CHAPTER 62
AQUA POV
Pagkatapos namin man ensayo kahapon ay nagusap-usap lang kami. Naging maayos na ang lahat kahit paminsan minsan nakakamiss pa din si Aire. Di bale alam kong ayaw ni Aire na makita kaming malungkot kaya dapat happy pa din.
"Tapos na ba kayo diyan? Ihahatid ko na kayo, pupunta din kasi ako ng university." Saad sa amin ni Eunice na nakaupo ngayon sa table at nagkakape habang may hawak na newspaper. Minsan si Eunice pasulpot-sulpot lang sa isang tabi parang kabute kaya nasanay na lang din kami.
"I'm done. Si Fuego?" Tanong ko sa kanila at pababana din ng hagdan napatingin naman sila sa gawi namin.
"Nandito na ako." Saad naman ni Fuego na nasa likod ko at ngumisi sa akin.
"Ano ba Fuego huwag mo ngang sirain buhok ko kakaayos ko lang nito. Alisin mo kamay mo dali." Sabi ko sa kanya. Pinatong ba naman niya ang kamay biya sa ulo at hinawakan.
"O.A naman nito. Huwag ka mag-alala mamahalin ka pa din ni Reed." Saad ni Feugo na ikinapula ko. Bumaba naman siya at umupo sa lamesa. Kagabi mainit ang ulo nito, ngayon nasa mood na. Well, apoy nga naman laging mainitin ang ulo.
"Nga pala Eunice anong balita sa elemental world?" Tanong ni Tierra kay Eunice. Nang makalapit na din ako sa table ay umupo na din ako mukhang naging seryoso kasi ang mukha ni Eunice ng tinanong ni Tierra ang patungkol sa elemetal world.
"Hmmm... maayos naman ang elemental world. Wala namang nangyari ngunit nalaman nila ang pagkawala ng aire princess..." saad ni Eunice. Maski naman ako ay napa-isip sa sinabi ni Eunice.
"Tanggap na ng iba ang pagkawala ng prinsesa ngunit si Rynang Arianna ay nanatiling naglukuksa sa pagkawala ni Aire. Hindi ko siya naka-usap kagabi dagil nakakulong lamang siya sa kanyang silid. Ang tanging naka-usap ko lang ay ang mga magulang ninyo." Saad ni Eunice at muli ay naramdaman ko ang lungkot naming apat. Kahit ako, kung malaman ko kung ang anak ko ay hindi nagwagi sa isang bagay syempre malukungkot ako. Alam kong masakit iyon kay Reynang Arianna bilang inah.
"Hindi mo ba nasabi sa kanila na buhay ang lalaking anak ni Reynang Arianna?" Tanong naman ni Feugo. Oo nga pala. Si Chaser/Acer.
"Hindi ko sasabihin. Mas mabuting si Acer mismo ang kakausap kay Reynang Arianna." Siguro halong lungkot at saya ang mararamdaman ni Reynang Arianna sa oras na malalaman niya na buhay ang kanyang nag-iisang anak.
"Siguro na dapat lang din. Tiyak na mabawasan ang lungkot ni Reyna." Saad ni Tierra.
Pagkatapo naming kumain ay niligpit na namin ang aming pinagkainan. Gusto kasi ni Fuego na kumain kami ever morning para daw hindi daw kami palipasan ng gutom alam ko naman na siya lang naman ang hindi sanay na hindi kumain ng agahan, dinadamay pa talaga kami kaya kumakain na labg din kami.
Nasa loob kami ng kotse na may sinabi si Eunice sa amin kaya bigla akobg kinabahan. Hindi pa din maiwasan na tuwing marinig ko ang bagay na iyon ay natatakot pa din ako lalo na kapag hindi kami magwagi.
EUNICE POV
Habang nagmamaneho ako siguro oras na, na sabihin sa kanila na malapit na ang oras at panahon. Isang senyales na lamang ang hinihintay namin at magsisimula na ang madugong digmaan.
"Malapit na mga prinsesa. Alam kong may sapat na kayong kaalaman patungkol sa labanan..." Sabi ko. Napatingin naman sa gawi ko si Tierra na nakaupo ngayon sa shot gun seat habang sina Aqua at Fuego naman ay ramdam kong nakatingin sila sa likod ko.
"Kahapon sa elemental world, sa libro ng prophesiya nakasaad doon na ilang araw na lumipas ngayon ay may mangyayaring hindi natin maaasahan. May mawawala, may mabubuhay kaya maghanda kayo. Habang wala pang nangyayari kapag may mga oras pa kayo ay magensayo kayo dahil hindi natin matukoy kung kailan lulusob si Velgamor." Saad ko.
Ramdam ko ang mabigat na atmosohere sa loob. Sa ayaw man o sa gusto nila ay lalaban talaga sila dahil sila lang ang makakatalo kay Velgamor. Sapat na ang kanilang lakas at kaalaman. Bihasa na sila at alam kong makakayanan nila si Velgamor basta kung ano ang mangyayari tutulong kaming mga whote wizards dahil malakas ang kutob ko na tutulong ang dark wizards kina Velgamor.
"Kahit anong mangyayari prinsesa, nandito lang kami at handang tumulong sa labanan. Kaming mga white wizards." Sabi ko ng seryoso. Tumango naman silang tatlo.
"Walang mamamatay sa ating tatlo. Nawalan na nga tayo ng isa kaya hindi tayo papayag na isa na naman sa atin ang mawawala. Tutulungan natin ang bawat isa kasama ang mga armors natin na nagbibigay lakas sa atin." Saad naman ni Fuego. Mabuti naman at matino itong mag-isip ngayon.
"Huwag kayong mag-alala walang mamamatay sa atin." Saad naman ni Tierra na seryoso.
"Masasaktan lang tayo at masusugatan, pero walang mang-iiwan. Lalaban tayo para sa ating kaharian at lalaban tayo para kay Aire. Kahit hindi na tayo balanse alam kong binabantayan pa din tayo ni Aire." Saad naman ni Aqua.
Napangiti na lamang ako sa fighting spirit ng tatlo. Masaya ako at naka-adjust na sila sa pagkawala ni Aire.
Alam kong magwawagi kami sa labanang ito, sana nga walang mawawala sa amin. Isa sa amin.
"Tama kaya lalaban tayo kahit anong mangyari." Saad naman ni Aqua.
Masaya ako at handa na sila sa darating na digmaan. Hindi ko bga lang matukoy kung kailan at anong oras o anong araw dahil iba ang libro ng propesiya hindi niya sinasaad kung kailan mangyayari ang digmaan.
Handa na ang mga prinsesa sa dadarating na digmaan at handa na din abg pangkat naming mga wizards sa labananna mangyayari. Lahat ng mga wizards sa amin ay nag-eensayo mapaestudyante o matanda basta may sapat na kaalaman sa magic mabuti na lamang na pumayag sila na maki-isa sa darating na digmaan dahil eto na lang ang mababawi namin sa pagkawala ni Haring Fyro. Mabuti naman at napapayag ni Euria kahit kailan talaga ay hindi ako binigo ng kakambal kong kapatid kaya nga mahal na mahal ko iyon kahit minsan lang kami nag-kakakasama.

BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...