CHAPTER 37
HARING FYRO
Nag-uusap kaming mga hari at reyna ng nakarinig kami ng malakas na pagsabog sa labas. Nagsitingan kaming lahag at dali daling lumabas sa kaharian.
"Anong nangyari?" Tanong ng aking mahal na kabiyak na si reynang Fyra.
"May lumusob na dark wizard at pinasabugan ang mga tagabantay. Mukhang malubha ang kanilang natamo sa pagsabog." Saad ng isang lalaking kawal.
"Dark wizard?" Tanong ni Reynang Arianna. Na seryosong nakatingin kung saan ang pagsabog.
Dark wizard ang kalaban ng mga white wizard.
"May mensahe sila. Ang sabi nila nalalapit na ang madugig digmaan." Yun lang ang sinabi ng kawal sa amin. Kaya napatingin ako sa kanya. Nag-aalala ako sa mga anak namin, sa mga princessa. Totoo kaya ang nasa prophesiya? na matatalo nila si Velgamor sa digmaan? Alam kong naghahanap na ng paraan si Velgamor kung paano labanan ang mga princessa.
"Tulungan niyo po kami mga hari at reyna. May mga kawal na namatay at may mga sugatan." Saad ng mga tauhan.
"Sige idala ninyo sila sa isang silid at gagamutin ko sila."Saad ni Reynang Agua, kaya niyang magpagaling.
"Mahal--" Hindi natapos ni Haring Trydon.
"Okay lang. Eto lang ang makakaya kong gawin. Hihitayin pa natin ang pagbabalik ng mga princessa." Saad niya.
Habang nagpapalakas ang mga princessa mas nalalapit na sila sa digmaan at wala kaming magagawa dahil hindi kami ang makakakatalo kay Velgamor. Sana naman at makayanan at mapanalunan ng mga princessa ang digmaan.
AQUA POV
Napabangon ako sa higaan ko. Grabe ang sarap matulog. Tulog? Napaisip ako, paano ako nakarating sa kwarto ko? Bumukas ang pinto at iniluwa si Aire na nakangiting lumapit sa akin. Nakangiti siya, ngayon ko na lang muli nakita si Aire nakangiti simulang nakita na niya si Acer.
"Gising ka na pala Aqua. Kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin at umupo sa gilid ng kama ko. Tinignan ko naman ang sarili ko kung maayos lang ba ako, okay naman ako. Ano ba ang nangyari?
"Ahm...okay naman. Bakit ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanya pumasok naman si Fuego at si Tierra naman ay may dalang pagkain sa tray.
"Hindi mo alam? Natapos mo na ang mission mo, at dahil sa mission mo na buking ka namin." Saad ni Fuego at pumalakpak pa. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Ano daw? Mission? Nabuking? Ano daw yun?
"Wala kang maalala? Sa bagay, tulog ka ng oras na iyon. Alam mo bang si Reed lang pala ang makakatulog saiyo?" Sabi ni Tierra at ngumiti habang nilapag ang pagkain sa table ko.
Reed? Anong meron kay Reed? Naguguluhan ako.
"Pfft~ nakakatawa ka talaga Aqua. Inosente ka, hindi namin alam na special pala si Reed sayo ha?" Sabi ni Fuego at ngumiti ng makahulugan. Naramdaman kong namula ang mukha ko sa sinabi niya. Kaya umiwas na lang ako ng tingin
"Haha, tignan mo yan." Saad niya at tumawa. Si Aire naman ay nakangiti kaming pinagmasdan. Natapos na pala ang mission ko ng di ko alam? Hindi mn lang ako nahirapan.
"Alam mo bang ay basta si Reed na ang magkwento sayo. O siya, kumain ka na muna." Saad ni Tierra. Tumayo naman si Aire at tinap ang balikat ko.
"Magpalakas ka. Congrats Aqua nalamapasan mo ang mission mo. Ibigay mo na ang kwintas sa armor mo habang maaga pa. Kilala na namin kung sino at alam kong kilala mo kung sino." Saad niya. Kilala ko? Wala nga akong maalala eh. Lumakad na si Aire habang kinuha ang libro sa table ko at pinakita sa akin, tumango na lang ako, alam kong hihiramin niya ang librong iyon.
"Kumain ka na. May bisita ka pa mamaya." Saad ni Tierra. Bakit sila nandito? Wala bang pasok?
"Nga pala Aqua. Cancel na ang mga larong sasalihan natin, kinansel ni Raven para maalagaan ka namin. Ang tagal mong nagising ha? Isang araw kang tulog." Saad ni Fuego at nakangiting lumabas. Sabihin niyo nga, may nangyari bang hindi ko alam. Bakit iba ang atmosphere ngayon?
AIRE POV
Lumabas ako sa kwarto ni Aqua. Buti na lang at gising na siya sabay kuha ng librong kinuha ko sa kanya. Ano ba ito? Tinignan ko ang librong hawak ko at naagaw ng pansin ko ang litrato naming magkakaibigan kasama ang aming mga kababata. Nakadikit kasi sa gilid kaya nahulog.
Kamusta na kaya ang mga yun? Nakakamiss sila. Umupo ako sa couch at sinimulan kong basahin ang libro, tumabi naman sa akin si Tierra habang may hawak na phone at mukhang nakangiti siya. Anong meron?
Si Fuego naman ay humiga pa sa isang couch at natulog. Since wala naman kaming gawin ngayong linggo aside sa masquerade ball sa school ay dito lang kami titira sa bahay. Mabuti na din iyon para makapagpahinga, pero di ko pa din maiwas isipin kung sino ang masusunod sa amin ni Tierra.
Ilang oras pa ang lumipas ng may nag doorbell sa labas. Nabigla ako ng biglang bumangon si Fuego sa paghiga. Parehas kaming napatingin sa kanya ni Tierra, napatingin siya sa amin sabag sabing
"Ano?" Tanong niya. Wala pa nga kaming sinasabi defensive na agad.
"Ano din?" tanong ko sa kanya pabalik. Tumawa naman ng mahina si Tierra sabay sabing
"Buksan mo na ang pintuan baka masira ang doorbell natin malalagot pa tayo kay Eunice. Alam naman namin na siya lang ang inaantay mo." Saad niya at namula naman ang mukha ni Fuego sa sinabi ni Tierra.
"Tsskk...di kaya." Sabi niya at tumayo na. Hindi naman mahilig bumukas ng pinto si Fuego dahil tamad yun pero ngayon, hahaha siya na talaga. Mukhang may makakacontrol na sa apoy namin aside kay Spencer, isa sa mga kababata namin.
"Oo na." Sabi na lang ni Tierra at umiling iling pa. Si Tierra din parang may hindi sinasabi sa akin, lahat ba sila? Sa bagay si Tierra at si---
"Pasok kayo." Saad ni Tierra at tumayk sa kinaupuan namin. Nanatili na lamang akong nakaupo at nagpatuloy sa binabasa ko. Lahat silang apat nandito, akala ko ba si Reed lang ang bibisita. Sa hindi sinadya napatingin ako kay Raven na nakatingin din sa akin, umiwas naman agad siya ng tingin. Kaya balik muli ako sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...