CHAPTER 6

5.2K 249 4
                                        

This chapter is dedicated to thereal_borndemon. Thank you for keep on reading this story.

CHAPTER 6

RAVEN POV

Ang lakas naman ng loob ng apat na iyon na mag cutting class. Hindi ba nila nabasa sa rules? Binibigyan ako ng problema. Lalo na yung babaeng may lakas na loob sagot sagutan ako. Tssk.

"Hey bro ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Reed. Nandito kami ngayon sa room ng mga student council. Sabay sabay na kasi kami umuuwi.

"Sa tingin mo ayos lang kay Raven na subatsuabtan siya ng babaeng iyon? at worst ay isang nerd pa." Saad ni Zephyr na kanina pa mainit ang ulo.

"Pero they are interesting guys." Sabi ni Chaser. Kaya napatingin ako sa kanya. Ano bang pinagsasabi nito.

"Oo they are interesting." Pagsangayon ni Reed. Napakunot na lang ang noo ko sa pinagsasabi ng dalawa.

"Dude, hindi ko alam na bumaba na ang standards mo." Sabi ni Zephyr at ngumiti lang ng makahulugan.

"Gago. What I mean is the way sila manamit. Parang nagdidisguise lang sila." depensa ni Reed sa sarili."Kanina nung nakipagtitigan tayong apat sa tatlo hindi niyo ba nahalata na unique ang kulay ng mata nila." Sabi ni Reed.

Unique? Kanina yung babaeng yun gray ang kulay ng mata niya. Pero iba ang pagkagray dahil parang nakaayon iyon sa personalidad niya.

"Yung babaeng mukhang mature mag-isip nakita niyo ba ang mata niya? Kulay green ang mata. Now tell me kung naghahallucinate lamang ako. Dahil alam kong nakita din iyon ni Chaser." sabi niya at tumingin kay Chase.

"Oo. Pag malayo hindi natin agad makita dahil sa kanilang eyeglass pero pagsamalapitan tayo makikita talaga natin ang kulay ng mata nila.

Tahimik lang si Zephyr at tila nakikinig lang. Ang weird nila totoo lang. Pero hindi naman sila nakakatakot. Maangas lang akala nila kung sino sila. Soon makikilala ko din kung sino kayo.

AQUA POV

"Paano namin makikilala ang magiging partner namin? Ang complicated naman masyado ng situation namin."

Sabi ko sa sarili ko habang nakahiga pa sa kama ko. Hindi pa ako inaantok. Sino kaya sila. Mahihirapan kaming hanapin ang mga taong yun lalo na't mga tao dito ay mapanglait.

Iilaw ang kwintas kapag malapit lang sa amin ang taong iyon. Nakalimutan kong tanuningin si Eunice kanina kung babae ba o lalaki. Nagpagulong gulong na lang ako sa kama ko. Kailangan naman mahanap ang mga taong iyon dahil sila ang aming maging sandata laban kay Velgamor. Lalakas kami kapag nandiyan sila, at dapat namin silang protektahan dahil magkakaroon na kami ng connection sa oras na makilala at malaman nila kung ano ang magiging role nila sa buhay namin, sa buhay namin bilang princessa.

Habang nag-iisip ako hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako.

3RD POV

Habang nagpapalakas ang mga princessa sa mundo ng mga tao. Sa kabilang daigdig naman ay may nagaganap na hindi alam ng mga princessa.

"Dapat maunahan ninyo ang mga Princessa hindi dapat matutupad ang nasa propesiya. Unahan ninyo ang apat at kunin ang kanilang mga dapat proprotektahan. Hindi pwede maging malakas sila. Ako ang maghahari sa mundong ito. Ako lang." Galit na sigaw niyasa kanyang alagad.

Poot, sakim, at galit ang nagwawagi kay Velgamor. Dahil sa isang kadahilanan. Gusto niya maging hari sa lahat ng hari dito sa mundo ng ELEMENTAL EARTH. Dahil sa taas ng kanyang pangarap madami na siyang nadamay at napatay na innosenteng mga bata dahil sa kanyang kasakiman at pag atake ng walang alinlangan.

Dahilan kung bakit sina Eunice at Euria at ang iba na lamang ang natira sa mga Light wizard dahil namatay ang iba sa pkikipaglaban kay Velgamor.

"Masususnod aming kamahalan Dark Velgamor." Sabi ng apat na tauhan niya at yumuko upang nagbibigay respeto sa kanilang hari.

EUNICE POV

Wizardian Academy. Yan ang totoong pangalan ng paaralan namin, pero ng dahil sa kaganapan noon pinalitan namin ito ng kambal ko Warden Academy. Dahil kunti na lang ang mga Light wizard na tulad namin. Nagtataka ba kayo kung bakit may mga ordinaryong tao ang nandito nag-aaral? Dahil vissible ang aming paaralan dito. Noon hindi ito nakikita dahil paaralan lamang ito ng mga wizard kung saan nagtututo sila ng mga magic spells. Pero dahil sa labanan ang iba namatay, ang iba ay nakasurvive at nabuhay dahil sa tulong ng elemental earth.

May mga wizard din naman nag-aaral dito. Pero mas madami ang mga ordinaryong tao lamang. Kaya as long as possible hindi ko pinapayagan na gumamit silang ng magic spells. Hindi alam ng mga estudyante na ganito ang nangyari. Pero mananatili itong lihim.

"Kamusta ang apat?" Tanong ko kay Eunice. Nakaupo lang siya at nakasandal ang ulo niya sa sofa. Tila pagod ata. Mahal ko ang kakambal ko. Kami na lang ang meron, kung mangyayari man muli ang trahedyang iyon. Handa ko isakripisyo ang sarili ko para sa kakambal ko.

"Ayos lang. Mukhang hindi pa sila nakakaget over sa sinabi ko kahapon." Sabi niya at lumingon sa akin. Sa oras namin noon, si Eunice ang kilalang isa sa magaling na Wizard dahil kaya niya gumawa ng sarili niyang spells. Pero sa early age namin ngayon 21 naging busy na kami dahil sa namatay ang aming magulang sa pakikipaglaban. Tuwing naaalala ko ang nangyari noon, galit ang nagwawagi sa puso ko.

"Sasabihin ba natin sa kanila kung sino ang apat na hinahanap nila?" Tanong ko. Kilala namin ang apat na tinutukoy ng nasa libro nila. Kaya sila nandito upang hanapin ang apat. Nakakahinayang lang kung bakit ang apat na iyon, baka hindi sila magkakasundo.

"No. Hindi natin sasabihin. Still mission pa din nila iyon." Saad niya.

Sila ang magsisilbing sandata ng mga princessa. Hindi sandatang literal kundi sila ang magiging lakas ng mga princessa. Sa oras na isa sa kanilang partner ang masaktan physically at emotionally. Mararamdaman iyon ng mga princessa. Kaya dapat protektahan ang mga sandata nila. Malakas nga ang princessa ngunit hindi iyon sapat dahil alam ko sa oras ngayon ay naghahanap na ng paraan si Velgamor kung papano unahan ang mga princessa. Alam kong malabong mangyari iyon na makilala nila Velgamor ang mga taong iyon pero hindi iyon sapat na dahilan uoang manatiling kalmado. Every seconds is important kapag masasayang lamang sa wala.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon