EPILOGUE
Everythings has its ending hindi nga lang natin matukoy kung kailan eto dadating sa ating buhay. May mga taong dadating upang gawin kang isang totoong ikaw yun nga lang kapag sila ang mawawala sa 'yo ikaw ang mahihirapan muli. Mahihirapan kang bumangon mag-isa at mamimiss mo ang mga alaala na pinagsaluhan ninyong dalawa. Oo may mawawala ngunit laging tandaan na laging may bagong dadating sa ating buhay.
REED POV
"Sir hinahanap na po kayo ni Madam. Kinakailangan niyo na ping umuwi dito sa mansion." Sabi ng butler ko. Urgh... again? I'm enjoying the view right here.
After many days akala ko makakapaghinga na ako kaya nga nandito ako ngayon sa beach to refresh my mind. Ang dami ba namang pinagawa ni Dad sa akin. Lahat ng problema nila sa company sa akin binigay. Mawawala na ang kagwapuhan ko dito.
"Bukas pa ako uuwi." Saad ko at inoff na agad ang phone. I'm not expecting na may tatawag sa akin ngayon kaya gusto ko muna ienjoy ang moment na ito.
Habang nakatingin ako sa mga hampas ng alon may mga alaalang punapasok sa aking. Hindi ko nga alam kung totoo ba o panaginip lang ang lahat ng mga iyon. Tuwing pilit kong alalahin sumasakit lang ang ulo ko. Hindi ko alam pero may babae ngunit hindi ko matandaan kung sino. Basta ang alam ko gusto ko makilala ang babaeng nasa panaginip ko kuna.
Sina Raven at Zephyr ay may kanyang buhay na din. Well ganyan talaga kapag anak mayaman.We graduated last 4 years ago yun nga lang wala na si Chaser kasi kinuha na siya ng mga magulang niya sa amin. Zephyr, siya ang nagmamanage ng company nila at the same time kasama ko maghunting ng mga chika babes pero kahit ganon hinahanap hanap ko pa din ang babaeng iyon kahit di ko namumukhaan.
"Hoy!" Sabi ng isang babae. Hindi ko na tinignan kung sino. Ang ganda kaya ng dagat may naaalala ako kapag tinitignan ko ang mga tubig.
"May nakaupo ba dito sa tabi mo?" Tanong muli ng babae. Umiling lang ako at hindi siya tinignan.
"Mabuti kung zvxbzjs" Sabi ng babae kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano sabi mo?" Tanong ko ngunit hindi niya lang ako pinansin at tumingin na mismo sa mga alon. Hapon na din kasi kaya maganda ang sunset.
Ang ganda ng babaeng katabi ko ngayon para siyang dyosa may kahawig siya hindi ko maalala kung sino. Ngumiti naman siya at napatingin sa akin kaya ngumiti din ako pabalik sa kanya. Ang gaan ng pakiramdam ko sa babaeng ito.
"Matagal tagal na din Reed." Simula ng babae. Kilala niya ako?
"Kilala mo ako?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya naman ako mata sa mata kaya tinignan ko din siya. Nakita kong ngumiti ngunit mapait na ngiti.
"Oo. Ikaw ba kilala mo pa ba ako?" Tanong niya.
"Sa bagay. Kamusta ka pala?" Tanong niya sa akin at ngumiti ng totoo. Ang ganda niya.
"Pasensya na miss. Hindi kita kilala kaya huwag kang umasta na kilala mo ako." Sagot ko sa kanya. Nakita ko naman na nasaktan siya sa sinabi ko. Natahimik naman siya at sumeryoso.
"Pasen---"
"Aqua halika na nga! Kanina pa tayo hinahanap ni Eunice!" Tawag sa kanya ng isang babae kaya napalingon din ako.
"Haist. Eto na naman. Sige mauuna na ako." Sabi ng babae sa akin. Aqua? Aqua? Bakit parang pamilyar ang pangalan niya sa akin.
Tinignan ko ang babaeng nakatalikod sa akin at nakita ko din ang gulat sa mata ng kanyang kaibigan. Nakita ko pa sila nag-usap saglit at tumingin sa gawi ko.
Okay? Anong meron?
RAVEN POV
"Bro? Nasaan na kayo? Nandito na ako. Fuck you talaga." Saad ko habang kinakausap sa kabilang linya sina Zephyr. Tumawa lang sila dalawa ni Reed mga gago talaga.
"Oo na bro nasa gate na." Saad ni Zephyr at inoff ko na ang phone ko.
"Mr.Gray nandito ka na pala. Umupo ka doon sa round table." Sabi sa akin ni Eunice. Alumni kasi namin.
"Good evening Madam." Saad ko. Tinignan ko naman ang table na tinuro niya at nagtataka ako doon niya ba ako papaupuin kasama ang tatlong babaeng iyon.
"Oo doon kayo uupo nila Zephyr. May pag-uusapan tayo." Saad ni Eunice. Nagtataka man pero hinayaan ko na lang at sumunod sa nais niya.
Ang saya naman ni Eunice. Anong meron? Nang papalapit ako sa table saktong tumama ang mata ko sa babaeng nakagray ang gown at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Good evening ladies. Mind if I seat?" Saad ko.
"Sige lang Raven dito ka sa tabi ni Aire." Sabi ng babaeng nakapula ang gown na maganda din. Pansin ko lang kanina pa patingin tingin ang mga tao dito sa mga babaeng katabi ko.
"Sino--"
"Dito." Sabi ng babae na may malamig na boses. Okay? So siya si Aire? Aire? Saan ko ba yan narinig? Familyar kasi.
"Uy bro! Nandito ka lang pala!" Bati sa akin ni Zephyr sabay palo sa braso ko.
"Umupo na kayo Reed at Zephyr." Sabi naman ni Eunice at umupo na sa kanyang upuan.
Nakita ko naman ang gulat sa mata ni Reed ng magtama ang mata nila sa babaeng nakakulay blue ang gown.
"Ikaw?" Saad ni Reed tumango naman ang babaeng nakablue.
Umupo naman kami at mukhang seryoso ang pag-uusapan. Habang ang ibang tao dito ay ineenjoy ang kaganapan ngayon. 4 years ago grumaduate kami sa paaralan ni Eunice.
"Namiss ko kayo. Kayong anim. Matagal tagal na din." Simula ni Eunice. Anim?
"Teka nga, ano bang meron?" Tanong ko.
Tumawa naman si Eunice. Habang itong katabi ko naman ay tahimik lang mukhang nagoobserba sa mga nangyayari.
"Aire, Fuego at Aqua. Sila ang mga babaeng kilala ninyo noon. Nakalimutan ninyo sila dahil inalisan kayo ng memorya. Hindi ko na sasabihin kung ano ang parte nila sa buhay ninyo."
"Raven naalala mo ba si Aire? Syempre hindi. Si Aire ang babaeng mahal mo na pilit mo inaalala. Reed si Aqua siya ang babaeng nagbago sa 'yo dahilan kung bakit hindi ka na playboy. Zephyr si Fuego ang babaeng pinakilala mo noon sa puntod ng ina mo." Paliwanag ni Eunice sa amin. Ano?
Nakakunot naman ang noo nila Reed at Zephyr tila naguguluhan.
"Oras na at ibabalik ko na ang alaala ninyo. Sa ngayon iiwan ko muna kayo." Sabi ni Eunice at tumayo.
Tinignan ko naman ang katabi ko at nakatingin lang siya sa akin. Aire? Sino ba si Aire? Pilit ko inaalala ang nakaraan ko kung sino si Aire. Biglang naging unblured ang babaeng lagi kong napapanaginipan. Aire?
Naalala ko kung paano siya lumaban laban sa isang lalaki at ang mga pangako namin sa isa't isa. Tila nagflash back ang lahat. Ang babaeng matagal ko ng hinahanap ay siya pala?
"Naalala mo na ba ako? Raven?" Tanong niya sa akin.
"Aire." Saad ko at hinawakan ang kamay niya.
"Namiss kita." Saad niya. Hindi ko alam pero namiss ko din ang babaeng ito. Naalala ko na inalisan kami ng memorya dahil hindi sangayon ang mga magulang nila sa amin.
"Paano?" Tanong ko. Niyakap ko naman siya kahit nakapuo kami sa upuan.
"Basta." Saad ni Aire. Tinignan ko siya at hinalikan ko siya sa noo. Matagal tagal din. Tila kahapon lang nangyari ang lahat.
Nang tignan ko ang mga kasama ko parehas lang kami napatingin sa isa't isa at tumawa na lang. Sila lang pala ang babaeng matagal tagal na namin hinahanap at ngayon na sa tabi na namin sila.
Hindi ko akalain na magkakabalikan pa kami muli. Sana nga eto na ang happy ending namin.
May mga bagay na mawawala sa 'yo ngunit hindi ibig sabihin ay nawala ay hindi na babalik. Babalik iyon ngunit sa tamang pagkakataon upang maging maligaya muli tayo.
END
----------------------------------
Date Started:
April 25, 2018
Date Finished:
July 30, 2018
-
---------------------------------
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...
![Elemental Princess [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/146221153-64-k191764.jpg)