CHAPTER 12

4.5K 230 2
                                    

CHAPTER 12

ZEPHYR POV

Maaga akong nagising dahil sa naalimpungatan ako, ewan ko ba pero hindi ako nakatulog ng maigi kagabi. Bumangon na ako mula sa pagkahiga ko, at bitbit ang tuwalya ko pumasok ako sa banyo.

Mainit ang katawan ko, pero hindi naman masakit ang ulo ko. Hindi ko maintindihan sarili ko ngayon. Pagkatapos ko maligo, sinuot ko na ang uniform sa paaralan namin. Tiyak baka gising na din ngayon si Chaser nagluluto ng agahan.

Pagbaba ko ng hagdan, nakaramdam ako ng paghihilo. Kaya napakapit ako ng maigi sa hawakan.

"Bro, okay ka lang ba?" saad ni Reed. Sa likod ko. Ang aga naman nila lahat nagising. Nang tumingin ako sa harap. Si  Raven na nakaupo habang umiinom ng kape, si Chaser na busy sa pagluluto para sa agahan namin.

"Ah ayos lang. Ewan ko mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon." Saad ko at bumaba na at tumungo sa lugar ko.

"Baka masakit lang katawan mo, dahil nakipagbakbakan ka kagabi." Saad ni Reed at nagsmirk sa akin. Loko to.

"Any informations Raven tungkol sa mga nerds na iyon?" Tanong ni Chaser kay Raven habang si Raven busy sa pagbababasa. Simula ng sumabay kami sa mga nerd, ewan ko lang pero magaan ang loob ko sa kanila. Ramdam ko parang hindi sila basta ordinaryong nerd lamang.

"Yeah, I just found out na yung babaeng sumundo sa kanilang last time ay ang guardian nila. Iisang bahay lang sila nakatira, and weird is hindi sila mayaman. I mean yung bahay nila hindi malaki, paano nila nababayaran ang tuition sa paaralan natin. Mataas ang standards ng school natin." Saad ni Raven at ibinaba ang libro niya. Nagsitinginan lang kaming apat.

"It's weird. Sinunod ko pa sila kahapon nung pauwi na sila then biglang nawala ang sasakyan nila." Saad din ni Chaser. Hindi naman sila mga mangkukulam, or engkanto di ba? Tumaas ang balahibo ko sa iniisip ko.

"They are interesting. Ano Zeph may plano ka pa bang patalsikin sila sa paaralan?" Saad ni Reed at ikinatingin nila Raven sa akin at kumunot ang mga noo nila.

"Wala. Wala akong plano, depende." Saad ko na lang.

Totoo nga ang sabi nila na weird ang nerd. si Aire sa sobrang talino na lamangan niya si Raven. Madami silang sikreto hindi ko lang alam kung ano, pero ramdam ko.

Pagkatapos naming kumain ng agahan ay napagdesisyonan na namin na pumasok sa paaralan. Maaga kasi dapa nandoon na si Raven, SSG kasi. Busy masyado si Raven. At saka absent kami kahapon kaya kailangang pumansok ngayon. Si Chaser ang nagmamaneho sa amin, hindi sa wala kaming sasakyan kundi para sabay sabay na kaming apat. Matagal na kaming magkakaibigan simulat sapul pa lang. Magkakaibigan ang mga magulang namin. Business man and woman, masyado silang busy sa kanilang negosyo kaya napagdesisyunan namin apat na magsasabay kami sa iisang bahay para hindi kamo ma bored.

Pagkapasok pa lang namin ng gate. Hindi maiwasan na pagtitinginan kami ng babae. Modelo din kami ng mga iba't ibang producer. May mga babae na nagsisigawan sa labas, napailing na lang ako. Masisira na naman eardrums ko nito. Araw-araw eto ang unang bumubungad sa akin sa paaralang ito.

"Ang gwapo ko talaga, Hi girls." Sabi ni Reed. Ang hangin masyado ng isang to. Cassanova kasi, pero ibahin niyo ako hindi ako cassanova, basagulero lang.

Nang pinark na ni Chaser ang kotse, as usual sinuot ko na ang earphone ko peor walang sound para hindi ko makausap ang mga babae na nasa labas. Bago bumaba tinignan ko muna si Raven sa shotgun seat natawa na lang ako itsura niya, nakakunot ang noo at umiiling iling. Eto ang ayaw niya araw-araw ang maingay, wel wala siyang choice dahil isa din siya sa dahilan kung bakit nagsisigawan ang mga babae.

Bumaba na ako, si Reed at Chaser na ikinatili pa ng mga babae. Hindi ba nasisira leeg nila sa kakasigaw? Nang bumaba si Raven gamit ang eyeglas niya mas ikinawala ni Raven na patingin na lang kami sa kanya, wala siya sa mood.

"Bro, natalbugan tayo ni Raven sa kagwapuhan." Saad ni Reed sa akin. "Ikaw lang bro." Saad ko naman at nauna ng lumakad.

"kkyyyaaahhh! Zephyr please be my boyfriend!"

"Ang hot mo Reed, akin ka na lang!"

"Ang cute mo Chaser, be mine baby"

"Raven ang gwapo mo, payakap kyaahh!"

Yan ang mga naririnig namin at mga iba't ibang papuri galing sa mga babae, ang mga lalaki dito, ay etchapwera dahil hindi sila pinapansin ng mga babae.

REED POV

Habang busy ako sa pagpapacute ng mga babae dito, nabigla ako ng may bumangga kay Chaser mula sa likod. Mga nerds pero bakit tatlo lang sila? Nasaan ang isa?

"Can't you see na may taong nauna saiyo?" Saad ni Zephyr tinignan lang siya ni Aqua si Aire naman ay blanko ang ekspresyon at si Tierra naman ay nauna ng lumakad. Kaninang puros tili ang naririnig ngayon ay parang may dumaan na anghel dahil walang kahit ni isa ang gumawa ng ingay tila hinihintay kung ano ang sasagutin ng dalawang nerds.

Hinawakan ni Aire ang wrist ni Aqua at umalis sa harapan ni Zephyr. Wow, hindi man lang pinansin ang tanong ni Zephyr. May problema ba sila? Nakakapagtaka, mukhang wala sila sa kanilang mga sarili.

ZEPHYR POV

Aba't bastos na mga nerds, dinaanan lang nila ako. Wala pang nakakagawa sa akin ng ganun, maliban sa Fuego na iyon. Speaking of Fuego, bakit wala siya? Hindi sa hinahanap ko siya nakakanibago lang, kasi kulang sila.

"Ano papa Zeph reresbakan na ba namin ang mga bobita na iyon?" Malanding sabi ng bakla. Nasusuka ako sa itsura niya kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at nauna na sa kanila. Ang weird. Wala siya, pipikunin ko pa naman sana ang apoy na iyon.

CHASER POV

Kulang sila ng isa. Nasaan si Fuego, at saka bakit nagmamadaling lumakad palayo si Tierra. Si Aire naman blank ekspresyon lang, si Aqua naman ng titigan ko mukhang galing sa pagiyak. May nangyari bang hindi maganda?

Nang pumasok kami sa room, tinignan ko agad ang mga nerds. Si Aire us usual nakatingin sa labas, si Aqua nakayuko lang at matamlay si Tierra tumingin lang sa kawalan mukhang lumilipad ang isip. Bakante ang silya sa gitna nila Aire ar Aqua, anong nangyari kay Fuego.

"Good morning students." Bati sa aminng guro namin sa subject naming ito ngayong umaga.

"Ms. Diamond, Ms. Crystal and Ms. Amethyst tinatawag kayo ng head ng paaralang ito. Excuse muna kayong araw na ito sa lahat ng subject." Sabi ng gurp namin at ngumiti sa kanila, hindi ngiting plastic kundi totoong ngiti.

Tumingin lang sa kanila ang mga kaklase namin, unang tumayo si Aire sumunod si Aqua at si Tierra. Yumuko naman si Tierra sa guro namin at umalis.

Ano ba ang nangyari ang tamlay nila. Tinigna  ko ang mga kasama ko, alam kong naguguluhan lang sila.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon