CHAPTER 72.1

2.8K 100 6
                                    

CHAPTER 72.1

(A/N: Flashbacks muna tayo, kung ano ang nangyari kina Lyndon after nilang umamin sa mga prinsesa. Para na din hindi kayo, tayo maguluhan)

REWARD POV

"Bro galit talaga sina Fuego sa atin. Eto yung unang beses na nakita ko siyang ganoon." Lungkot na sabi ni Spencer. Tama, naging iba ang pagtrato sa amin ni Fuego simula ng nalaman niya na kumampi kami kina Velgamor.

"Alam na naman natin na mangyayari ito hindi ba? Ang importante ay nagawang nating sabihin sa kanila na susugod si Velgamor." Saad ni Lyndon at hinawakan ang kanyang sugat kadahilanan sa nangyari kahapon, dahil kay Velgamor. Alam kong alam ni Goddess Spohia at God Kasphyr na malinis ang intention namin at wala kaming balak saktan ang mga prinsesa.

"Ano ang plano natin? Babalik na ba tayo sa Elemental kingdom?" Tanong ni Jemz at tumingin na lamang sa kalangitan. Nandito kami ngayon sa bench since break ngayon.

Kahit ako nasaktan sa kanilang pagtrato, alam kong mahirap na muli ibalik ang tiwala namin kami mismo na kababata nila ang tumaksil sa kanila.

"Ano? Babalik na tayo? Paano na sila Ayesha?" Sabi naman ni Spencer. Oo sila nga pala, sa loob ng ilang buwan naging mabuti sila sa amin. Akala nga namin masasama ang ugali yun pala naging ganoon lamang sila dahil nabulag sila sa pagmamahal nila kina Raven.

"Kakausapin natin sila." Saad ni Lyndon habang hawak ang sugat sa kanyang tiyan na tila nasasaktan.

"Paano?" Tanong ni Spencer.

"Umamin tayo sa kanila, bago pa maging huli." Saad ni Lyndon at tumingin sa malayo. Bigla ko namang naalala si Claire, si Claire kung titimbangin ko hindi ko maintagi na minahal ko talaga noon si Aqua ngunit dahil mahal niya si Reed ay pinalaya ko na ang aking nararamdaman para sa kanya. Hindi ko naman inaasahan na magugustuhan ko ugali ni Claire, para siyang version ni Aqua ngunit may pagkaclumsy lang. Hindi ko masisisi sarili ko dahil yung puso ko ang malikot at makulit.

"Nandito lang pala kayong apat." Sabi ng isang babae sa likod namin. Hindi na namin kailangan pang lumingon dahil kialala na namin kung sino sila.

Tumayo naman si Lyndon agad-agad at tumingin sa gawi ni Vanessa.

"Uy kayo pala, kanina pa ba kayo diyan?" Tanong ni Lyndon kaya lumingon na lamang ako sa gawi nila. Natatawa talaga ako, ibang iba na talaga ang pananamit nila. Pinahaban nila ang skhirt ng uniform nila at inadjust ang polo nila. Paano ba naman sobrang fit sa katawan nila, hindi ba nila alam na mababastos sila ng lalaki kapag ganoon ang susuotin nila?

"Ah hindi naman. Kadadating lang namin, hinahanap namin kayo. Hindi kayo pumasok ng 1st class." Saad ni Nash. Nasha ang tawag sa kanya ni Jemz kaya Nash na din tawag ko sa kanya.

"Ah okay. Ayesha samahan mo muna ako." Tumingin naman muna sa gawi namin si Spencer mukhang gagalaw na ang isang ito. Aamin na siguro, basta hindi ko ikwekwento kung bakit.

"At bakit? Ano uutusan mo na naman ako?" Sabi ni Ayesha at nakanguso. Natawa na lang kami sa reaction ni Spencer.

"Haist! Hindi halika na nga." Saad ni Spencer, kumindat siya sa amin tatlo at hinila si Ayesha.

"Samahan mo muna ako sa library Vanessa may hahanapin akong story." Saad ni Raven. Tumango naman si Vanessa sa sinabi ni Lyndon.

"Ako din, samahan mo ako." Sabi ko kay Claire at tinignan siya. Umiwas naman siya ng tingin at yumuko. Dahil tila walang planong gumalaw si Claire nilapitan ko na lamang siya at hinila. Mabuti na lang at nagpahila ito, bago ako umalis sa lugar namin tinignan ko muna si Jemz at tumango naman siya.

Bahala na nga ito, bago pa mahuli ang lahat ang importante ay umamin ako, kami sa kanila. Alam namin na hindi kami maaaring magmahal na isang tao ngunit madidiktahan mo ba ang puso mo?

AYESHA POV

Habang hila hila ako ni Spencer hindi ko maiwasan na tignan siya sa kanyang likod. Natawa ako sa sarili ko, hindi ko lubos akalain na malimot ko agad si Zephyr. Dahil sa Spencer na ito, natuto ko siyang mahalin, akala ko nga si Zephyr na lang ang makakapagtibok ng puso ko ngunit nagkamali ako. Ang totoo niyan, hindk ko ginusto na magustuhan si Spencer dahil sa pilyo ito paminsan minsan iba iba ang ugali.

"Napapagod ka na ba sa panliligaw sa akin Ayesha?" Tanong sa akin ni Spencer at tumigil kami sa isang lugar kung saan walang estudyante. Tama kayo ng nabasa, oo ako ang nanliligaw. Gusto ko siya, mahal na mahal. Akala ko kay Zephyr lang ako magiging ganito ngunit naging iba. Siya yung tipo ng lalaki na kaya akong pagalitan at kontrolahin kapag mali ang ginagawa ko.

Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti sabay upo. "Bakit naman ako mapapagod? Mahal ko ang tao."Saad ko na lang. Tumingin naman siya sa akin at tumabi. Desperada ba? Sadyang mahal ko lang talaga ayaw kong may umagaw kay Spencer. Mahal ko kasi kahit minsan hindi ko siya naiintindihan.

"Ayesha, aamin ako sa 'yo." Sabi niya. Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Sabay kuha ng kamay ko

"Mahal din kita." Saad niya sa akin. Tila nabingi ako sa narinig ko. Ano daw?

"A-ano sinabi mo? Pakiulit?" Sabi ko at nilapit ang tenga ko sa mukha niya.

"Sabi ko mahal kita." Sabi niya st ngumitk sa akin. Tinignan ko naman siya at ngumisi ng wagas, sa wakas hindi pala nasayang paghihirap ko.

"So tayo na ba?" Tanong ko na excited. Nawala ang ngiti ko ng umiling siya at tumayo. Bakit?

"Bakit?" Tanong ko na any moment na tutulo na luha ko. Ngunit hindi niya pa din ako pinansim dahil nakatalikod lamang siya sa akin.

"Peste ka! Bwiset! Sana una pa lang sinabi mo na sa akinna wala akong mapapala sa 'yo. Kainis ka---" napatigil ako ng bigla siyang humarap kasabay ng paghila sa akin at hinalikan ako sa labi. Nakapikit niya akong hinalikan kaya naman sumabay ako sa halik niya.

Nang pumikit ako, may nakita akong mga pangyayari, may mga kapangyarihan nandoon si Spencer at nilalaro ang apoy. Apoy? Takot ako sa apoy ngunit bakit ganito?Hindi tao si Spencer?

Pagkatapos niya akong halikan ay hindi niya inalis ang mga kamay niya sa bewang ko sa halip ay nakilagtitigan siya sa akin.

"Mahal kita. Ngunit alam kong nakita mo, kaya hindi pwede. Papayag ka pa din ba? Hindi ka ba natatakot? Takot ka sa apoy di ba? Oo may apoy akong kapangyarihan." Mahabang sabi ni Spencer.

"Oo tanggap kita. Kahit ano ka pa, ang importante mahal kita, mahal mo ako at hindi nasayang ang panliligaw ko sa 'yo." Sabi ko at ngumiti, ngumiti naman si Spencer at bigla itong nawala sabay sabing

"Bakit? Sinagot ba kita?" Saad niya.

"Bakit hindi ba?" Tanong ko at hinihintay ang sasabihin.

"Hindi talaga." Saad niya. Bigla ko naman inalis kamay niya sa bewang ko at tumalikod na ako sa kanya. Letche.

"Hoy, teka. May tatanungin pa ako." Sabi ni Spencer at hinila amg braso ko. Napairap naman akong tumigil at tinignan siya ng masama.

"Anong tingin yan?" Tanong niya.

"Ewan ko sa 'yo." Sabi ko sa kanya. Pigil naman ang kanyang pagtawa dahil sa sinabi ko.

"Ano ba tanong mo?" Sabi ko na lang. Mageemote pa ako tapos siya tinawanan lang ako, kainis.

"Will you be my Girlfriend?" Tanong niya. Napatingin na lang ako sa kanya.

"A-akala ko ba ayaw mo?" Tanong ko.

"Baliw, alangan naman ikaw? Lalaki ako kaya dapat ako. Inunahan mo nga lang ako sa pagligaw kaua hinayaan na lamang kita." Saad niya kaya sinapak ko siya.

"Gago to." Sabi ko sa kanya at bigla niya naman akong hinalikan ngunit smack lang.

"Isang mura is equivalent to one kiss." Sabi niya nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Ang sabihin mo lang gusto mo lang akong halikan. Peste to." Saad ko at bigla niya naman akong hinalikan.

"Aba't ga--" at hinalikan niya na naman ako. Kaya tinakpan ko ang labi ko.

"Ayieh, kilig na yan siya" Sabi niya at tumawa.

"Ewan ko sa 'yo Spencer." Saad ko at nauna na sa paglakad.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon