CHAPTER 22
AIRE POV
Mula dito sa itaas natanaw ko ang paglisan ng kotse ng Zephyr kasama ng pagtangay niya kay Fuego. Tahimik kong pinagmasdan ang mga estudyante mula dito sa itaas ng building. Nandito ako ngayon sa rooftop. Minsan na ako nandito, tuwing mag-isa lang ako. Ang sarap ng hangin mula dito, nakakarelax. Nang may naramdaman akong tao sa likod ko, bago pa niya ako mahawakan ay dali dali kong pinihit ang kamay niya mula sa likod niya. Nagulat ako ng makita kung sino iyon.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Raven. Alam kong nasasaktan siya sa ginagawa ko. Tssskk...mas masasaktan ako kapag hindi ako uniwas sa kanya.
"Dapat ako ang magtatanong sa'yo kung bakit ka nandito?" Sabi niya at ngumisi ng makahulugan. Binitawa ko ang kamay niya at dumistansya.
"Busy ang lahat ng estudyante para sa event natin, tapos ikaw nandito ka lang." Sabi niya at nilagay ang kamay sa bulsa at tumingin sa malayo.
Matangkad si Raven. Malapad ang likod, magandang katawan, matangos ang ilong, mapupulang labi at makinis na balat, isama mo pa ang makapal nitong kilay na nagbibigay dating kung ano ang totoo nitong nararamdaman.
"Wala akong oras." Sabi ko at nagsimula ng tumalikod upang lumisan sa rooftop. Simula pa lang na makilala at nakita ko sila hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Alam kong may pinaplano sila.
"Paalala lang, huwag niyo kaming subukan. Kung ayaw ninyo lumabas ang totoong kami." Sabi ko at lumingon sa kanya na ngayon ay nakatingin na siya sa direction ko.
"Sino ba kayo? Alam ko na hindi kayo ordinaryong tao. Siguro kami lang ata ang nagiisip kung bakit ganyan ang kulay ng mga mata ninyo." Tanong niya at naglakad papalapit sa akin.
"Hindi mo na kailangan pang malaman. Ikamamatay mo kung malalalaman mo. Unless kung ikaw ay siya." Sabi ko at nagsimulang maglakad. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin, hinayaan ko na lang siya. Dahil na sa likod ko siya, ramdam ko na tinititigan niya ako habang naglalakad ako.
"Sino siya?" Tanong niya sa akin. Bakit ba ang daming niyang tanong? Nakakairita.
"Basta."Sabi ko na lang at binilisamn ang paglakad. Hindi naman sa ayaw ko kay Raven. Iba lang talaga ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya. Minsan bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko. Isa akong Prinsesa at hindi ako tagalupa.
RAVEN POV
Mabilis siyang naglakad hanggang sa nawala siya sa paningin ko. Tama mga ako, may tinatago sila. Ano naman kaya iyon. Nalaman niya agad kanina ang pagdating ko.
Tanga mo naman Raven ang dami mong tanong, ngayon sino na ang magiging kapares mo sa Masquerade ball. Sabi ko sa sarili ko. Iba naman talaga ang pakay ko, iyaya ko sana siya maging partner ko sa Ball. Okay na si Aire mukhang hindi naman siya interesado sa akin, kaysa kay Vanessa. Hindi ko talaga siya gusto. Ang dami ko pang mga dapat asikasuhin ngayong araw. Ito ang ayaw ko sa pagiging presidente.
TIERRA POV
Nandito kami ngayon sa hapagkainan at kanina ko pa napapansin tong dalawa na ito, si Aqua at Fuego. Kanina pa tong tahimik at tulala. Simula ng paguwi namin galing sa paaralan. Si Aqua pulang pula ang mukha si Fuego lutang kung tignan.
"Ayos lang ba kayo? Mukhang wala kayo sa sarili?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"A-ah ayos lang." Saad ni Aqua na ngayon ay patapos ng kumain. Ang tahimik nilang dalawa. Si Aire naman ay pasimple akong tinignan at nagkibit balita na halatang wala siyang idea sa nangyayari.
"Sige. Mabuti pa at magpahinga na kayo ng maaga." saad ko.
*Flashback*
Nagsimula na akong lumakad patungo sa hardin. Magpapahinga na lang muna ako. Habang patungo na ako sa hardin, may mga ibong akong nakikita na lumilipad. Hindi talaga akong magsasawa na pabalik balik pupunta dito, ang ganda ng lugar. Tahimik at walang mga tao, may mga tao man pero kunti lang ang mga estudyanteng napapadaan dito.
Humiga ako sa bermuda grass. Ang sarap sa pakiramdam, may malaking puno kung saan maaari mong masilungan mula sa init. Pinikit ko na ang mata ko. Matagal tagal na din kami nandito sa mundo ng mga tao, hanggang ngayon hindi pa namin ala. kung sino ang magkakaroon ng next mission. Mamimiss ba namin ang mundong ito? Ano kaya ang mangyari sa amin kapag matagalan kaming maninirahan dito? May maganda bang maidudulot o masama?
"Lalim ng iniisip natin ah?" Napadilat ako dahil may nagsalita sa tabi ko.
teka nga? Sinusundan ba ako nito? Hindi ko naramdaman presensya niya. Paano niya nagawa iyon. Kaya napabangon ako mula sa pagkahiga at umupo. Umupo din siya para maging magkalevel kami.
"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko. Tumawa naman siya ng mahina at umiling. "Sana nga. Pero hindi ko alam na dito ka din pala tumatambay." Sabi niya at tumingin sa malayo.
"Ah okay. Oo dito ako, sa tuwing gusto ko mapagisa." Sabi ko.
"Tierra. Mag-iingat kayo. Mag-iingat kayo sa mga taong pagtitiwalaan ninyo, kung ayaw ninyong masaktan." sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Anoba tinutukoy niya?
"Anong sabi mo?" Tanong ko, at inayos ang salamin ko sa mukha ko.
"Wala. Ang bingi nito.Ang sabi ko ikaw ang magiging kapares ko sa Masquerade ball." Sabi niya.
Ano bang meron doom sa ball na iyon?Elegante ba ang mga dapat susuotin? Sana naman at palayagan kami ni Eunicena maging kami sa gabing iyon.
"Ano ba ang meron doon sa ball ninyo?" Tanong ko na mas ikinailing niya at tumawa. Tila hindi naniniwala na wala akong alamsa bagay na iyon.
"Haha, grabe ang dami mong hindi alam. Sige magtanong ka langsa akin ha?" Sabi niya at tumawa.
*pout*
"Eh sa hindi ko nga alam eh." sabi ko sa kanya at tinignan ng masama. Umayos naman siya at umubo ubo mukhang pinipigilan ang pagtawa.
"Basta malalaman mo lang din yan kapag nandiyan ka na sa gabing iyan." Sabi niya at tumayo. Hay mabuti naman at masosolo ko na ang lugar na ito.
"Okay." Sabi ko na lang. Nagsimula na siyang lumakad palayo sa akin. "Basta dapat sa gabing iyon, dapat maging si Cinderella ka muna. Magayos ka, dapat ikaw ang pinakamaganda sa gabing iyon." Sabi niya at tumingin siya sa gawi ko, at kumindat pa.
At tuluyan ng umalis.
*snap*snap*
Natauhan ako ng may umagaw ng pansin ko. Si Aqua at Fuego tumawa ng mahina.
"Aba mukhang ikaw ang may problema Tierra." Sabi ni Aire at ngumisi. Mukhang nakikisabag ito sa dalawa. Napakamot na lang ako at pasimpleng tumayo at niligpitang mga kinain namin sabay sabing,
"Magsitigil kayo." Sabi ko at umalis. Narinig ko pa ang pagtawa nila. Napatawa na lang ako sa ginawa nila.
Hmmm...ano kayaang dapat gawin sa festival? Ah titingin na lang ako at mag oobserve, hindi naman ako nakafill up kanina, naubusan na kasi ako ng form ng pagbalik ko.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasi----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...