CHAPTER 8

4.7K 266 3
                                    

This chapter is dedicated to @ChrisS0917

CHAPTER 8

AIRE POV

Kainis yung babae kanina ah. Binaliktad ako? Nandito kami ngayon sa likod ng school kung nasaan ang fountain. Maganda dito maganda ang simoy ng hangin, iba ang nararamdaman ko dito banda sa likod ng building.

May mga estudyanteng patingin tingin sa amin pero hindi ko ramdam na may ibang ugali sila. Nakakapagtaka.

"Aire kalma ka lang. Sa bahay mo na ituloy ang pagbabasa mo, doon walang maingay." Sabi ni Tierra. Nainis ako kanina nasa trilling part na ako sa binabasa ko ng biglang sumigaw ang babaeng iyon. At ng nakaharap ko sila apat ang bigat ng naramdan ko.

"Okay sige." Sabi ko na lang at umupo sa fountain, tago ang fountain kaya hindi klaro kung may tao ba nandito o wala. Nang tinignan ko kung ano ang ginagawa ng mga kasama ko si Aqua yung fountain ginawa niyang ice gamit ng hintuturo niya buti na lang at walang mga estudyante dito ngayon. Si Fuego naman nilalaro ang apoy sa kamay, at halatang nasisiyahan siya kanina, mahilig kasi sa gulo ang isang to. Si Tierra naman may ibon sa kamay at nilalaro ito.

"Uwi na lang kaya tayo?" Sabi ni Fuego. Tumingin naman sa kanya si Tierra at "Hindi maaari, mission natin ito, at mission din natin hanapin ang armor natin. Kaya tiisin na lang muna natin ang mga taga mundong ito." Sabi niya at ngumiti.

Pagkatapos namin magstay sa hardin ay pumasok na kami sa room namin. Pagpasok pa lang namin, walang guro sa harapan, at

"Oh? Dito pala ang room ninyo?" Sabi ng babae. Hmm... curious ako sa kanilang apat na babae better to find out kung sino sila.

"Hindi nagkamali lang kami ng pinasukan." Sabi ni Fuego at umupo sa upuan niya. Nandito din palaang apat na maangas. Dito din pala sila. Umupo na ako sa lugar ko na malapit sa bintana, gusto ko dito dahil presko at nalalaman ko kung may masamang nangyayari o wala.

Bintana|| Aire || Fuego || Aqua || Tierra

Bintana|| Raven || Zephyr || Reed || Chaser

Bintana || Vanessa || Claire || Ayesha || Natasha

Ganyan ang sitting arrangement namin. Hay naku, ang boring. Pero hindi ko maiwasan mag-isip nasa malapit lang ba ang armor namin? Bakit hindi pa din umiilaw ang kwintas namin? Sabi ko sa sarili ko at hinawakan ang kwintas ko na may Air Symbol.

ZEPHYR POV

Ang bastos talaga kahit kailan ng apoy na ito. Mahilig sumabat. Umupo lang sila ng apat sa harapan namin ng tahimik. Nang tignan ko ang babaeng nasa harapan ko bigla itong nakipagbangayan kay Aqua. Vibes yata tong dalawang to hindi nagpipikunan sa mga sinasabi nila.

Ano kaya ang magandang gawin para mapatalsik ko sila sa paaralang ito? napatawa na lang ako sa iniisip ko, siguro tutulungan ako ni Reed dito. I'll make sure na aalis sila dito.

RAVEN POV

Sinadya ko talagang pumasok ngayon para pumasok din tong tatlo kong kaibigan. Mabuti naman at pumasok ang apat na nerds. Tinignan ko lang si Aire at direstso lamang umupo pagkatapos makipagbangayan sina Fuego.

She's weird. Hindi ko siya magawang basahin dahil isang ekspresyon lang ang nasa mukha niya. Umupo siya at hindi nagtagal ay yumuko ito. Pumasok na ang aming guro sa Calculus. Habang nagdidiscuss si Ma'am tulog pa din ang isa. Bastos talaga, kababaeng tao baka makita ito ni----

"Yang babaeng nakaupo malapit sa bintana. Gisingin ninyo." Sabi ni Ma'am kaya sinipa ko upuan niya at sakta namang tumingin siya sa harapan ng bored look kay Ma'am na mas ikinagalit ng aming guro.

"Ms.Diamond stand up." Sabi ni Ma'am. Halatang pinipigilan wag sigawan si Aire. Tumayo naman ang babae ng walang alinlangan. Rinig ko mula sa likod na mukhang masaya sina Natasha na tinawag ang attention ni Aire. Nang tignan ko ang kasama niya, wala lang pakealam.

"Go here infront and solve this problem in 5 minutes. Eto ang punishment mo sa pagtulog sa klase ko. Sagutin mo ng maigi or else bagsak ka sa subject kong ito." Sabi ni Ma'am. Hindi gumalaw o sumagot man lang si Aire sa kanyang upuan tila tinitgnan ang mga equation na tinignan ni Ma'am. Mabuti sana kung nakinig hindi man lang nakinig.

"Ma'am ako po ang sasagot para sa kapatid ko." Taas kamay sabi ni Tierra. Tila gusto niyang tulungan ang kapatid niya. Nang tignan ko si Aire ngumisi lang siya.

Hinihintay ng mga kaklase ko kung ano ang gagawin ni Aire. Walang sino nag-ingay man lang. "Paano kapag masagot ko ang equation mo Ma'am? In return, ipasa mo kaming apat ng kapatid ko sa subject mo and allow us to do what we wanted to do." Sabi niya. Napaka hangin din pala ng isang to. Lahat ng mga kaklase ko napasinghap sa sinabi ni Aire.

Tinignan ko ang equation na nilagay ni Ma'am mahirap iyon, lalo na sa mga hindi nakinig kay Ma'am.

"Aba ikaw na bata ka, sige kung yan gusto mo. Kung gusto mo pa lahat kayo ng mga kaklase makakakuha ng mataas na grado sa akin at exempted kung gusto mo pa hindi na ako papasok sa subject na ito. But make sure no erasures and tama ng step ng pagsolve mo. Pero kapag hindi lahat kayo na nandito bagsak sa akin." Sabi ni Ma'am. Ngumiti lang si Fuego kay Ma'am tila kompyansa sa isasagot ni Aire.

"k." Yun lang ang sinagot niya. Iba't ibang bulong ang mga naririnig ko.

"Baliw na ba ang babaeng yan? Pati kami idadamay?"

"Ang kapal talaga ng mukha. Mahirap kaya iyan sagutin lalo na't natulog lang siya kanina."

yan ang mga naririnig ko. Nag senyas si Ma'am sa kanya at ibinigay sa kanya ang chalk. Kinuha niya lamang iyon at...

0.0

how? Impossible paano niya nakuha ang sagot. Mabilis niyang sinagot ang eqaution ng walang mali sa loob ng 2 minuto. Kahit ang guro namin hindi makapaniwala.

Naghiyawan ang mga estudyante dahil sa sagot ni Aire. Yung iba nag double check pa pati na din si Ma'am.

"Mean what you said Ma'am. In return sa pagsagot ko." Sabi ni Aire at lumabas. Nag high five naman sina Aqua at Fuego. Si Tierra naman ay ngumiti lang.

Ang talino niya. Paano niya sinagot iyon ng ganung kabilis? It took 5 minutes sa akin para masagot ang equation na iyon.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon