanya lang ako tumingin. Tinutulungan naman ni Jemz si Lyndon dahil sa mga sugat alam kong masakit iyon dahil kanina pa siya napapa aray.

"I-imposible." Rinig kong ani ni Spencer habang nakatingin siya sa labas. Maski sina Jemz at Lyndon ay napatingin sa kanya. Mukha kasi siyang gulat sa nakikita niya.

"Anong meron? Bakit parang gulat na gulat ka?" Tanong ni Jemz at nilapitan si Spencer upang makita din kung ano ang nakita.

Nilapitan ko naman si Lyndon dahil mukhang gusto din makisuyo kung ano ang meron.

"Halika Lyndon." Sabi ko sa kanya at inakbayan niya naman ako.

"Salamat." Sabi niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Nakafocus lang ang tingin ko sa labas. Dahil maski ako ay nagtataka din.

SPENCER POV

Imposible. Ang lalaking nakikita ko ngayon sa labas, hinding hindi ko siya nakakakalimutan. Ang tindig at postura nito sa pakikipaglaban ay kilala ko.

"B-buhay siya." Utal na ani ni Jemz na nasa tabi ko na pala.

"Ano bang meron?" Saad ni Lyndon. Tumingin naman ako sa gawi nila ni Reward pareho lang kami ng mga reaction.

"Akala ko. Paano?" Tanong ni Lyndon. Mukhang kinakausap niya ang kanyang sarili.

Nakatingin lang kaming apat sa labas. Nakikipag-away siya mag-isa sa Aragon. Malakas pa din siya tulad ng dati, akala namin wala na siya. Nasawi siya sa labanan yan ang buong akala namin. Kahit hindi namin nakita ang kanyang katawan napaniwala kaming lahat na patay na siya. Ang bilis ng pangyayari dahil sa kanyang malakas na kapangyarihan madali niyang napatay ang lahat ng Aragon.

"Umalis na kayo. Ramdam kong madaming masasamang elemento dito." Saad sa amin ng lalaki. Malaki ang ipinagbago ng kanyang mukha ngunit masasabi ko pa ding malakas ang kanyang dating. Mahaba ang kanyang buhok at nagkaroon na siyang mga balbas.

"P-paano?" Tanong ni Jemz at yumuko sa kanya. Doon lang kami natauhan dahil sa ginawa ni Jemz kaya nagbigay pugay din kami.

"Basta ang importante ay makaalis na kayo. Mabuti na lang at tama ang hinala ko na nandito kayo." Sabi niya.

Tahimik pa din kaming apat dahil sa nakita namin ngayon. Tiyak magdidiwang ang mga nasa kaharian kapag makita nilang buhay ang lalaking nasa harapan namin.

"Mag-iingat kayo. Pula na ang buwan. Jemz naalala mo pa ba ang nakasaad sa libro ng kaharian? Noong mga bata pa kayo?" Tanong niya kay Jemz. Sandaling napatigil naman si Jemz tila nag-iisip sa kanyang isasagot.

"O-oo. Ibig sabihin nito? Mawawalan ng kapangyarihan ang mga elementalist na nasa kaharian?" Tanong nito.

"Tama. Kayo lamang apat ang natirang may kapangyarihan dahil wala kayo sa kaharian ng naging pula ang buwan. Nilagyan ito ng mahika ng mga dark wizards kung kaya't ang mga nandoon ang mga nadamay. Tulungan niyo sila. Ipagdasal ninyo na may himalang mangyayari, mukhang mas doble ang magiging lakas ninyo. Ramdam ko. Hahabol ako, hahabol ako sa inyo pati na din siya na matagal ng natutulog." Mahabang paliwanag sa amin ng lalaki. Ngumiti naman siya sa amin.

"Maraming salamat kamahalan." Ang tanging lumabas na lamang sa aming bibig. May hahabol? Sino? Sino?

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon