CHAPTER 28

4.4K 202 0
                                        

CHAPTER 28

RAVEN POV

Hindi ko alam kung bakit ko siya hinila. Ano naman pake ko kung may sugat siya? Tssskk...dinala ko na lang siya sa leisure room namin at doon na lang gagamutin.

"Saan mo ba ako dadalhin? Nandoon lang ang clinic oh." Sabi niya at itinuro pa ang clinic. Malaki ang hiwa niya sa kamay niya. Paano nangyari iyon? Impossible naman na masugatan siya ng dahil lang sa tama ng bola.

"Tssskk." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad habang hila hila siya. Napapatingin ang ibang estudyante kapag dumadaan kami sa harapan nila. Nang nakaabot na kami sa leisure room ay pinaupo ko siya at kinuha ang kit.

Saam ba iyon nilagay ni Chaser? Imbes na nandoon ako sa labas upang makita ang mga estudyante kung nagenjoy ba, nandito ako ngayon kasama ang isang ito.

Nang nahanap ko na ang 1st aid kit ay lumabas na ako sa pinagkuhaan nito. Napatigil ako ng nakita ko siyang nakasandal sa couch at nakapikit. Tahimik at walang ingay ako lumapit sa kanya, ng makalapit na ako, tama nga ako, hindi talaga sila mga nerds nagpapanggap lang sila. Pero bakit?

Hinawakan ko ang kamay niya ng dahan dahan baka nagising. Ang puti niya, parang wala ng snow. Pero iba ang pagkaputi niya dahil kapag masinagan siya ng araw ay masakit siya sa mata kung tignan. Kung pagmasdan mo ang sugat niya isang hiwa ng kutsilyo. After ko linisin ang sugat niya, ay niligpit ko na ang kit.

Iiwan ko na lang muna siya dito. Hindi naman siguro magnanakaw ang isang ito. Lalabas na sana ako ng room ng, tinignan ko siya muli. Hindi kaya sasakit likod niya sa ganyang position? Ang bilis niyang nakatulog, hindi man lang niya naramdaman na nilinisan ko ang sugat niya. Kaya bago ako lumabas ay kinarga ko si Aire patungo sa sarilo kong kwarto dito.

"Ang gaan mo naman masyado." Saad ko as if nakakarinig ito. Hindi yata ito kumakain, sobrang gaan. Nilapag ko siya sa higaan ko at kinumutan. Hayst. May naalala ako, naaalala ko na naman siya. Miss ko na siya, siya kaya miss niya din kaya ako?

TIERRA POV

Tahimik pa din ako at walang imik habang karga ako ni Chaser. Himala naman at tinulungan ako, tapos mamaya susugurin na naman ako ni Ayesha. Pero nakakahinayang yung sugat ni Aire. Impossible naman na isa kina Vanessa ay may kapangyarihan, dapat tanungin ko si Eunice tungkol dito.

"Oh anong nangyari sa kanya?" Salubong sa amin ng nurse.

"Na sprain siya. Ipapahinga ko muna. Tatanga tanga kasi." Sabi ni Chaser at may pagkairita ang boses niya ng sinabi niya iyon.

Tumawa naman ang nurse at itinuro ang higaan. "Hay naku kayo talaga. Ang sweet niyo naman." Sabi ng nurse. Naku naman baka napagkamalan niya akong girlfriend ni Chaser.

"Ah naku hindi po----" Hindi ko natulog ang sasabihin ko ng inunahan ako ni Chaser.

"Lols. Ikaw dito ka lang at babalik ako." Sabi niya sabay turo sa akin at umalis. Minsan hindi ko siya maintindihan, parang babae. Kanina lang hinayaan siyang landiin ni Ayesha, tapos may pahiram hiram pa siyang nalalaman eh si Chaser nga ang lumapit sa akin eh.

AQUA POV

Kanina pa tawa ng tawa si Fuego sa akin, tila ng aasar. Kaya tinignan ko siya ng masama.

"Aba ikaw ah, hindi mo naman sinabi sa akin na nagseselos ka kina Reed kanina." Sabi niya at may palakpak palakpak pa siyang nalalaman. Baliw na ito.

"Heh! Tumigil ka nga." Saad ko at inirapan siya. Nandito kami ngayon sa hardin at nagpapahinga. Walang tao dito dahil busy ang iba sa mga laro nila. Ako? Sa ngayong araw wala akong laro. Nakakpagtaka nga kanina eh, 1st game ko ang volleyball, at hindi ko din inaasahan na 1st game din nila Aire, Fuego at Tierra ang volleyball. Mukhang sinet up kami.

"Ahahaha, pero seryoso Aqua may gusto ka na ba kay Reed?" Seryosong tanong ni Fuego. Umiwas ako ng tingin at napabuntong hininga sa sinabi niya.

"Bakit naman ako magkakagusto doon. Hindi kamo pwede." Sabi ko at napaisip. Mahirap pala magkagusto sa taong alam mo naman na hindi kayo pwede. Oo gusto ko si Reed kahit palyboy siya. Ewan ko ba kasi kapag kasama ko siya ang gaan ng pakiramdam ko, ikadalawa si Reed sa lalaki na nakilala ko kung saan magaan din ang pakiramdam ko.

"Mabuti kung ganun. Dahil mahirapn tayo kapag mahulog tayo sa kanila." Sabi naman ni Fuego at napabuntong hininga. Problema nito? May tinatago ba ito?

"Hoy apoy nandito ka lang pala? Hindi ba kasali ka sa racing?" Sabi ni Zephyr na hindi ko alam kung saad lupalop ito nanggaling dahil bigla itong sumulpot sa harapan namin. Nang tignan ko si Fuego ay

"Naku oo nga pala. Aqua mauuna na ako." Sabi niya at umalis na habang napailing naman si Zephyr sabay sabing "Bastos talaga kahit kailan hindi marunong magpasalamat." Saad niya. Napatawa na lang ako ng mahina sa sinabi ni Zephyr. Parang si Fuego din ang isang ito mainitin ang ulo. Umalis na siya at naiwan akong mag-isa.

FUEGO POV

Patay. Nakalimutan ko may laro pa pala ako. May paasar asar pa kasi ka nalalaman kay Aqua eh ayan tuloy. Pumunta na ako sa locker room at kinuha ang susuotin ko sa racing. Car racing or Motorcycle? Syempre Motorcycle, common na daw kasi ang car.

Ang galing talaga gumawa ng damit ko, organize at may pangalan ko pa. Kulay pula ang kulay, syempre princessa ako ng apoy. Minsan nga natatawa ako sa sarili ko kasi halos lahat ng gamit ko ay pula. After ko bumihis ay tinignan ko itsura ko sa salamin ng biglang may pumasok.

"Maglalaro ka pala?" Saad niya at nag lipstick. Ang o.a naman maglalaro lang maglilipstick pa talaga?

"Hindi eh, joke joke lang ito." Sabi ko at kinuha ang helmet ko. Yung cover lahat ang mukha.

Mukhang napikon naman siya at tinignan ako ng masama. Hindi ko kaya siya inano. Napangisi naman siya sa akin at binangga ako ng papalabas siya ng CR.

"Okay sige. Good luck. Kapag manalo ako, lalayuan mo si Zephyr,pero kapag ikaw ang manalo, ikaw na bahala." Saad niya at lumabas.

Ano daw? Kilala niyo ba kung sino kausap ko? Si Ayesha. Bakit naman nasali ang unggoy na iyon dito? Armor ko si Zephyr maybe after nito sa festival ay ibibigay ko na sa kanya ang kwintas. Dapat manalo ako sa larong ito, nakakahiya naman kapag matalo ako, talo na nga sa volleyball dito pa din ba sa laro ko? No way.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon