CHAPTER 68

3.1K 90 0
                                        

CHAPTER 68

QUEEN AGUA POV

"Ariana kamusta ka?" Tanong ko kay Arianna. Simula ng nalaman namin ang pagkasaw ni Aire ay naging matamlay na si Arianna. Alam kong nagluluksa pa din siya hanggang ngayon sa pagkawala ng kanyang anak. Ina din ako at alam ko kung ano ang pakiramdam.

Tumabi ako sa kanya sa pagtayo sa balkonahe at tinignan siya. Tumawa naman siya ng mapait sa tanong ko.

"Bakit? Ano ba ang nagawa kong kasalanan at lahat ng mga mahal ko sa buhay ay nawawala. Una si Aero, sunod si Acer na kaisa-isa kong anak na lalaki tapos ngayon si Aire na naman? Saan ba ako nagkamali Agua? Bakit sa akin pa? Lumaban naman ang anak ko ngunit bakit ganoon?" Bawat salitang binibitawan ni Ariana ay mararamdaman mo ang galit, pagkapoot, at sakit. Sakit at pagkauliala bilang ina.

Niyakap ko si Ariana eto na lang ang kaya kong gawin sa kanya. Wala akong masabi, dahil siguro kapag ako ang nasa lugar niya baka ikamamatay ko ang mga nangyari sa kanya.

"Halika dito. Lahi mong tandaan na wala kang ginawang mali. Sa tingin mo papayag ang mga mahal mo na nakikita kang mahina? Siguro nakasaad sa libro ng prophesiya ang pangyayari ngunit wala tayong magawa kundi tanggapin na lamang ito. Maging matatag ka Ariana, maraming mga tao dito sa atin na tinitignan tayo at sa atin sila kumukuha ng lakas. Kaya maging matatag ka." Saad ko.

"Masakit, masakit Agua lalo na't nag-iisang anak ko na lamang si Aire. Siya na lang ang nagbibigay saya sa akin. Siya na lang ang nagbibigay rason sa akin at sa kanya ko rin nakikita si Aero. Bakit ganito si Bathala?" Saad sa akin ni Ariana at umiiyak na.

"Ssshhh... Ariana huwag ka mag-isip ng ganyan. Hindi magiging masaya si Aire kapag ganyan ka. Lumaban ka. Hindi ganyan ang reyna ng hangin. Matapang at malakas ganyan ang reyna. Kaya lumaban ka." Sabi ko at inaalo si Ariana.

"Salamat. Salamat dahil nandiyan kayo. Pasensya na kung nagkaganito ako. Hindi ko talaga maiwasan." Paghingi niya ng paumanhin.

"Ariana kaibigan ka namin. Sabay tayo lumaki kaya naiintihan ka namin. Mga magulang din kami. Nakikiramay kami sa iyo. Ariana matatag ka kaya nangyari iyan sa 'yo. Lumaban ka lang, para sa ating kaharian." Sabi ko.

Nandito ako dahil gusto ko makausap si Ariana. Busy din ang mga hari at reyna mukhang may pinag-uusapan sila.

"Maraming salama---"

*BBBBOOOOMMMM!!!!!*

"Ano iyon?!" Tanong ni Ariana. Malakas na pagsabog ang aming narinig mula dito. Kahit ako ay nataranta at kinabahan. Sumilip kami sa labas at napatakip na lamang ako sa nakita. Dahan dahan nilalamon ang liwanag na kalangitan at kinakain ito ng itim na ulap. May mga nakaitim na nakapasok sa loob ng kaharian at may kasama sila.

"Hindi maaari. Lumusob sila. Walang laban ang ating mga elemental people." Saad ni Ariana.

Dali daling lumabas si Ariana kaya sumunod na ako. Sa mahabang pasilyo na aming dinadaanan maririnig namin ang mga maliit at malakas na pagsabog. Nang narating namin ang aming upuan bitbit ni Freya ang libro habang si Jade naman ay hawak ang crystal.

"Eto ata ang pakay nila. Itago natin ito." Saad ni Jade.

*BBOOGGSSHH*

Biglang bumukas ang pinto dahil sa pagsabog napatakip ako sa dahil sa usok. Bigla naman ako hinila ni Trydon at tinago sa likod ko.

"Dito ka lang mahal ko. Hindi ako papayag na masaktan ka." Saad niya.

"Akin na ang libro at crystal. Nandito si Eunice ipapadal ko iyan sa mundo ng mga tao." Saad ni Ariana.

Ibinigay naman nila kay Ariana ang libro at crystal. Sabay takbo ni Ariana sa isang silid habang hila si Eunice sa isang parte na nakatago ay ang paglapit sa amin ng isang malaking halimaw na hindi ko mawari kung ano ang tawag nito.

"Nasaan na ang libro at crystal? Ibigay niyo na sa amin." Saad niya na may nakakakilabot na boses. Matangakad ito at malaki. Pangit ang itsura at may pangil na malalaki.

May mga kasama silang dark wizards. Hindi nga kami nagkamali at kumampi sila kay Velgamor.

"Hindi kami papayag na makukuha ninyo ang mga hinahanap ninyo. Hindi kami tanga." Saad ni Trydon kaya naman napahawak ako sa braso niya.

Tumawa lamang ito ng ikinatayo ng balahibo ko.

"Ang titigas ng mga ulo ninyo. Sugod." Bigla naman gumawa ng pabilog na apoy si Fyro sa mga kalaban kaya napatigil sila. Malakas at alam kong kunting galaw lang ay masusunog ka nito.

"Lumisan na kayo rito. Hindi niyo kami matatalo." Giit naman ni Garnette.

"Akala niyo ba ay hindi kami handa sa paglusob sa inyo? Diyan kayo nagkakamali." Sabi niya at sa isang iglap biglang nawala ang apoy. Bigla akong napaupo dahil ramdam ko ang paghina ng katawan ko kaya inilalayan ako ni Tridon.

"Nakita niyo ba ito?" Sabay pakita sa amin ng isang baston na may bungo na nakaukit.

Napatigin naman ako sa mga kasamahaan ko maski sila ay nanghihina. Ano ito? Bakit hindi namin alam ang kanilang paglusob.

"Hindi kayo magwawagi." Sigaw ni Ariana. Lahat naman sila nagsiliparan dahil sa lakas ng hangin kasabay ng pagbasag ng mga bintana dito sa palasyo. Kita kita sa labas kung paano lumaban ang mga tao para sa kanilang mga buhay, may mga nasawi at may sugatan.

"Hahahaha. Ariana. Reyna ng hangin? Iyon na ba ang malakas?" Saad ng halimaw na lalaki na hindi man lang naitinag ng malakas ng hangin sa halip ay itinutok niya kay Ariana ang baston at kita namin kung gaano nito kabilis hinigop ang kapangyarihan ni Ariana.

"Hindi, baston ng kamatayan. Kumukuha ng kapangyarihan. Paano napunta iyan sa inyo?" Tanong ni Ariana at napaupo sa sahig.

"Sabihin na natin na wala na ang nagmamay-ari nito? Hahahaha." Demonyo. Demonyo sila.

"Mga dark wizards ikulong sila gamit ng inyong mga kapangyrahina. Siguraduhin ninyong hindi sila makatakas. Hindi sila makakapalag dahil mahina ang katawan nila at mauubos na din ang kanilang kapangyarihan." Sabi ng lalaki at tinignan kami tila minamaliit kami.

"Hintayin natin ang pagdating ni Velgamor. Tiyak madami na din silang naibiktima sa mundo ng mga tao." Saad ng lalaki.

Mundo ng mga tao? Bakit nadamay ang mundo ng mga tao? Hindi maaari. Mga inosenteng tao ang mga nandoon at wala silang kalaban laban.

"Mga demonyo kayo, mga walang puso. Bakit gusto ninyong kainin ng kadiliman ang liwanag. Hindi kayo magwawagi tandaan niyo iya." Saad ni Amethyst. Tumawa lamang ang lalaki.

"Dahil nakakasawa na kayo. Oras na ang kapatid ko naman ang maging hari dito." Saad niya.

Anak ko... mga prinsesa alam kong hindi ito magiging madali. Makakayanan niyo ito, hindi matatalo ng kadiliman ang liwanag.

Nang biglang nandilim ang aking paningin bago pa ako mawalan ng malay naramdaman ko din pagkawalan ng malay ng mga hari at reyna.

*blackout*

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon