CHAPTER 36
REED POV
Umalis kami ng bahay nila Eunice ay tulog pa din si Aqua. Hindi pa din siya nagigising, oo nag-aalala ako. Si Zephyr kanina pa ito pa ngiti ngiti mukhang baliw. Ewan ko ba kung anong nangyadi dito, hindi na din laging mainitin ang ulo nito, parang kada minuto ay laging nakangiti, kulang na lang mapagkamalang baliw.
Nasa sasakyan kami ngayon, at si Chasee ang nagmamaneho. Nagtataka ba kayo bakit namin kaibigan si Chaser? Bata pa lang kaming tatlo nina Raven, Zephyr ng may matagpuan kaming batabsa isang gubat. Hindi nga namin alam kung ano ang ginawa ni Chaser doon, tas ayun nalaman ng mga parents namin na may batang naiwan sa gubat. Tumawa pa nga ako ng malakas kasi ang weird ng damit ni Chaser, kasi naman hindi naman Hollewon that time. Sa totoo lang ang umampon kay Chaser ay ang maulang nila Raven kaya parang magkapatid silang dalawa. Ano pa ba ang dapat ninyong malaman readers?
Ay oo nga pala, hindi naman sa natakot ako sa mg princessa ng nalaman kong may hidden powera sila. Sa totoo lang napamangha ako, kasi sila yung tipo ng tao na kahit kailan at ilang beses silang inaway sa school namin ay nagawa nilang kontrolin ang kanilang kapangyarihan lalo na si Aire.
"Hoy Zephyr, nahulog ka na kay Fuego nu?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya ng makahulugan ako naman ay umiling lang, habang si Chaser ay nakatingin lang sa rear mirror at tumawa ng mahina. Si Raven ayun tahimik.
Sa apat na Princessa mas be ko si Aire. Yung tipong unang tingin mo pa lang hindi mo alam kung ano ang gagawin ko. Kasi iba siya sa apat, malakas ang appeal ni Aire, pero feeling ko si Raven mas bet niya si Aire kaya pinagbigyan ko na. Gwapo naman ako eh. De joke, ngayon na lang kasi muli si Raven nag entertain ng babae kasi nung nanghiwalay sila ng gf niya bigla siya nagbago.
"Anong plano mo sa kanila Raven?" Tanong ni Zephyr at hindi man lang sinagot ang tanong ko.
"Hindi na muna sila lalaro. Kasi tuwing lalaro sila, sina Vanessa ay naghahanap ng paraan para maging magkatunggalian sila, lalo na't ngayon alam na natin kung ano ang apat na princessa na iyon." sabi ni Raven. Tamango naman si Zephyr,
"Oky na din yun. Para sa mission sila magfocus. Dalawa na lang ang natitira. Sino kaya ang susunod sa kanila?" Tanong ko. Lahat naman sila ay natahimik sa tanong ko. Kahit ako, wala akong masabi kung anong mission ang meron sila. Nakakasakit nga sa ulo ang lahat ng nalaman ko eh.
ZEPHYR POV
Simula ng kinausap ako ni Fuego, doon ko nakilala ang totoong Fuego. Ang ganda ni Fuego kapag sa totoo niya siyang anyo. Sinabihan niya kung ano at sino siya, kung ano ang mga kaya niya. Kaya naman pala mainitin ang ulo kasi Fire Princess pala siya.
Sinabi niya sa akin na armor niya ako. Kahit naguguluhan man pumayag ako. Sabi niya na dapat babantayan namin ang isa't isa sa oras na ibibigay niya sa akin ang kwintas na meron siya. Umiilaw kasi talaga, tinanong ko siya kung bakit umiilaw ang kwintas niya, ang sagot niya ay ako daw ang armor niya. Kaya ayun sa madaling salita official armor niya ako, ang saya nga eh kahit san ako pupunta kasama ko siya. Bwahahaha.
"Hoy Zephyr mukha ka ng baliw!" Sabi ni Reed. Kanina pa ako nito binabantayan ah? Nandito na pala kami sa bahay naming apat. Ngumisi naman ako kay Reed, ano ba problema nito? Ah alam ko na para tuhamik na ito
"Eh ikaw bakit mo ko pinapakealaman? Huwag ka mag-aalala magigising din si Aqua." Sabi ko. Tumahimik naman siya, ayown. Dinial pa itong cassanova ito.
"Bro, kung mahal mo ang isang tao. Umayos ka na, tigilan mo na ang pagbabae. Tulad ko oh?" Sabi ko at tinuro ang sarili ko. Napailing naman siya sabay sabing
"Gago ito. Sinong nagsabing mahal ko si Aqua?" Sabi niya at tumayl sa inuupuan niya.Nasa couch kaming apat nakaupo. Si Raven as usual nagbabasa ng libro habang si Chaser ay tumitingin ng basketball na paminsan minsan ay sumasabat sa usapan.
"Huwag ka pre kilala kita." Sabi oo at tumawa. Ewan ko ba, basta ang saya ko lang.
"Eto lang ang masasabi ko sa inyo. Kung minahal niyo ang isa sa mga princessa make sure na totoo iyan, walang halong biro dahil sila ang mahihirapan kapag ganon. Kaya habang maaga pa at hindi pa kayo totoong nahulog sa kanila mas mabuti pang tigilan niyo yang kagaguhan niyo ha? Maaaei nila iyong ikawala at sagabal sa plano nila." Sabat ni Chaser. Napatigil naman si Reed sa pag alis at umupo muli. Interesado ang gago?
"Maaari bang magkatuluyan ang tao at Princessa?" Tanong ni Reed. Napatawa ako sa tanong niya, mga hindi pala ah.
"Hindi ko alam ang bagay na iyan." Tanong ni Chaser a inoff ang tv, si Raven naman ay mukhang napukaw ng attention niya ang tanong ni Reed.
"Paano sila mawawala? Kapag ba nagmahal sila sa isang tao?" Tanong ni Raven. Umiling naman si Chaser sa sagot ni Raven
"No, yun ay kapag hindi niyo sila magawnag saluin. Hindi ko alam. Basta." Saad ni Chaser at tumayo sabay inat ng katawan.
"Bro ano na itawag namin sayo?" Tanong ni Reed. Ngumiti naman si Chaser at tinignan kami
"Tawagin niyo lang ako sa kinagisnan ninyo. Ako pa din naman ito, at saka si Baby Ai---" hindi natapos ang sabihin ni Chaser ng tumayo si Raven sabay sabing
"Magpapahinga na ako. Hindi na ako kakain Ace." Sabi niya at umalis na. Napatawa naman ng mahina si Reed.
"Kunti na lang talaga, masasabi ko ng may mahal ng iba si Raven." Sabi ko. Si Chaser naman ay napahawa sa baba niya at ngumiti.
"Hindi natin masabi." Sabi ni Chaser. Kasi naman sa tuwing sinasabi ni Chaser kung paano niya tinatawag si Aire minsan nahuhuli ko siyang masama kung makatingin. Indinial pa lolo ninyo.
"Kayo kakain ba kayo? Magluluto na ako." Sabi ni Chaser tumayo naman akl sabay sabing
"Hindi na. Magpapahinga na ako." Kapagod itong araw na ito
"Ako rin Chaser. Salamat na din." Saad ni Reed.
Tumango naman si Chaser at ngumiti. Pangiti ngiti sila ah? Ang saya nila. Ano bang meron ngayon? Para bang iba itomg araw na ito sa ibang araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/146221153-288-k191764.jpg)
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasia----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...