CHAPTER 65
CHASER/ACER POV
Tatlong araw na ang lumipas at sa loob ng tatlong araw wala pa ding pagbabago pwera na lang kay Raven na bumalik na siya sa dating siya na busy sa pagiging presidente sa paaralang ito. Paminsan minsan gabi na siya umuuwi dahil lagi siyang nakatutok sa kanyang laptop. Paminsan minsan naaabutan pa namin siya sa sala ng mga madaling araw na busy masyado. Umaatend na din siya ng klase, siguro natauhan sa sinabi ni sir na may nakatalo sa kanya. Mas okay na din sa akin na bumalik na si Raven sa dating siya, at least sa pagiging busy niya makakalimutan niya kahit papano ang kapatid ko.
"Balita ko may lilipat sa section natin." Sabi ng estudyante.
"Ah oo, yung babae daw na nakalamang kay Raven. Sino nga yun?"
"Si?"
"Ah! Si Ms.Greyson. Magandang babae iyon. Model iyon ng isang cologne." Rinig kong sabi nila.
"May lilipat pala?" Tanong sa akin ni Tierra habang nagsusulat ng kung ano. Kanina pa ito busy sa pagsulat kapag tignan ko kung ano ang sinusulat tinatakpan niya agad.
"Malay ko. Maski ako di ko alam." Sabi ko na lang. Kami na ni Tierra at alam kong alam niyo kaya hindi na ako magpapaliwanag. In short kami talaga ang itinadhana.
"Okay class settle down." Saad ng guro namin ng pumasok siya dito sa loob. Lahat naman ay pumunta sa kani-kanilang upuan. Kasabay sa pagpasok ni sir ay kasama siyang babe.
Lahat naman ay napatigil at tumingin sa babae. Kahit si Tierra ay napatigil sa pagsulat at sumilip sa babae at muli na naman sumulat.
"Kilala ko siya. Siya yung nakabangga ko nitong huling araw." Saad ni Reed tumango naman si Aqua sa sinabi ni Reed.
"Oo,na mumukhaan ko siya." Saad ni Aqua.
Bale ganito pala posisyon namin sa pag-upo since free kaming umupo kahit saan wala namang proper seat.
--4rth Row--
Aqua|| Reed||Ako||Tierra
--5th Row--
Aire(Upuan sana ni Aire)|| Raven||Fuego||Zephyr
Bale nasa panghulihan kami nakaupo wala lang mas gusto namin sa huli.
"Okay class. Meet Miss Chandria Greyson, your new classmate." Pakilala sa amin ng prof namin. Lumingon naman ako sa likod para makita ang reaction nila nakita ko si Fuego na nakacross arm lang habang nakatitig kay Chandria.
Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok si Raven na nakaeyeglass habang binibtbit ang kanyang laptop. Lahat ng attention ng mga babae ay naka Raven ang iba ay may pahampas hampas pang nalalaman sa katabi.
"Good Morning. Sorry I'm late." Saad ni Raven at diretso lamang dumiretso sa gawi namin at tumabi kay Fuego sa likod namin sa kanyang upuan at bigla muling nag laptop.
"Okay Ms.Greyson, maaari ka ng umupo sa may bakanteng upuan. Feel free, ito na ang bagong room mo. Congrats for being the top 1." Puri sa kanya ng guro. Tumango tango naman siya at may sinabi siya sa guro at itinuro ang gawi ni Raven. Tumango tango din ang guro sa sinabi ni Babae.
Nagsimula ng lumakad si Ms.Greyson at nagulat ako dahil tumigil siya sa gawi ni Fuego at pumunta sa lugar sa upuan ni Aire. Kaya naman napatigil si Raven at tinignan siya
"Di ka pwede dito, may nagmamay-ari sa lugar na ito." Saad ni Raven at hinarang ang kamay. Narinig ko naman ang pigil na pagtawa ni Fuego, kahit kailan talaga mahilig talaga mang-asar ang babaeng apoy.
"Wala ngang nakaupo di ba? Tinanong ko na sa guro." Saad ng babae. Tinigna naman siya ni Raven na may pagkapikon.
"Mr.Gray? Ms.Diamond already transfered right? Paupuin mo na si Ms.Greyson para makapagsimula na tayo." Saad ng guro.
"Tss... " Sabi ng babae at tinapik ang kamay ni Raven sabay upo. Naramdaman ko ang pagkapikon ni Raven kaya naman tumingin ako kay Aqua tumango naman siya mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin. Kakausapin ni Aqua si Raven gamit ang isip. Since hindi ko makakausap si Raven ngayon.
Lumingon ako muli at naging malambot na ang ekspresyon ni Raven at saktong tumingi siya sa akin tumango naman siya at napabuntong hininga. Mabuti naman at naintindihan niya.
TIERRA POV
Ano pa ba? Dadagdagan ko pa ba ito? Babasahin niya kaya ito? Sumusulat kasi ako ng love letter. Alam niyo na, kilala niyo na kung sino. Eto yung nakita ko sa youtubo eh yung gumagawa ng surprise kahit simple lang. Gusto ko ito gawin, ganito kasi ang nakikita ko sa magkasintahan, kasi baka hindi ko na ito magawa muli lalo na't malapit na ang labanan.
"Patingin nga ng sinusulat mo." Saad ni Chaser kaya naman tinapik ko ang kamay niya at tinignan siyang masama. Napalunok naman siya mabuti naman at nakukuha siya sa isang tingin.
Ngayon ko lang ito nasubukan. Yung feeling na lahat nandito sa isang lihim ang gusto kong sabihin kay Chaser. Wala lang, maganda pala sa pakiramdam noh?
Nagsimula na ang klase namin at obviously hindi ako nakikinig, hindi naman ako tinatawag ni sir eh. Ewan ko lang mukhang nadala ata ng nalaman niyang kasamahan namin si Aire. Syempre siya ang pumalit sa guro namin na pinahiya si Aire kaya alam kong may alam siya kung ano ang kakayahan ni Aire.
May kaklase pala kaming bago. Mabait naman siya ng tignan ko hindi ko naman kasi siya pinagmasdan kanina, mamaya na lang kung matapos ko itong ginagawa ko. Paano ko nga ba ito ibibigay?
Hmmm...
What if, ilagay ko doon sa gamit niya? Oh di kaya sa locker niya? Ano ba yan... ang dami ko namang iniisip. Eh kung ibigay ko na lang kaya sa kanya personal. Tama. Personal ko na lang ibigay.
"Ms. Amethyst are you listening?"
"Ay mahal ko siya!" Nasabi ko na lang at napatayo bigla. Nang nagsink in sa akin ang kung ano ang sinabi ko. Whhhaaaa!!! Ano?!
"Sino ang mahal mo? That's why you're not listening?" Sabi ni sir at tila inaasar ako. Tumawa naman ang ibang estudyante yung iba naman ay tinatanong kung sino.
Tumawa naman sina Aqua at Fuego sa sagot ko. Maski na din ang mga lalaki nilang mahal nila. Nang tignan ko si Chaser pasimple siyang ngumiti tila pinipigilan na huwag matawa.
"Wala sir." Sabi ko na lang habang nakayuko.
"Okay have your seat." Saad ni sir kaya umupo naman ako.
"Ayan kasi, huwag mo kasi akong isipin. Nadulas ka tuloy." Bulong sa akin ni Chaser at tumawa siya ng mahina kaya naman kinurot ko siya sa braso at inirapan.
Nakakahiya ito, ghad... pahamak talaga itong love letter na ito.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...
![Elemental Princess [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/146221153-64-k191764.jpg)