CHAPTER 15

4.3K 207 0
                                    

CHAPTER 15

EUNICE POV

"Ilang araw na ang nakalipas, bakit hindi pa nagigising si Fuego Eunice?" Saad ni Aqua. Nasa gilid siya ngayon ni Fuego at nakaupo. Sa kanilang tatlong magkakaibigan, si Aqua ang balisa sa kanilang tatlo ngayon. Alam ko na mahal ni Aqua si Fuego kahit nag-aasaran at nag-aawayan sila.

"Hintayin na lang muna natin siyang magising Princessa. Baka mamaya o sa mga susunod na araw magigising na siya, total active na ang kwintaa niya." Sabi ko. Oo activate na ang kwintas niya dahil nakita namin nung isang araw ang pagiging kulay puti ng kwintas. Ibig sabihin lang din, nalagpasan ni Fuego ang pagsubok. Ang ipinagtataka ko kung bakit hanggang ngayon hindi pa din siya nagigising, tila parang tulog lang siya. Pang apat na araw niya na ito.

"Sige Eunice. Basta ang importante okay na si Fuego, dahil nalagpasan niya na ang pagsubok." Saad ni Tierra. Tinignan ko si Aire, nakatitig lang siya kay Fuego. Ano kaya iniisip niya?

"Sige Eunice pasok na kami." Sabi ni Aire at nauna siyang lumabas ng pintuan, Alam kong nag-aalala siya kay Fuego. Matalik at matagal na silang magkakaibigan kaya alam kong kahit walang imik lagi si Aire tumatakbo pa rin ang isip niya kung ano ang mga dapat gawin na ikakabuti nilang apat.

"Okay sige. Mag-iingat kayo." Sabi ko. Tumango lang si Tierra ganun din si Aqua.

Sino kaya ang sa tatlo ang sunod na magkakaroon ng pagsubok?

REED POV

Pang apat na araw. Pang apat na araw kong hindi nakita si Fuego. Drop out? No hindi nga iyon nakakagawa ng offense kahit mainit ang ulo ng apoy na iyon. Apat na araw ko na ding nakikitang matamlay ang apat na nerds. Ganyan ba talaga sila affective?

"Bro wala pa din si Fuego." Sabi ko sa tabi ko na si Zephyr na nakatingin lang sa tatlong nerds.

"Huwag mo ngang banggitin ang pangalan ng apoy na iyon." Sabi niya. Hindi ko alam, pero nitong nakaraang araw lagi niyang sinasabi sa amin na mainit ang katawan niya. Tapos kung nananaginip siya may mukha ng babae siyang nakikita tapos kung tatanungin namin kung sino nakalimutan niya daw ang itsura ng babae.

"Grabe ka bro. Alam kong hinahanap mo si Apoy." Sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at kumunot ang noo ng banggitin ko ang apoy. Kami lang dalawa ang nandito hindi ko alam kung nasaan sina Chaser at Raven.

"Huwag mo ngang tawaging apoy iyon. May pangalan siya. Ako lang ang pwedeng tumawag nun ng apoy" Sabi niya. Pfft~

"Anong tinatawa tawa mo?" Tanong niya. Hindi na lang ako umimik at yumuko na lang para matulog. Three minutes na lang magsisimula na ang klase namin.

Matutulog na sana ako ng may sumigaw sa isa sa mga kaklase namin.

"Kkyyyaaahhh!! Si Aqua nahimatay!"

"Hala! Tulungan ninyo dali!"

"Aqua, gumising ka diyan hoy"

Mga iba't ibang comment ang naririnig ko. Kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo. Bakit ba ito nahimatay? Tinignan ko si Zephyr naka upo lang at tinignan si Aire na nakahiga sa semento. Sina Aire at Tierra hindi alam ang gagawin.

Hindi ko alam kung bakit pero may sariling isip yata ang paa ko at papatungo ito kay Aqua.

"Anong nangyare sa kanya?" Saad ko sa kanyang mga kaibigan. Nag-aalala silang dalawa. Eto ang unang beses na makita kong nag-alala si Aire at parang may bahid na lungkot ang kanyang mata.

"Hindi namim alam. Basta ang sabi niya lalabas lang daw muna siya. Nang tumayo siya nahimatay siya agad." Sabi ni Tierra.

Kinarga ko si Aqua nang pangbridal style. Bakit ang gaan niya? Kita ko ang mga reactions ng mga babae na mukhang nagulat sila sa ginawa ko. Hindi ko din maexplain ang sarili ko kung bakit ko ito ginagawa.

"Saan mo siya dadalhin?" Tanong ni Tierra. Si Aire nanatiling walang imik lang. "Sa clinic para maalagaan siya." Saad ko. Tumango na lamang si Tierra sa sinabi ko. Akmang lalakad na sana ako ng may humawak sa balikat ko, kaya tumingin ako kung sino iyon, si Aire lang pala.

"Sa garden. Sa garden sa likod na may fountain. Doon mo siya dalhin. Huwag ka mag-alala hindi papasok ang guro natin ngayon, ikaw na muna bahala kay Aqua." Sabi ni Aire. Garden? Bakit sa hardin?

"Huwag ka ng madaming tanong. Sundin mo na lang ako. Sa may tubig." Saad ni Aire at bumalik na siya sa kangang upuan at tumingin sa bintana.

"Sige." Sabi ko at lumakad palabas ng room.

Nakakapagtaka naman. Sa likod? Doon sa mga wala masyadong estudyante? Doon ba sila tumatambay?

Nandito na kami at inihiga ko si Aqua sa may bench. Buti na lang at mag mga puno dito kaya nasilungan kami sa init ng araw. Since walang unan dito, ipinahiga ko siya sa legs ko. Wala tong malisya, tinulungan ko lang siya. Habang nag-iisip hindi ko maiwasan na hindi pagmasdan ang kanyang mukha.

Napakunot ang noo ko, bakit ba sila naka nerd? Maganda naman si Aqua, maganda ang kutis. Maputi, matangos na ilong, mahabang eye lashes, at kissable lips.

Teka. Ano tong ginagawa ko? Hindi. Don't tell me bumaba na standards ko? No hindi, hindi ko lang talaga maiwasan na titigan siya. Bakit parang iba siya? Mukha siyang dyosa na napadpad dito sa mundo namin. Siguro kapag hindi siya mukhang nerd maganda siya.

Habang tinitigan siya hindi naiwasan ng mata ko ang pagtulo ng kanyang lupa. Umiiyak ba siya? Aalisin ko sana ang eyeglass niya ng nahuli niya agad ang kamay ko.

Napatingin siya sa akin. Ang ganda ng mata niya kulay asul.

"A-ah pasensya na." Sabi ni Aqua at umupo sa bench. Mukhang na bigla siya sa at nailang. Hindi niya ata inasahan na ako ang makikita niya.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko. Napahawak lamang siya sa kanyang noo at tumayo

"Ayos lang ako. Kailangan ko lang lumapit doon." Sabi niya at tinuro ang fountain. Huh? Anong konek? Tinignan ko na lamang siya ng nagsimula na siyang lumakad patungk sa fountain, akmang matutumba siya mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko kaya naabutan ko siya.

*Lubdub*lubdub*

Nahawakan ko ang bewang niya, kaya inalalay ko na lang siya patungo sa fountain. Ang weird pero bakit ang lakas ng heartbeat ko?

Tinignan ko lang siya at inilagay niya ang kamah niya sa tubig. Mukhang gusto niyang ilapat ang kamay niya sa tubig, ng ginawa niya iyon. Tumingin siya sa akin ngumiti.

*Lubdub*lubdub*

I'm speechless. Walang salita ang lumabas sa bibig ko.

Bakit sa tubig? Anong koneksyon ng tubig kay Aqua? Nakakapagtaka. Mukhang gusto ko pa makilala kung sino si Aqua at ang mga kasama niya. Ramdam ko mukhang may tinatago sila sa amin.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon