CHAPTER 40
THIRD POV
Busy ang lahat sa paghahanda para sa kanilang Masquerade ball para sa kinabukasan, habang ang ibang estudyante naman ay busy sa mga sinalihan nilang mga sports.
"Sasali pa ba tayo sa sa Ball na yan?" Tanong ni Fuego. Hindi ito ang hilig ni Fuego simula bata pa lang, mas bet niya kasi amg adventures.
"Sasali." Sabi ni Aire, napatingin naman sina Tierra, Aqua at Fuego. Tila hindi makapaniwala na sasali si Aire. Ayaw kasi ni Aire ng attention.
"May hindi ka bang sinasabi sa amin?" Tanong ni Feugo at nagsmirk. Umiwas naman ng tingin si Aire at naunang lumakad sa kanila. Nakangiting umiling na lamang si Aire. Mukha ngang may iprovement sa kanilang dalawa ni Raven.
Habang naglalakad ang apat na princessa da loob ng campus, hindi maiiwasan na pagtinginan sila ng mga estudyante, tila nakakaawagaw sila mg attention kahit simpleng lakad lang ang ginawa nila.
"Bro ang gaganda nilang apat."
"Sabi ko sainyo na maganda ang mga nerds na yan."
"Gusto ko beauty ni Tierra, simple lang at mahinhin."
"Si Aqua ang sexy niya sa damit niya."
"Mas bet ko si Fuego ang astig niyang tignan kaya."
"Kkyyaahh, Aire ang cold mo, di bale bagay naman sayo."
Mga puri na lamang ang mga naririnig nila. Sina Raven naman ay may pinagkakaabalahan kaya hindi nila alam na pumasok na ang apat sa paaralan.
"Feeling ninyo kayo na ang reyna?" Sabat ni Vanessa ng nagtapuan ang grupo nila. Tinignan lamang siya ng mga prinsesa mas lalo siyang nainis ng bored siyang tignan ni Aire. Kaya nagbigay ito hudyat sa kanya na hilahin amg buhok ni Aire, at nakipagsabayan naman din ang kanyang mga kasamahan.
Sigawan at kanya kanyang cheer. Walang pumipigil sa kanilng walo. Panay kalmot at tadyak ang natanggap ng mga prinsesa dahil hindi sila maaaring lumaban, kahit labas man sa ilong nila ang pagpigil ay hinayaan na lamang nila nang may dumating na apat na lalaki din.
"Tumigil nga kayo." Sabi ng lalaki at kanya kanya silang hila sa mga prinsesa.
"Sila ang nagsimula!" Saad ni Ayesha at itinuro si Fuego. Masamang titig naman ang natanggap niya kay Fuego kaya mukhang natakot siya dahil tila nag-aapoy ang mata nito sa galit.
"Tumigil na kayo." Saad ng isa. Umalis naman sina Vanessa at ngumit ng makahulugan. Napatingin naman ang mga prinsesa sa apat na tumulong sa kanila at nagulat sila sa nakita nila.
"Lyndon!" Saad ni Aire, at niyakap si Lyndon. Napasinghap naman amg estudyante sa inakto ni Aire tila eto ang unang beses nakita nilang ganung side ni Aire.
"Hahaha, wala ka pa ding pagbabago. Halina alis na tayo dito. Baka pag-uusapan pa tayo." Sabi ni Lyndon.
Masaya ang mga prinsesa dahil sa nakita at makakasam nila ang kanilang mga kababata. May mga estudyanteng napapabulong na lang
"Bagay sila. Mukha silang diyos at diyosa."
"Hindi mas bet ko pa din sina Raven. Gwapo sila at astig."
"Ang ganda ng mga kutis nila."
Napailing na lang si Aqua sa narinig niya si Fuego naman ay panay daldal sa kababata niyang si Spencer, ramdam mo talaga ang pananabik ng mga prinsesa dahil sa kanilang mga kababata.
Habag sa kabila naman. Kakadating lang nila Raven sa paaralan ng may mga bulung bulungan silang naririnig, na may bagong saltang dumating at kasama ngayon ng apat na nerds.
"Tumahimik nga kayo. Ang aga-aga ang iingay ninyo!" Sabi ni Zephyr. Uminit ang ulo niya dahil sa mga naririnig niya. Possible kayang nagseselos siya?
Nang nakasalubong nila sina Vanessa. Ngumiti sa kanila ang apat na babae, akmang yayakapin ni Vanessa si Raven ng umiwas ito. Kaya napahiya siya. May mga estudyanteng natawa dahil sa dinedma lang siya ni Raven. Desperada na kung desperada. Yan ang nasa isip ni Vanessa. Dahil sa inis niya,
"Hinahanap niyo ba ang apat na babaeng iyon?" Tanong niya. Napatingin naman sa kanya si Raven tila gusto marinig kung ano ang sasabihin ni Vanessa.
"Well, unfortunately may kasama silang mga lalaki. Yung mga bagong salta." Saad niya at hinahawakan ang sugat niya dahil sa away kanina. Napatingin naman siya sa apat na lalaki at mukhang umiba ang ihip ng hangin
"Inaway pa nga nila kami." Saad ni Ayesha.
"Sinabutan at sinugatan kami." Saad ni Claire. Habang tahimik naman si Natasha, dahil sa isip niya kasalanan din nila kung bakit nila natamo iyon.
Hindi sila pinansin ng apat na lalakinat umalis lamang ito ng walang pasabi. Uminit ang dugo ni Vanessa dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya talaga makuha amg attention ni Raven.
Ngumisi naman siya na tila may pinaplano.
"Huwag kayong mag-alala bukas din magiging famous kayong apat sa paaralan na ito, at sa social media." Sabi niya.
Habang naglalakad ang apat, hinahanap nila ang mga prinsesa. Hindi nila alam kung saan nila ilugar ang sarili nila. Hinanap nila ito sa room nila walang bakas ng mga prinsesa na nandoon sila kaya napagdesisyunan nilang baka nasa garden lang.
Sa isip pa ni Zephyr
"Subukan niyang palitan ako."
Si Reed naman
"Walang makakahawa sa Aqua ko."
Ganyan sila ka possesive. Habang sina Raven at Chaser naman ay nanatiling kalma. Mukha talaga silang magkapatid dahil sa kanilang ugali, halos sabay na kasi lumaki ang dalawa kaya hindi na sila nagtaka pa.
Nang dumating sila sa hardin hindi nga sila nagkamali nandoon ang apat kasama din ang apat na lalaki, na bago sa kanilang mga paningin.
Nanigas si Raven sa nakita ng nakita niyang tumatawa si Aire kasama ang lalaki at nakarest pa ang ulo nito sa balikat. Tila naiinis siya
Si Chaser naman at bored tinignan sina Tierra at ang lalaki, pero hindi pa din maikait na nagseselos siya.
Si Zephyr naman ay napakumo na lang ng kamao niya dahil sa inis at galit.
Si Reed naman ay ngumisi ng makahulugan, na tila nadisymaya sa nakikita niya. Si Aqua na kahawak mag kamay ng lalaki.
Sa halip na lapitan nila ang mga prinsesa ay umalis na lamag sila. Lumayo sila dahil ayaw nilang makadisturbo. Ngunit iisa lang ang laman sa isip ng apat
"Bahala na sila. Mukhang masaya naman sila sa piling ng mga lalaking iyon. Edi hayaan." At may galit sa puso. Mas lalo na si Raven. Ayaw niya mang aminin pero halata namang mahal niya na si Aire, pero dahil sa nakita niya hindi niya na alam kung tama nga ba ang ginawa niya o umasa lang siya sa wala.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
خيال (فانتازيا)----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...