CHAPTER 63
ZEPHYR POV
Maaga akong nagising dahil hindi na ako makatulog, hindi ko alam pero kinakabahan ako para bang may mangyayaring hindi maganda. Kaya naligo na ako, at naghanda para sa school mamaya.
Kahapon hindi ko lubos isipin na ang mga kababata pala nila ay isa sa mga alagad ni Velgamor kaya naman biglang nawala sa mood si Fuego muntik na nga niyang gamitan ng kapangyarihan ang apat buti na lang at napakalma ko siya. Nakakatakot din pala na may girlfriend kang may apoy na kapangyarihan dahil any moment ay kaya ka niyabg tustahin. De joke mahal ko iyon kahit papano at tanggap ko kung sino siya.
Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko silang tatlo na nasa sala at may kanya-kanyang ginagawa. Akala ko ba tulog pa ang mga ito alas 6 pa lang kaya ng umaga sa oras na ito ay dapat si Acer lang ang nagigising.
"Oi, gising na pala kayo? Akala ko mauuna ako sa pagising." Sabi ko at umuposa couch at katabi si Reed.
"Di eh, hindi na ako makatulog. Iba pakiramdam ko." Saad niya. Ano daw? pareho kami? Napatingin din sa gawi namin sina Acer at Raven.
"Ako din." Sabay sabi ng dalawa.
"Parehas lang pala tayo." Saad naman ni Reed.
"Mukhang mag mangyayaring hindi maganda. Ramdam niyo yun?" Tanong naman ni Raven.
"Di bale baka nagkataon lang." Saad naman ni Chaser at nilapag ang early breakfast namin.
Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan na naming pumunta sa school. Ngayon nga pala ipost ang result namin sa exam sa calculus. Mabuti na lang at napag-aralan ko iyon kahit papano.
Di na ako magtatanong kung ilan ang makukuha ng kasama ko basta alam ko baka bababa si Raven or baka naman ay mananatili sa top 1 matalino kasi kaya hindi na ako magugulat.
Si Chaser ang nag-drive sa van namin. Wala lang mas feel namin mag van dahil malaki at maluwag. Pagdating namin sa gate as usual ay nagkukumpulan ang mga babae well sorry, taken na ako.
Unang bumaba si Raven sa amin at na una ng pumunta sa building kahit kailan talaga si Raven ay hindi talaga gusto ng attention hindi tulad kay Reed na ngayon ay todo ngiti. Paano kaya kung makita eto ni Aqua tiyak aso't pusa na naman ang dalawa.
"Aray ko naman girlfriend masakit." Sabi ni Reed kaya lumabas na din ako at sakto nandito na din pala silang tatlo.
"May pangiti ngiti ka pang nalalaman ah." Sabi ni Aqua kay Reed. Eto talaga ang dalawang ito nakakatawa.
"Alangan naman na umiyak ako?" Sabi ni Reed nag cross arm lang si Aqua sabay sabi na
"Ah ganun ba? Ge bahala ka na diyan." Sabi ni Aqua at nauna ng lumakad palayo. Tumawa lang si Fuego sa kanilang dalawa. Mabuti na lang at na sa mood ito ngayon.
Lumapit ako kay Fuego at nginitian siya. Ngumiti naman siyasa akin pabalik.
"Hoy girlfriend nagbibiro lang naman ako ah. Teka lang." Sabi ni Reed ng pasigaw at hinabol si Aqua. Napailing na lang sila Acer at Tierra sa dalawa.
RAVEN POV
Nauna na akong lumabas sa kanila. Nakakairita, aga-aga puros bulungan ang maririnig ko kapag nasa school na kami. Kaya nauna na ako sa kanila, gusto ko mapag-isa.
Pagdaan ko sa gawi ng mga babae eto lang naman ang naririnig ko kaya ayaw ko ng mga attention
"Kyyaahhh ang gwapo pa din ni Raven kahit ubod ng seryoso at sungit!"
"Omo! Ang hot niya tignan sa bago niyang looks!"
"Akin ka na lang please?!"
"Pakiss naman!"
Yan ang naririnig ko. Hindi sa bitter ako sa anim pero sadyang naiinis lang ako kapag nakikita ko silang anim na masaya. Habang papalakad ako sa building napagdesisyunan ko na doon na muna ako sa rooftop magtatambay. Lagi naman ako doon, simula ng nawala si Aire.
Sigh.
Habang papaakyat ako sa hagdan hindi ko miawasan isipin at tanungin ang sarili ko na, sana hindi ko na lang sana pinalampas ang pagkakataon nung umamin siya sa akin edi sana mararanasan kong ang pagmamahal niya sa akin, ang mahalin ang isang prinsesa. Ngunit sadyang naging tanga lang talaga ako dahil kay Ae, nasayang lang. Sana kami sana ngayon, sana masaya kaming dalawa, sana naranasan niyang niligawan ko siya, sana maranasan ko ang matamis niyang oo. Lahat ng nga iyon ay hanggang sana na lang dahil alam kong hindi na maibabalik ang dati. Buong akala ko hindi ko na mararamdaman ang magmahal muli simula ng iniwan ako ni Aerizelle ngunit mas malakas ang tama ko kay Aire.
Nang makarating ako sa rooftop isang sariwang hangin ang bumunggad sa akin. Ramdam ko ang hangin, ang sarap sa pakiramdam. Gusto ko dito dahil dito kami una nag-usap ni Aire noon, kapag nandito ako parang nasa tabi ko lang siya dahil na din siguro sa hangin na nararamdaman ko dito. Masarap sa pakiramdam.
Habang dinadama ko ang hangin ay may nakita akong pigura ng isang tao malayo sa akin at mukhang may kausap sa cellphone.
Tinitigan ko siya at isa siyang babae na may curly buhok na hanggang balikat at maputing babae. Hindi ko siya mamukhaan dahil nakatalikod siya sa akin. Sino siya? Bakit siya nandito?
Tinitigan ko lang siya ng walang gana at saktong napatingin siya sa akin kaya nakita niya ako. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mata at di nag laon ay ngumiti siya sa akin. Seryoso ko lang siyang tinignan.
"A-ahm... Hi?" Sabi niya sa akin at nilagay ang phone niya sa bulsa ang palda niya. Hindi ko siya pinansin, lumakad naman siya patungo sa gawi ko kaya napatigil ako at tinignan lang ang kamay niya na nakalahad
"Ako nga pala si Chandria. Ikaw si Raven tama? Presiden ng paaralang ito." Sabi niya ng nakangiti. Hindi ko siya pinansin at dinaanan lamang siya sabay sabing
"Dami mong alam. Alis." Sabi ko at pumunta malapit sa railings. Wala akong oras kausapin ang mga taong hindi ko kilala. Estudyante pala siya dito? Siguro sa sobrang busy ko hindi ko namumukhaan ang mga estudyante.
"Ang bastos mo naman, nagpapakilala ang tao hindi mo pinapansin." Saad niya at nasa tabi ko na siya. Ano bang problema ng babaeng ito? Feeling close.
Tinignan ko siya ng coldly mukhang effective naman at napaatras siya.
"Alis." Sabi ko at tinignan siya ng halong pagbabanta.
"Ang bastos mo naman. Eto aalis na." Sabi niya na may makahulugang ngiti. Hindi ko na siya pinansin at itinuon ang paningin ko sa malayo kung saan makikita ko ang mga nagsisiliparan na ibon. Narinig ko naman ang pagkasirado ng pinto, buti naman at umalis na ang babaeng iyon.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...
![Elemental Princess [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/146221153-64-k191764.jpg)