CHAPTER 44
JEMZ POV
Ang galing naman nung apat na yun, kinuha ba naman sa amin ang mga prinsesa. Kitang nag-uusap pa kami. Ang daming tanong bumabagabag sa aking isip. Bakit ganun na lang nila tratuhanin ang isa't isa? Bakit nagkakaintindihan sila? Lalo na si Aire at sa lalaking humila sa kanya, hindi nagpapahila sa lalaki si Aire. Ganito na ba ang nangyari sa loob ng hindi kami nagsama. Parang iba na ang kutob ko.
"Kilala ko na kung sino sila." Sabi ni Lyndon. Tinignan lang namin siya at hinihitay ang sunod na sasabihin niya.
"Armor pala sila." Sabi niya.
Armor? Paano na? Huli na ba kami?
"Hoy kayong apat. Kasama kayo ng mga babaeng yun di ba?" Sabi ng babae sa amin. Tinignan ko naman ang mga kasamahaan niya, yung isa namumukhaan ko kasi ubod ng sungit. May mga magaganda din pala dito sa mundo ng mga tao, yun nga lang ang pangit ng ugali.
"Bakit?" Tanong ni Reward. Si Lyndon naman naka headphone lang. Si Spencer naman ay ngumisi lang sa tanong ng apat.
"Sisiguraduhin kong bukas wala na silang mukhang ihaharap." Sabi niya. Okay? Bahala siya.
Tinignan ko yung nakabangaan ko last time na babae, boring siyang nakasandig sa wall at mukhang may sariling mundo. Ano nga ba uli name niya? Nash? Nash? Nash di ba?
Nang nagtama ang tingin namin umiwas lang siya tingin. Ang arte, ngumisi na lang ako sa kanya. Umirap naman siya.
"Tigilan niyo na yang plano plano ninyo. Wala din kayong mapapala laban sa kanila." Saad ni Lyndon. Tinignan naman siya ng masama ng babaeng leader ata nila, akmang sasampalain niya si Lyndon ng nahuli ni Lyndon ang kamay niya kaya naman
"Alis." Sabi ni Lyndon at binitawan ang kamay ng babae. Nagulat naman ang babae sa ginawa ni Lyndon.
"Ano bang meron bukas?" Tanong ni Reward. Di namin alam ang kaganapan dito.
"Masquerade Ball. Party. Ninakaw nila ang mga partners namin kaya malalagot sila sa amin." Sabi ng isa pang babae.
"Yun lang ba problema ninyo?" Tanong ni Spencer at tumawa.
"Nandito kami, susunduin namin kayo bukas. Kaya alis na." Sabi ni Lyndon at di man lang tumingin sa kanila. Ngumiti naman ako sa kanila sabay sign ng alis.
"As if..." Sabi nila at umalis na.
"Hoy! Anong tayo?" Sabi ni Spencer. Nagkibit balikat naman si Lyndon at umalis. Loko talaga ang isang ito, tapso din niya naman susulputin ang mga yun.
REED POV
Nandito kaming anim sa leisure room ng naabutan namin sina Aire at Raven na natutulog sa kwarto niya. Hindi kami gumawa ng anumang ingay at
*click*
"Okay na." Sabi ni Zephyr at hawak hawak ang phone niya. Pinicturan namin ang dalawa, matutulog na lang hindi pa talaga isirado ang pinto ayan tuloy. Si Raven ay nakayakap kay Aire habang si Aire naman ay natutulog, magkaharap silang dalawa. May pang-asar na kami kay Raven.
Lumabas naman kami ng kwarto at nag stay sa sala. Tawa ng tawa si Zephyr kasama si Fuego habang sina Chaser at Tierra naman sa kusina naguluto at nag-uusap din. Asan na kaya ang babaeng yun? Si Aqua nawala, nilibot ko ang tingin ko nasa aquarium pala siya nakatingin.
Habang may kanya kanya kaming ginawa lumabas si Raven sa kwarto kaya napatingin kami sa kanya, messy ang buhok at mukhang may hinahanap.
"Reed phone ko, akin na." Sabi niya at pumasok sa kusina upang uminom ng tubig.
Naaala ko na may nag message din pala kay Raven kaya
"Bro may nagtext kanina di ko lang binuksan." Sabi ko habang inaabot ko sa kanya ang phone niya. Kinuha niya naman at tinignan,
"Oi gising ka na pala sleepy boy." Sabi naman ni Zephyr. Napatingin naman sa kanya si Raven ng makahulugan.
"Oh ano?" Sabi niya. Tumawa nanan sa kanya si Fuego. Sina Chaser naman ay lumabas na sa kusina dala dala ang mga pagkain namin...
"Wala." Sabi ni Raven at dali daling pumunta sa glass table mukhang may hinahanap.
"Nasaan ang susi ng sasakyan ko?" Tanong sa amin.
"Nasa drawer." Sabi ni Chaser, nakita naman agad ni Raven at mukhang may pupuntahan ata.
"Sino nagtext bro?" Tanong ko. Di niya pinansin tanong ko at
"Basta." Sabi niya at may ngiti sa labi niya. Umalis naman siya agad at lahat kami na wirdohan sa ngiti niya. Impossible naman na baka siya ang dahilan sa ngiti ni Raven? Nah baka may iba pang dahilan.
"Si Aire ba gigisingin natin?" Tanong ni Aqua sa amin. Umiling naman si Tierra sabay sabing
"Hayaan na muna natin. Nakakapanghinayang ang tagal niyang magising." Saad ni Tierra.
Habang nag-uusap usap kami di nawala ang ball para bukas. Kapartner ko si Aqua, Girlfriend ko na to. Paano? Siya na ang magsasabi sa inyo. Mas mabuti na din yun para wala na akong kaagaw.
Nag tatatawanan kami ng biglang lumabas si Aire sa kwarto ni Raven. Napatingin kaming apat sa kanya, kung maputi si Aire mas naging maputi siya na parang walang dugo. Matamlay niyang tinungo ang gripo ang binasa ang mukha ng tubig. Ang putla niya,tumayo naman si Chaser at nilapitan siya.
"Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya. Ngumiti naman ng pilit si Aire at tumango.
"Kainka na muna baka gutom lang yan." Sabi sa kanya ng kuya niya. Mukhang di niya narinig ang sinabi ni Chaser dahil tumungo siya sa sofa at nirest ang ulo. Kakatulog pa lang nito di ba?
Nilapitan naman siya ng mga kaibigan niya.
"Aire okay ka lang ba?" Tanong ni Fuego.
"May masakit ba sayo?" Tanong ni Aqua.
"Uwi na tayo baka masama lang pakiramdam mo." Saad naman ni Tierra.
Kami naman tatlo dito tahimik silang pinagmasdan. Tumawa pa ng pilitsi Aire sabay sabing okay lang siya. Tumayo naman siya bigla,
"Aire naman, sabihin mo nga kung may nararamdaman ka?" Sabi ni Fuego na parang galit na.
"Iba lang ang pakiramdam ko. Parang iba, di ko matukoy kung ano basta iba." Sabi niya.
"Uwi na tayo." Sabi ni Tierra. Tumango naman si Aire habang hawak hawak ang ulo dahil hinihilot niya ito. Akmang lalakad na si Aire nang bigla itong nahimatay, nilapitan namin siya agad at hinawakan si Aire.
"Bakit ang lamig niya?" Tanong ni Zephyr dahil siyaang unang nakalapit kay Aire, sumunod naman si Chaser at kinarga ang kapatid niya.
"Uwi na tayo. Mukhang may alam si Eunice nito." Saad ni Tierra.
"Reed ikaw mag mamaneho." Sabi naman ni Chaser. Tumango naman ako.
Ano kaya ang nangyari? Impossible namang buntis si Aire eh mukha namang walang nangyari sa kanila. Ano ba naman tong iniiisip ko ang weird. O baka naman yung mission ang tinutukoy nila? Impossible kayang si Aire ang sunod?
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...
![Elemental Princess [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/146221153-64-k191764.jpg)