CHAPTER 30
RAVEN POV
Naguguluhan ako sa nangyayari. Kanina pagbalik ko sa leisure room namin para icheck si Aire na bigla na lang ako, ng dali dali siyang bumangon at patakbong lumabas sa pintua. Hindi ko na nagawa pa siyang tanungin dahil mukhang may importante siyang pupuntahan. Sinunda ko si Aire at pumunta siya sa paligsahan kung saan naglalaro ang mga kasabak sa race track. Pagdating ko kita ko ang pagpanic ng mge estudyante. Lumapit kami kung nasan naka pwesto sina Chaser. Nakipagtitigan si Tierra kay Aire, umiling naman si Tierra ngunit hindi siya pinansin ni Aire at pumunta siya sa mga railings. Si Aqua naman ay panay lunok ng laway. Kaya hindi ko mapigilan at tinanong sila.
"Anong ba ang nangyari?" Tanong ko. Napatingin naman sa akin si Aqua sabay sabing
"May bomba." Sabi niya at tinignan si na Fuego kasama si Raven na tila nag-aaway pa.
"Paano?" Tanong ko. Aaminin kong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang kaganapan na ito. Dahil hindi ko naman kayang bantayan ang lahat. Hindi ko kontrolado ang pangyayari.
"Ang bike na ginagamit ni Fuego. Doon, nandoon ang bomba." Sabi niya. Tinignan si Aire Ano ang ginagawa niya? Ang ibang estudyante nga ay nagsialisan na tapos siya nandoon sa railings. Ano? Sasaluin niya? Kaya niyamg pigilan? Lalapitan ko na sana si Aire ng pinigilan ako ni Aqua.
"Hayaan mo siya. Ipalabas mo na ang mg ibang estudyanteng nandito." Saad niya. Pinalabas ko na nga ang ibang estudyante at biglang sumabog ang bomba. Ramdam ko ang pagyanig. Dali dali kong tinignan sila Chaser mukhang hindi sila makapaniwala, tinignan ko kung saan sila nakatingin at nakatingin sila sa gawi ni Aire. Pilit na pinipigilan ni Aire na huwag umabot ang apoy sa amin. I-impossible. Tinignan ko si Chaser, hindi kaya si Aire ang---
"Aire!" Sigaw ni Tierra dahil napaupo si Aire sa upuan ng natapos niyang pigilan ang apoy. Dumudugo ang ilong niya.
"Sina Fuego at Zephyr? Hindi sila nakalabas sa pagsabog." Saad ni Reed at lumayo kay Aqua. Nang tignan ko si Aqua nakita kong nasaktan siya sa ginawa ni Reed.
"Okay lang sila. Si Feugo, nandoon si Feugo kaya ligtas sila." Saad ni Aqua at walang buhay ang mata na lumapit kina Tierra at Aire.
Kita naming bitbit ni Zephyr si Fuego na walang malay. Walang galos o sugat si Zephyr. Mukhang walang bomba ang nangyari dahil normal ang itsura niya, wala siyang paso o ano man. Yung mga estudyante naman ay tila hindi makapaniwalasa nangyayari.
"Aqua ikawna bahala. Hypnotize them at alisin ang ala-ala." Sabi ni Tierra.
"Hindi. Huwag mo kaming isali sa pagalis ng mga ala-ala namin." Sabi ni Zephyr. May alam ba ito?
"Paano kung---" pinutol ko ang sasabihin ni Aqua "Walang ibang makakaalam kundi kaming apat lang." Saad ko. Tumango naman si Aqua at may binulong. Naguguluhan man ako pero nabigla ako ng biglang napatigil ang mga estuyante, tinignan ko lang siya at nang nag snap siya ng kanyang daliri natauhan ang mga estudyante tila parang bumalik sa normal.
"Sa akin muna si Fuego. May pag-uusapan pa kami." Sabi ni Zephyr at bitbit niya si Feugo pang bridal style.
"Bro hindi ka ba natata---" pinutol ni Aqua ang sasabihin ni Reed at tinignan ito ng seryoso.
"Wala kayong dapat ikatakot. Princessa kami ng mga apat na elemento." Saad niya. Tama nga ako. Hindi sila ordinaryong tao. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o ma amaze.
TIERRA POV
"Aqua tulungan mo ako kay Aire." Sabi ko na lang. Akmang papatayuin na namin si Aire ng nahilo ito bigla. Siguro napagod ito. Likas na sa amin mga princessa kapag nasobrahan sa paggamit ng kapangyarihan ay madaling mapagod at mahilo.
"Ako na." Saad ni Raven. Kaya ibinigay ko sa kanya si Aire. Hindi naman umangal si Reed sa ginawa ni Raven. Alam kong nasasaktan si Aqua sa ginawa ni Reed. Umalis na kami sa race track at sumunod kay Reed. Kasabay ko si Chaser na kanina pang walang imik. Anong problema nito?
Pumasok kami sa isang kwarto at sa isang kwarto pumasok si Raven at Aire baka ipagpahinga.
"Hindi ko akalain, na may katulad ka bro." Saad ni Reed kay Chaser. Anong katulad? Huh?
"Anong pinagsasabi ninyo?" Saad ko. Nanatiling tahimik si Aqua at nakacross legs. Nakaupo kami ngayon sa couch, lumabas naman si Raven at umupo na din kung nasaan kami.
"Matanong ko nga." sabi ni Chaser at seryoso kaming tinignan ni Aqua. Si Aqua naman ay bored look tinignan si Chaser.
"Aqua hindi ito ang tamang oras." Saad ko sa isip niya. Nakita kong napabuntong hininga siya.
"Na ano?" Tanong ni Aqua. Tumingin naman si Aqua sa gawi ni Reed umiwas naman si Reed ng tingin.
"Alam niyo ba ito?" Saad ni Chaser at tinaas ang kanyang damit at syempre kitang kita ang abs. Ano ba yan, ang ganda naman ng katawan niya.
"Teka?" Saad ni Aqua at tumayo. Lumapit siya sa gawi ni Chaser at napatapik sa bunganga.
"Hindi ba, impossible. Akala namin matagala ka ng patay." Saad ni Aqua. Kaya lumapit naman ako at tinignan kung ano at
"Hindi impossible." Saad ko. Napaatras ako. Paano?
"Alam mo bang nawawalang kapatid ka ni Aire?" Saad ni Aqua at ngumiti ng mapait.
"Matagal ka naming hinanap." Saad ni Aqua at umiwas naman ako ng tingin ng tignan niya ako.
"Paano?" Saad niya. Hindi pa siya na kuntento dahil pumasok siya kung saan ngayon si Aire kaya sinundan namin siya.
"Meron din ba siyang mark?" Saad niya. Tumango na lang ako. Matagal ng nangungulila sa kanyang kapatid. Nandito lang palasa mundo ng mga tao. Kahit wala na si Haring Aero nandito naman ang kanyang kapatid. Tiyak na magiging masaya si Aire sa malalaman niyang balita.
"Eto ang mark niya." Pinakita ni Aqua ang mark ni Aire sa sa kanyang rip bone sa taas ng tiyan. Mabuti na lang at mahimbig ang tulog ni Aire kundi lagot kami nito.
Hindi naka imik si Chaser. Kita ko sa mata niya na gusto niyang mayakap ang kanyang kapatid. Masaya ako sa kanilang dalawa. Ang isang anak nila Haring Aero at Reynang Arianna ay nandito lang pala sa mundo ng mga tao. Sana, sana nga maalala ni Chaser ang kaganapan noon.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...