CHAPTER 75
ZEPHYR POV
"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ni Eunice sa amin. Napatingin ako sa pangkat namin, mga white wizards. Hindi ko lubos akalain na madaming wizards sa paaralan namin.
"Natago mo ba ng maigi ang crystal at libro?" Tanong ni Euria kay Eunice. Tumango naman si Eunice bilang sagot. Lahat ng wizards ay suot ang kanilang white cloak, upang matukoy sila na white wizards.
Tumingin ako sa mga kasamahan namin, kanya kanya ang mga suot ng mga prinsesa nakasuot sila ng damit na panglaban. Isa itong armor na nakadepende kung ano sila klaseng elementalist. Tinignan ko si Tierra kulay brown at green ang kulay ng armor niyang suot na bumagay sa kanya dahil sa kulay ng buhok niya, mukha siyang diwata dahil sa kanyang itsura at katabi niya si Chaser na tila nag-uusap sipa ng seryoso.
Si Aqua naman ay suot ang kulay blue na armor. Lahat sila ay may simbolo, isang crown na sumisimbolo na sila ay isang prinsesa sa ganyang elemento. Kulay blue na may pagkadark ang kulay ng buhok ni Aqua isama mo pa ang kulay ng kanyang mata na bumagay sa itsura niya na tila masasabi mo talagang prinsesa siya ng tubig.
Tinignan ko naman ang katabi ko. Ang babaeng bumihag ng puso ko, ang babaeng mainitin ang ulo. Si Fuego. Kulay pula ang buhok na tila ito ay kakulay ng dugo na parang umiilab, kasa ang kanyang kulay pulang mata na bumagay sa kanya dahil sa ibang disensyo ng kanyang mata. Isang fire princess ang iniibig ko. Kahit anong mangyari, mamahalin ko si Fuego.
Handa na ang lahat papunta sa elemental world, lahat ay handa sa darating na digmaan. Kahit kinakabahan ako, alam kong sapat na ang lahat ng pagensayo sa amin ni Eunice. Sana matapos na ang lahat na ito, madami pa akong plano kasama si Fuego. Sana nga matapos ito agad at walang mawawala isa sa amin.
"Humanda na kayo, at lilisan na tayo." Saad sa amin ni Eunice na handa na sa paglaban. Lahat kami ay nasa kanya ang attention, maski si Raven na ngayon ay seryosong seryoso tinignan si Eunice.
Pumunta naman sa harapan si Andra kasabay noon ay ang panghawak niya ng kanyang wand stick, itinaas niya iyon sa harapan namin at may kung ano siyang binigkas at sa isang iglap lumiwanag ito at dinala kami sa isang kagubatan. Nasa harapanan namin ang isang malaking puno, maganda at malaking puno ang nasa harapan namin.
"Sa oras na dumating tayo sa elemental world lalaban agad tayo. Bantayan ang sarili, at manatiling ligtas." Saad ni Eunice. Napatingin naman ako kay Fuego na hinawakan niya ang kamay ko. Ngumiti naman siya sa akin sabay sabing
"Mahal kita. Kahit anong mangyari huwag kang lalayo sa akin. Lalaban tayo, kaya alagaan mo sarili mo Zephyr." Saad ni Fuego. Eto ang unang beses na siya ang unang nagabi na mahal niya ako. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya at nginitian siya.
"Oo hindi ako lalayo, ako ang lakas mo hindi ba? Kaya mananatili akong ligtas. Papakasalan pa kita." Sabi ko at ngumiti. Tumango naman siya sa sinabi ko.
"Basta kahit anong mangyari, walang iwanan." Saad niya. Kailangan ko manatiling malakas, para sa kanya. Armor niya ako kaya dapat lang magiging okay ako. Kahit kinabahan at takot ako dahil unang beses ko makaranas ng ganitong karanasan kakayanin ko.
Tumingin naman sina Eunice at Andra sa malaking puno, sabay nilang itinaas ang kanilang magic wand at sa isang iglap mula dito sa kinatatayuan namin nakita ko ang malakas na pagliwanag ng puno at kinain nito ang aming paningin kaya wala kaming nakita at biglang nawala ang liwanag at sa isang iglap nandito kami sa loob ng isang silid. Malaki at malawak ang silid na ito.
"Wizardian arrange yourself. Kilala niyo na kung sino ang mga pangkat ninyo, manatailing buhay at ligtas parang awa niyo na." Sabi ni Eunice at tinignan ito nang nag-aalala.
"Mamatay man o mabuhay basta lumaban kami Eunice. Eto lang aming kayang gawin sa lahat ng ginawa sa amin ni haring Aero sa atin." Saad ng isang wizard.
"Basta mag-iingat. Invicible gamitin ninyo upang madali kayong makakilos sa lugar kung saan ko kayo inassign." Saad ni Euria.
Tumango naman sila at bigla silang nawala sa harapan namin, may kung anong ginamit sila at nakita ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto.
"Kunin niyo na ang elemental sword." Saad naman ni Eunice. Tumango naman si Tierra at pumasok sila tatlo sa isang silid kaya sumabay naman kami.
Napamangha kami sa lugar kung nasaann kami ngayon. Maganda, tila matagal na ito ngunit maganda pa din ito. Greek style ang disenyo kung nasaan kami ngayon.
"Welcome sa palasyo namin. Eto ang aming silid kung saan nandito ang aming elemental sword." Saad ni Aqua. Napatingin naman kami sa hawak nila, maganda ang kanilang espada dahil umiilaw ito.
"Tanging kami at kayong mga armor lang ang may kakayahan hawakan ang mga ito." Saad naman ni Fuego at pinakita sa amin.
Napatingin naman kami sa isang espada na kulay gray ang kulay, ang kay Aire.
"Raven gamitin mo ang kay Aire. Armor ka niya kaya magawa mo iyon kunin." Saad ni Tierra. Lumapit naman si Raven at kinuha ang espada.
Akmang lalabas na kami ng silid ng may narinig kaming may pumasok sa kwarto kaya nag kanya kanya kaming tago. Pigil hininga ang ginawa ko dahil ayaw ko dahil sa amin ay mahuli nila kami.
"Nakita ko mula sa silid na ito ang liwanag kanina." Saad ng isang lalaki.
"Hahaha talaga nga naman akala nila matataguan nila ako." Rinig kong boses tila tumayo ang balahibo ko dahil sa kanyang makapal na boses napatingin naman ako sa iba ko pang kasamahan at mukhang parehas lang kami ng nararamdaman ngayon.
"Ano pang hinhintay ninyo? Libutin niyo na ang palasyo. Nandito lang ang mga iyon." Sabat ng lalaking makapal ang boses.
"May mga white wizards ang nasa labas at kinakalaban ang dark wizards." Balita ng bagong dating.
Rinig ko ang mga mahinang pagsabog mula ata sa baba.
"Hahaha sumugod na pala sila. Wala silang magagawa hanggang nasa ating ang baston ng kamatayan matatalo natin ang mga prinsesa." Sabi niya at tumawa ng malakas.
Nang siguradong nakalabas na sila ay lumabas na kami sa tinataguan namin. Baston ng kamatayan? Ano iyon?
"Bakit nasa kanila ang baston ng kamatayan? Natalo ba nila ang nagmamay-ari nito?" Tanong ni Tierra kay Eunice.
"Hindi ko alam. Mag-iingat kayo." Saad ni Eunice sa amin. Lalabas na sana kami ng silid ng biglang may bumato sa amin ng isang itim na aura mabuti na lang at mabilis ako at nagawa ko igulong ang sarili ko sa gilid ganun din ginawa ng iba, akala nila maiisahan nila kami.
"Dark wizards. Mauuna na kayo mga prinsesa. Nasa baba ang inyong mga ina at ama. Armor huwag lumayo sa mga prinsesa ako ang bahala dito. Mag-iingat sa kapatid ni Velgamor." Saad ni Euria.
"Mag-iingat ka kambal. Manatiling buhay hahanapan mo pa ako ng asawa." Birong sabi ni Eunice at ngumiti naman sa kanya ng matamis si Euria.
"Ako ang bahala sa kaptid ni Velgamor." Saad ni Andra. Tumango naman si Eunice. Napatingin ako sa harapan namin madaming dark wizards ang pumalibot sa amin, lumaban kami upang makatakas sa mga dark wizards mabuti na lang at malakas sina Euria at Andra at dahil sa kanila ay nagawa naming makalampas.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasi----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...
![Elemental Princess [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/146221153-64-k191764.jpg)