Matapos ang labanan na naganap sa kanilang kaharian kasunod nito ay ang mapayapang pamumuhay ng mga elementalist sa kanilang kaharian. Masaya ang lahat sa kabila ng delubyong naransanan nila sa kanilang kaharian.
Lahat ay nasa kaharian dahil sa pagdidiwang ng kaarawan ng prinsipe. Napangiti na lamang si Tierra sa kanyang anak na lalaki na si Leif, binata na ito na sa ika 21 na taong gulang na ito.
Masaya lahat kahit na ang mga hari at reyna ay masaya. Nakikita niya sa mga mata na ito na wala na itong inaalala. Pagkatapos ng labanan nila noon ni Velgamor 22 years ago ay mapayapa na ang kanilang pamumuhay.
Naramdaman naman ni Tierra ang braso ni Chaser na nakaakbay sa kanya. Tinignan niya ito sa gwapo nitong mukha at ngumiti. Masaya siya at nakapiling niya ang lalaking nagpatibok ng puso niya, kahit air elementalist si Chaser ay nagkatuluyan pa din sila. Hindi naman hadlang kung ano ka klaseng elemental basta ang alam niya mahal niya ang lalaking nasa tabi niya na ngayon ay asawa niya na at nagkaroon sila ng isang anak na prinsipe iyon ay si Leif.
"Ang saya naman ng asawa ko." Sabi ni Leif kasabay noon ay ang pisil nito sa braso niya. Napatingin naman sila pareho sa gawi ng anak nila na ngayon ay pinalilibutan ng mga babaeng elementalist. Nakikita nila kung paano naiilang ang kanilang, well paano ba naman namana nito ang ugaling mahiyain kay Tierra ngunit ito ay responsable tulad ng ina.
"Malamang aking mahal. Binata na ang anak natin." Sabi nito kasabay nito ang pagngiti niya sabay labas ng ngipin na hindi maiwasan na ubod siyang nakaramdam ng ligaya. Sa wakas binata na ang kanyang anak, ngayon ay hahayaan na nila ang kanilang anak dahil sapat na ang mga itinuro nila ng kanyang asawa simula nitong pagkabata at nasa tamang edad na ito.
"Yeah he's grown up already. Pupunta ba sila Aqua?" Tanong niya sa asawa niya. Nilagay naman ni Tierra ang kamay niya sa bewang ni Chaser na tila mukha tuloy niyang niyayakap ang asawa gamit ang isang kamay.
"Hindi ko batid kung pupunta sila o hindi. Mukha atang may pinagaabalahan sila. Alam mo na." Saad ni Tierra sa asawa. Saksi si Tierra sa ginawa nila Aira upang makabalik sa mundo ng mga tao upang habulin ang mga mahal nito. Nasasaktan siyang nakikita ang mga kababata niyang wala sa sarili kaya tinulungan niya itong kausapin ang Gods and Goddess nila at doon ang tatlo humingi ng hiling. Matagal tagal na din silang hindi nagkikita, pumupunta ito paminsan minsan kasama ang anak at asawa pero syempre sa mundo ng mga tao na ngayon naninirahan sina Aire.
Hindi maaaring magkatuluyan ang mga tagalupa at elementalist worse it prinsesa sila ngunit dahil sa pagmamahal nila sa lalaking tagalupa hinanda nila ang sarili tanggapin ang anumang kaparusahan. Nagtagumpay ang tatlo at nakuha nila ang basbas ng Gods and Goddess kaya nakabalik sila sa mundo ng mga tao sa tulong din ni Euria.
Hindi tulad sa kanya na isang elemental prince ang kanyang inibig kaya hindi siya nahirapan at walang sino man ang pumigil sa pagmamahalan ng dalawa.
"Ina, Ama maaari na ba akong bumalik sa silid? Nakakailang na dito ang daming mga babae, nakakahiya sila." Saad ng anak nila at ikinatawa nila ng dalawang mag-asawa. Nakuha ata nito ang ugali ni Aire well magkapatid nga naman.
"Anak huwag kang ganyan. May pag-uusapan pa tayo. Ayaw mo bang iwelcome ang mga kababata mo?" Tanong ni Chaser kay Leif.
Matangkad, matingkad na kulay ng balat, matangos na ilong at kulay ash brown na mata. Biniyayaan sila ng gwapong anak na minana naman nito ang kakisigan ng katawan sa ama.
"Dad I thought hindi sila pupunta?" Saad ni Leif. Ngumiti naman ang ama at lumapit sa anak at inakbayan ito, matangkad ng ilang dangkal si Leif sa ama. Tumingin muna si Chaser sa kanyang pinakamamahal na asawa at tumango naman sa kanya si Tierra.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...
![Elemental Princess [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/146221153-64-k191764.jpg)