CHAPTER 10

5.2K 244 1
                                        

CHAPTER 10

--ELEMENTAL KINGDOM--

EUNICE POV

"Kamusta ang mga anak namin sa mundo ng mga tao Eunice?" Tanong sa akin ni Reynang Ariana ang ina ni Aire. Nandito ako ngayon sa kaharian ng elemental earth. Hindi basta bastang ordinaryong kaharian, dahil dito sa kanila mapalupa, tubig, hangin at apoy ay ipinagsama sama. Bawat elemento ay may Hari at Reyna.

FIRE ELEMENTALIST
-King Fyro
-Queen Freya

AIR ELEMENTALIST
-King Aero
-Queen Ariana

EARTH ELEMENTALIST
-King Garnette
-Queen Jade

WATER ELEMENTALIST
-King Tridon
-Queen Agua

Sila ang mga Hari at Reyna, kaya mataas ang mga tingin sa kanila ng mga ibang elementalist. Nandito ako ngayon upang mag report sa kanila kung anong kaganapan ang nangyari sa kanilang mga anak. Nasa loob kami ng palasyo kung saan ako, mga governors at mga ibang knights ang naririto upang malaman ang dapat kong sabihin sa mga hari. Mahigpit ang sekyuridad dito sa Kingdom dahil sa kaganapan noon. Ikinamatay ni Haring Aero ang mga nangyaring kaganapan noon, dahil kay Velgamor ang dark prince.

"Maayos naman sila Reynang Ariana." saad ko habang nagbibigay pugay sa mga Reyna at Hari.

"Mabuti naman at maayos sila doon, alam na ba nila ang nasa libro ng prophesiya? Hinahanap na ba nila ang kanilang magsisilbing sandata?" Tanong ni Haring Garnette Ama ni Tierra. Isa sa pinakamalakas sa mga Earth Elementalist.

"Alam na po nila ang tungkol sa kanilang mga armor. Hindi naman sila nagreklamo sa pagkat mas mukhang ginusto nila iyon upang mas lalo silang lumakas." Saad ko, mamayang gabi mag eensayo na naman sila, at ako bilang trainor nila ay dapar sanayan ko sila sa paggamit ng kanilang mga kapangyarihan.

"Mabuti. Nga pala Eunice, ang libro ng prophesiya. Hindi namin matukoy kung ito ba ay nasa tama o mali, dahil maaaring paiba-iba ang nakalata doon. Maaring ang mga elemental princess ang mga makakagawa ng kanilang mga saeiling storya sa libro. Sa hulihang pahina ng libro, hanggang doon na lamang ito sa armor nila na tinutukoy namin, kung kaya't hindi na namin matukoy kung ano ang maaring sunod na hakban." Mahabang lintaya ni Haring Fyro.

Napatingin ako sa mga Hari at Reyna, kahit sila tila hindi nila alam ang mga maaaring gawin. "Kung sa gayon, ang libro ng prophesiya ay nakasalalay sa mga elemental Princess?" Takang tanong ko. Kahit ako naguguluhan. Tumango naman ang ilan sa mga Hari at Reyna. "Possible bang mahuhulog din sila sa mga taga tao?" Tanong ko. Kasi kung oo, hindi malabong mangyari iyon.

"Possible iyon Eunice." Panimula ni Haring Tridon. Ang Hari ng mga Water Elementalist. "Possible iyon. Hindi namin hawak ang mga desisyon at nararamdaman ng mga anak namin. Nakadepende iyon, maaring maging kahinaan nila ang kanilang nararamdaman o maaring maging kalakasan." Saad ni Haring Tridon. Habang si Reynang Ariana naman ay seryosong tinignan ang libro ng prophesiya. Nabigla ako ng lumiwanag ang libro, gayun din ang mga ibang nakakita. Biglang umiba ang ekspresyon ni Haring Garnett habang tinitignan ang libro.

"Paano itong nangyari? Mag-isang lumabas ang sulat sa libro?" Saad ni Reynang Ariana.

"This can be their strength and their weakness through the battles. Fight for love, for friendship, and trust. Never let someone break down their wall, or they might fall."

pagbasa ni Reynang Freya. Nagtinginan lamang ang mga Hari at Reyna tila iniisip nila kung ano ang gustong ipahiwatig ng libro. Dahil likas na matalino si Reynang Ariana na pinagmanahan ni Aria siya na ang sumagot.

"Tama si Haring Tridon na possible silang mahulog. Kung babae ang kanilang armor, wala tayong problema dahil hindi sila mahihirapan. Kung lalaki naman, mabuti kung ganun dahil sa oras na muhulog sila sa isa't isa maaaring mas maging malakas ang kanilang bond dahil proprotektahan nila ang isa't isa ito ay kung mamahalin sila pabalik ng taong nagustuhan nila, ng kanilang mga armor. Maaring ikahina ng mga princessa kung hindi sila magawang mahalin ng mga ito, kung kaya't mas mabuti pang huwag silang mahulog ng basta basta sa kanilang mga armor kung ayaw nilang masaktan sa bandang huli at maaari itong maging kahinaan nila." Mahabang saad ni Haring Ariana.

Kung sa gayon hindi nga possibleng mangyaro iyon. Ako ang bahala sa mga princessa, hindi ko sila pababayaan. Bigla na naman napatingin si Haring Garnette sa libro dahil bigla na naman itong umilaw.

"What matters most is how well your wall through the fire."

"I will survive because the fire inside me burned brighter than the fire around me."

Pagbasa ni Haring Tridon. Tila hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin. Biglang umilaw ang libro kaya lumapit na ako, upang makita kung ano ang isinulat doon. Naka ukit ang pangalan ni Fuego sa itaas ng libro, at nakalagay dito ang kanyang unang pagsubok.

"Magsisimula na ang kanyang pagsubok Eunice. Bantayan mo ng maigi si Fuego, maaaring may mangyaring hindi maganda kapag hindi niya malampasan ang pagsubok na ito." Saan ni Reynang Freya. Nagbigay pugay lamag ako sa mga Hari at Reyna at lumisan na sa Elemental Kingdom.

Naguguluhan ako, na natatakot, na masaya. Hindi ko alam kung paano at kung ano ang dapat na mararamdaman ko.

TIERRA POV

Ilang araw na din ang nakalipas simula ng pumasok kami dito sa paaralan dito. Hindi naman kami binubully pero hindi maiwasan na pinag-uusapan kami pagkatapos sumabay sa amin kumain ang apat na iyon. Nandito na naman kami ngayon sa likod ng hardin. Si Aire nakatingin lang sa itaas ng langit sina Fuego at Aqua nag-aasaran lamang.

"Aire? Iniisipmo ba siya?" Tanong ko. Alam ko kung sino ang nasa isip niya ngayon. Ganito siya kapag wala ibang ginawa kung hindi tumingin sa kawalan. Tinignan niya lang ako at tumingin muli sa itaas.

"Namiss ko na si Ama. Matagal na panahon na din ang nakalipas Tierra." Saad ni Aire at ngumiti ng mapait. Sa aming apat si Fuego ang mukhang ipinagkait ng Ama. Namatay ito, bata pa lamang kamo dahil sa kaganapan noon. Sa kaganapan din noon, balita ko may kapatid si Aire hindi lang namin matukoy kung saan na ito ngayon.

"Ayos lang yan Aire. Lalaban tayo kay Velgamor at sa oras na iyon, doon mo ibuhos ng sakit na nararamdaman mo." Sabi ko at inakbayan siya upang kahit papaano maibsan ang pagkaulila niya sa kanyang ama.

"Gusto ko ng umuwi sa atin. Hindi ba tayo maaaring bumisita man lang?" Saad ni Fuego na ngayon ay nasa tabi na namin at si Aqua rin. Kung pwede lang sana pero hindi maaari.

"Hindi tayo maaaring umuwi. Hindi pa nga natin nahahanap ang mga armor natin." Saad ko na ikinanguso ni Aqua. Alam kong nangungulila na sila na makabalik sa mundo namin kahit ako din ganun din ang nararamdaman ko.

"Namiss ko na ang mga kababata natin. Kamusta kaya ang apat na iyon?" Saad ni Aqua. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Nakakamiss din sila. Sila kasi ang nagsisilbi naming mga nakakatanda sa amin nung nandoon pa kami sa mundo namin.

"May gustong iparating si Eunice sa atin." Saad ni Aire habang lumakas ang ihip ng hangin.

"Ano ang sabi Aire?" Tanong ni Fuego.

"Mamayang gabi mageensayo tayo, at mamayang gabi may importante siyang sasabihin." Saad ni Aire kaya nagtinginan lamang kaming apat.

"Ano ba daw ang sabi?" Saan ni Aqua. Itinaas niya na lamang ang kanyang balikat, tila hindi niya alam. Nauna ng lunakad si Aria palabas ng hardin

"Saan ka patungo Aire?" Saad ko. "Sa room. Magsisimula na ang klase." Saad niya kaya sumunod na lamang kaming apat.

Ano kaya ang sasabihin ni Eunice. Magandang balita ba ito o masama? bakit iba ang nararamdaman ko. Sana makakabalik na kami sa mundo namin, namiss ko na ang mga tao doon.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon