CHAPTER 61
TIERRA POV
"Yaaaahhh!!" Sigaw ni Aqua sa akin habang hawak ang kanyang sandata na espada. Akmang malapit niya na akong tamaan ng bigla akong umilag. Napangisi na lang ako ng di niya ako natamaan.
"Ano ba naman Aqua ayusin mo din. Paano natin matatalo ang kalaban natin?" Tanong ko sa kanya at ako na naman ang susugod sa kanya buti nalang at nailagan niya ang espada ko.
Tinatanong niyo ba kung ano ang ginagawa namin? Nag-eensayo kami. Nag-eensayo para sa nalalapit na labanan. Sina Fuego at Zephyr naman ay hindi ko alam kasi kanina pa sila umalis. Hindi na ata iuuwi ni Zephyr si Fuego. Hahahaha.
"Girls magpahinga na muna kayo. Eto o meryenda." Napatingin naman kami sa dumating at si Eunice iyon na may dala dalang plastic bag. Tinulungan naman siya nila Raven at Chaser sa pagbitbit.
Naging maayos din si Eunice, akala nga namin habang buhay na siyang iiyak at sisisihin ang sarili sa pagkawala ni Aire, mabuti na lang at natauhan ng kausapin ni Chaser. Si Reyna Arianna alam niya na ang nangyari sa kanyang anak na babae, alam kong masakit sa isang ina ang mawalan ng isang anak. Wala kaming magagawa dahil yun ang mission ni Aire, hindi kasi namin kayang diktahan ang libro kung iyon ang nakasulat kaya kung ano ang lumabas sa libro ng prophesiya ay mangyayari talaga. Tulad na lang ng mission ko, nakakapagtaka nga na wala akong mission. Tatlong araw ang lumipas simula ng pagkawala ni Aire ay umilaw ang kwintas ko ng kasama ko si Chaser, sabi naman ni Eunice sa amin ay maswerte ako dahil hindi ko na maranasan ang pagsubok, ngunit yan ang ipinagtaka ko kung bakit.
"Nasaan nga pala si Feugo?" Tanong ni Nice at umupo. Nilapag naman namin ni Aqua ang sandata na hawak namin, mabigat din kaya.
"Naku Eunice kanina pa nga silang umalis after sa exam. Hindi ko alam na gagabihan sila." Saad ni Aqua at kumuha ng tubig at ininom ito.
"Talaga ang dalawang iyon." Sabi na lang ni Eunice at ngumiti. Tinignan ko si Raven, maayos naman si Raven sa pag-eensayo nakakaya niya ng kontrolin ang kapangyarihan niya kaya hindi nahihirapan si Chaser sa pagturo.
"Hoy Girlfriend, eto oh." Sabi ni Reed at tinapunan ng towel si Aqua sa mukha kaya naman tinignan niya ng masama si Reed. Natawa na lang kami sa dalawa, mga isip bata talaga.
Mabuti na lang at tanggap na namin ang pagkawala ni Aire. Si Raven na lang ata ang hindi pa nakalimot. Masakit naman kasi, ngunit wala kaming magagawa kung ganun talaga ang mission ni Aire.
"Kalma ka nga lang Apoy." Napatingin kami sa bagong dating. Si Zephyr at Fuego pala. Anong nangyari? Parang mainit ang ulo ni Fuego.
"Oh ano na?" Salubong ni Aqua kay Fuego na badtrip kung makatingin, mukha nga talagang wala sa mood.
"Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanila o magpapasalamat." Nasabi na lang ni Feugo at umupo. Napatingin naman kami lahat kay Fuego habang inaalo siya ni Zephyr.
"Sinong sila?" Tanong naman ni Raven na hawak ang mineral bottle at seryosong nakatitig kay Fuego.
"Sila Lyndon." Nasabi na lang ni Fuego. Si Zephyr naman ay pinapakalma si Feugo. Mabuti na lang at napapakalma ni Zephyr si Feugo, believe din ako sa dalawang ito.
"Oh ano naman sila?" Tanong ko din. Naramdaman kong tumabi sa akin sa pag-upo si Chaser kaya tumingin ako sa kanya, ngumiti naman siya sa akin kaya tumango ako sa kanya na may kasamang ngiti.
"Sila ang magsasabi sa inyo." Nasabi na lang ni Zephyr sa amin. Lahat kami ay nakatingin sa kanila tila naguguluhan at nagtatanong.
"Okay sige. Guys, magpahinga na kayo ng maaga okay? Pupunta pa ako sa elemental world." Saad ni Eunice at tumayo habang uminat inat pa. Kapagod din siguro ang trabaho niya, mabuti na lang at may kakambal siya na laging nandiyan sa tabi niya.
"Fuego at Zephyr kayong dalawa..." Sabi ni Eunice at tinuro sila. Tinignan lang siya ni Fuego na nakacross arm kaya si Zephyr na lang ang sumagot
"Yes?" Tanong ni Zephyr.
"Papalampasin ko ang pag-uwi ninyo ng gabi. Di na dapat ito mauulit, alright?" Sabi ni Eunice sa kanila. Tumango naman si Fuego at tumayo.
"Fine." Saad ni Fuego.
"Sige mauuna na ako. Boys umuwi na kayo ng maaga after niyo dito. Paalam na." Saad ni Eunice at sa isnag iglap bigla lang siya nawala sa harapan namin.
"Basta eto lang ang masasabi ko sa inyo, kababata pa din natin sila. Kahit na ganun ang ginawa nila." Saad sa amin ni Fuego. Ano ba tinutukoy nila? Niya? Tumingin ako kay Zephyt tiyak na may alam ito ngunit umiling lang siya at nag zip ng lips senyales na hindi siya magsasabi.
"Okay?" Sabi ni Aqua.
Pagkatapos namin magusap-usap ay niligpit ko na ang pinagkainan namin, magluluto pa ako.
"Tulungan na kita." Saad ni Chaser na nasa gilid ko lang pala. Nandoon ang lima sa sala tumitingin ng tv ngunit apat lang ang nakikita ko mukha yatang lumabas si Raven.
"Ah sige." Sabi ko at binigay sa kanya ang ginamit namin kanina.
"Grabe, kapagod ang araw na ito." Sabi niya kaya napatingin na lang ako sa kanya at umiling iling.
"Talaga? Saan banda?" Tanong ko. Mabuti na lang at matino ko ng nakakausap ang isang ito.
"Lahat." Sabi niya. Tumawa na lang ako ng mahina. Lahat naman kasi nakakapagod, walang araw na hindi ka mapapagod dahil buhay ka pa.
"Na miss kitang kausap na ganito Acer." Sabi ko na lang, ngumiti naman siya sa akin at tinabihan ako sa paghuhugas ng pinggan.
"Naman, na miss mo ko? Hahaha." Sabi niya kaya umirap na lang ako sa narinig ko. Ayaw ata maniwala sa akin eh.
"Hindi na pala kita namiss." Sabi ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang oag-alis niya sa tabi ko.
Ay? Nagalit? Hahaha bahala na siya. Nagbibiro lang naman.
"Na miss din naman kita eh." Sabi ni Chaser sa akin kaya naman napangiti na lang ako sa narinig. Nasa likod pala siya nakatayo. Naramdaman kong niyakap niya ang bewang ko at inilagay ang baba sa balikat ko.
"Yun naman pala eh. Teka nga umalis ka diyan hindi ako nakakapaghugas ng maayos." Sabi ko sa kanya. Totoo naman eh, nakakakiliti kaya ang hininga niya nasa leeg ko.
"O.A nito. Hayaan mo na lang ako." Sabi niya. Napangiti na lang ako sa ginawa niya. May pagkasweet din pala ang isang ito, pasalamat talaga siya at mahal ko siya. May alam ako at alam kong si Chaser ay nakatadhana talaga sa akin. Bata pa lang kami alam ko na ang bagay na iyon kaya nga ng nalaman kong nawala si Chaser noon ay bigla akong nanghina, mabuti na lang at nandito siya sa mundo ng mga tao at nasa mabuting kamay pa.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasia----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...